Rodge Winter POV "f**k! What have you done to me, Regina!," usal niya sa kawalan habang nakasandal sa kanyang motorsiklo paharap sa papalubog na araw sa tabing dagat. Hindi muna siya dumeretso sa malapit na branch ng W&H delivery shop. Gusto niya munang mapag-isa at namnamin ang una niyang kabiguan. Oo, bigo siyang makuha ang pagtangi sa kanya ni Regina. Ngayon lang siya nabasted at isa pang single mom ang nagsabi na hindi siya crush nito. Sanay siyang unang nagkakarandapa at nagpapahiwatig ng pagkagusto sa kanya ang mga kababaihan. Kaya't ang sakit para sa kanyang mahindian sa unang pagkakataon at si Regina pa mismong nagpamukha ng harap harapan sa kanya na hindi siya nito crush kahit nagbitaw na siya ng pabiro na gusto niya ito. Hindi niya alam kung manhid ba ito o talaga lang hindi

