STORMY AT SUNNY

1913 Words
CHAPTER 2 “Susunduin ba kayo?” Tanong ng mama ko. Bihis na kami ni Gina, nakikinood na lang kami ng balita sa television. Mahilig kasi ang papa ko sa balita. Simple lang ang suot kong bestida, plain white laced na knee length na tinernohan ko ng nude heeled step in. Ayos na itong ganitong damit para hindi ako magmukhang basahan sa mga sosyal na pamilya Abesamis. Hindi din ito masyadong pansinin.  Inilugay ko lang ang buhok kong lampas kalahati ng likod ko at konting make up. Ayaw kasing pumayag ni Gina, na hindi ayusin ang mukha ko. Nilagyan niya ng konting pulbos at blush on, pink na lipstick sa lips ko at mascara at konting eyeliner ang mga mata ko. Sus! Akala naman niya mas gaganda pa kami sa mga bisita ni kuya Enzo. Puro sosyal ang mga kaibigan niya. Mamahalin tiyak ang suot ng mga babae doon, mapapansin pa ba ang mga tulad namin na mga nene pa. Fifteen pa lang kami ni Gina. Tapos ang mga bisita ng kuya ni Teejay puro binata at dalaga na.  “Ang ganda naman ng dalaga ko,” puri naman ng papa ko. Wala naman siyang choice, ako lang naman ang anak niya, kahit pangit pa ako, buti na lang at hindi naman ako pangit, wala siyang choice kundi magustuhan ang hitsura ko. “Syempre mana ako kay mama,” napatawa kaming lahat.  Pinoy na pinoy kasi si papa, moreno siya, lalo’t bilad lagi sa araw, engineer kasi ang papa. Sa construction site laging nasa arawan. Si mama naman mestisa may halong amerikano ang lahi niya. Kaya… eto ako grey ang kulay ng mata ko at maputi ang balat ko.  “Buti na lang,” hagikhik ng papa, umaalog pa ang malaki niyang tiyan. “Gwapo ka naman po. Mana lang talaga ako kay mama, mukha din akong amerikanang hilaw,” tawa na naman ang lahat.  Masaya ang pamilya ko kahit tatlo lang kami. Gusto ko lang sana may kapatid din ako pero wala eh. Iisa lang ako. Naiingit nga ako kay Gina, may tatlo siyang kapatid. “Ihahatid ba kayo mamaya ni Teejay?” Tanong ni mama. “Opo, sabi niya. Paano naman kami uuwi kung di nya kami ihahatid. Siya lang naman ang mapilit na isama kami sa birthday ng kuya niya. Kung ako lang ayaw ko pumunta doon,” sambit ko, yun naman kasi talaga ang totoo. “Ayaw mo bang makipag sosyalan sa mga rich? Minsan lang ito. At tiyak ko maraming pagkain doon,” sabat ni Gina. “Ayan puro ka kain, tapos magrereklamo ka na tumataba ka,” binulong ko lang sa kanya ayaw ko naman mapahiya ang bestfriend ko. “Hayaan mo na minsan lang, lubusin na natin.” Mabait naman sa amin ang mga Abesamis, hindi nila pinaparamdam ang agwat ng estado namin sa buhay. Mabait ang mommy at daddy ni Teejay, si kuya Enzo din, pero ang kanilang prinsesa medyo masungit, pinakabata sa lahat si Thea, mas matanda ako ng isang tao. Di nya kami type ni Gina, suplada ang babaeng yun, ang bata pa mataray na. Narinig ko nga minsan na panay daw ang sabit ko kay Teejay kasi may crush ako sa kuya niya. Napatawa lang ako kasi totoo naman, hindi nga lang alam ni Teejay. Lihim namin ni Gina yun, walang ibang nakakaalam, kahit mama at papa ko. Akala ng lahat nakiki-kuya lang ako. Friends lang naman talaga kami at hindi ako ang klase ng teenager na maharot.  Isang tanong isang sagot lang ako. Wala silang mahabang kwentong maririnig sa akin. Pero matalino naman ako, laging first or second place ako sa honor role, hindi pa ako nag aaral ng sobra nun. Mas gusto ko kasing magbasa ng magbasa lang. Ayun tuloy maagang lumabo ang mata ko lagi akong nakasalamin. Kakaisip ko may nakatok na pala sa pinto namin hindi ko pa narinig. Si Gina ang lumapit sa pinto, binuksan ito at pinapasok niya si Teejay.  Dios ko po! Kagwapo naman ng mokong. Simple polo shirt lang at jeans ang suot niya, pero mala adonis ang dating dahil batak sa sports ang katawan niya kahit sixteen pa lang, nakaporma na ang katawan niya na parang hinubog sa mga taga Olympus.  Bago tumulo ang laway ko, tumayo na ako sa sofa at iniwas ko ang tingin sa kanya. Seryoso lang ang mukha ko ng humarap sa kanya. “Good evening po!” Magalang na bati niya sa parents ko. “Oh, Teejay, ikaw ba ang magda-drive? Ingat sa kalye.” Paalala ni papa ko. “May driver po ako ngayon at mamaya din,” sagot naman ni Teejay. May license na siya, kakakuha lang pero matagal na siyang marunong mag drive. Formality na lang ang license. “Mabuti naman. Ingatan mo ang mga prinsesa,” sabi ni mama. “Opo!”magalang na sagot ni Teejay. Kaya naman tiwala sila kay Teejay, magalang ito sa mga matatanda. Hindi siya katulad ng mga kabataan ngayon, bastos sumagot. Si Teejay, kahit sa mga teachers, paborito siya kasi kahit mayaman hindi siya abusado.  Eh sa chicks lang siya palpak, papalit palit ng girlfriend sa tatlong taong kilala ko siya halos mahigit na sa daliri ko ang naging girlfriend. Dyosme. Teenager pa lang yun, paano na kung binatang binata na siya? Ilan na kaya ang dumaan sa mga kamay niya. Kaya ako tahimik lang dahil okay na akong kaibigan lang. Ayaw kong mapasama sa listahan ng mga babaeng dumaan sa kamay ni Teejay Abesamis. Pagkatapos magpaalam sa mga magulang ko pumunta na kami sa mansion ng mga Abesamis. Ang ganda naman ng mga ilaw, bukas lahat ito. Parang palasyo sa disneyland ang dating. Naka-elevate ang mansion tanaw na tanaw kahit malayo at halos magningning sa liwanag ang mga ilaw ngayon, lalong napansin.  Napa buntong hininga na lang ako. Ang swerte talaga ng mga mayayaman.  “Tahimik na tahimik ang prinsesa ah! Ano na naman ang laman ng isip mo ngayon?” Pabiro nitong sambit. “Nagagandahan lang ako sa ilaw ng mansion ninyo. Masarap sigurong tumira sa sobrang laking bahay,” parang namalik-mata ako sa paligid. “Gusto mong tumira sa amin? Don’t worry pag pwede na sasabihin ko sa iyo,” biro nito. “Puro ka biro. Ayaw kong maging servant nyo lang. Nag aaral akong mabuti tapos gagawin mo akong maid?” Kainis ito. Aalilain pa ako? Inirapan ko nga. “Sino naman may sabi sa iyong gagawin kitang maid?” Bigla siyang nag seryoso. Yung green niyang mata parang nagniningning.  Natawa si Gina. Naputol ang awkwardness sa pagitan namin. Buti na lang din, huminto na ang sasakyan, nasa harapan na kami ng main door ng mansion. Bumaba si Teejay ng kotse at pinagbuksan kami ng pinto ng sasakyan, pabiro pa itong nag bow at saka sinabing “Good evening, princess Arin! Teejay here at your service,” ngingiti ngiti pa ang mokong inaabot ang kamay ko. Tumingin ako sa langit at pinaikot ko ang mata ko bago ko inabot ang kamay niya para makababa ako ng kotse. Mukha nga akong prinsesa…prinsesa ng mga muchacha! Tawa ng tawa si Gina. Sanay na sanay na din naman siya sa asaran namin ni Teejay. Alam din naman niya na habang naiinis ako ay kinikilig din ng lihim. Hay! Ewan ko ba, kung bakit paborito din akong inisin ng mokong na ito. Masuyo kaming binati ng mga magulang ni Teejay. Mabait talaga sila sa amin, sanay na din kasi sila. Kami lang ni Gina ang mga babae na dalawang taon ng pabalik balik sa mansion, ang mga girlfriend ni Teejay, papalit palit, bawat okasyon bago ang girlfriend niya. Ngayon lang yata wala siyang girlfriend. Kami ni Gina laging bitbit ni Teejay pag may okasyon, kahit may girlfriend siya o wala. Inabot ko kay kuya Enzo ang simpleng gift namin ni Gina. Simple lang ang polo shirt sa Giordano na pinabili ko kay mama. Hindi naman siguro nya kami hahanapan ng mas magarbo pa na regalo, ang importante may regalo kami. Ito pa ang isang kinaiinis ko, napa gastos pa tuloy sila mama. Mahal din sa Giordano polo shirt. Higit sa lahat imbis na nag babasa lang ako ng pocketbooks ko sa bahay, eto kami ni Gina, pinipilit maki pagsosyalan sa mayayaman. Pumunta kami sa garden, kung saan ang set up ng party malapit sa swimming pool, may banda na tumutugtog at marami ng nagsasayaw na mga hindi na kabataan. Mga twenties na ang mga bisita ng kuya ni Teejay, kami lang ata ang bata dito at isang grupo na kaibigan ni Teejay. Dinalhan kami ng waiter ng pagkain habang nakaupo kami sa isang table, inutos ni Teejay. Pag kulang daw pwede pa kaming pumunta sa buffet table kung saan maraming pagkain. Pero yung plate na binigay ng waiter marami ng pagkain, bukod pa sa salad at desserts na nakalagay sa mga platito. Okay na ako dito, hindi ko na nga mauubos ang nasa plato ko. Habang kumakain kami, nagpaalam si Teejay pupuntahan lang daw niya ang mga kaibigan sa kabilang mesa. Tumango kami ni Gina.  Hindi nagtagal at naramdaman ko na kailangan ko magpunta ng CR. Kumakain pa si Gina, kumuha pa kasi siya ng arroz valenciana, paborito kasi niya iyon. Kaya ako na lang ang pumunta sa ladies room kabisado ko naman na dito.  Umiwas akong dumaan sa maraming bisita, sa likod ako ng malaking halaman dumaan. Sa pagmamadali ko para hindi mapansin, muntik na akong masubsob sa isang malaking bato dahil nadulas ako sa madulas na walkway hindi ko alam kung bakit basa doon, hindi naman naulan. Naramdaman ko na lang na nabubuwal ako, mabilis ang pangyayari.  “Ayyyy!” Sigaw ko, malakas din, habang unti-unti akong bumabagsak pababa. Inaantay ko na lang na tumama ang kamay ko o di kaya ang mukha ko sa bato. Naka stretch ang dalawa kong kamay, inaantay ang impact ng bagsak ko. Pumikit na lang ako. Pero hindi ako nabagsak, bagkos para akong nakalutang sa hangin. Wala ang mga paa ko sa lupa pero para naman akong naka freeze sa hangin. Pag dilat ng mata ko, mata ng isang lalaki ang bumungad sa akin.  God! Kakaibang mata naman ito. Parang umiilaw na gold or brown na may golden hues. Goodness! Si Lucifer ba ito? Sisigaw sana ako, pero bigla kong narinig ang tinig ng lalaki na parang timbre ng violin, mababang boses. “Are you alright miss?” Tanong niya.  Oh well, tao pala siya! Nakatulala lang ako dahil bukod sa boses niya na parang musika sa pandinig ko, naku po! Saksakan din ng gwapo ang isang ito. Ganito ba talaga ang mayayaman? Puro gwapo at saka…ummm…ang bango din niya. Ibang klase ang isang ito, kung si Teejay yung bango niya parang laging bagong ligo ang isang ito parang nanunuot sa buong pagkatao ko ang amoy nya, parang lalaking lalaki. Bago pa man ako naka sagot sa tanong niya, boses naman ng babae ang sumunod na narinig ko.  “Jared, what the hell is going on here?” Inis na bulyaw ng babae kay kuya. Nanlilisik din ang mga mata nito na nakatingin sa amin ng lalaki. Nang para akong nabuhusan ng malamig na tubig, doon ko nalaman na kaya pala para akong nakalutang sa lupa ay dahil talagang nakalutang ako sa lupa na bitbit ng matangkad na lalaki na mukhang hinulma ng isang napakagaling na sculptor ang sobrang gwapong mukha nito. Napanganga na lang ako, bitbit pa rin ng lalaki sa tagiliran niya, nakapulupot ang bisig niya sa maliit na bewang ko. Oh gosh! Patay ako sa girlfriend niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD