"Goodmorning, Yaya Iska!" bati sa akin ni Joshua. Sinadya na ako nitong sa kwarto kinaumagahan at tumabi pa sa akin. "Goodmorning too, baby Joshua. Ang aga mo naman yatang nagising?" naghihikab pang tanong ko. Maaga pa kasi, 7 am pa lang pero heto siya at nambubulabog na. "Maligo ka na, Yaya. Aalis tayo." "Saan naman tayo pupunta ng ganito kaaga?" saad ko sa kanya. Bumangon na ako at sinimulan ko ng tiklupin ang kumot ko. "Punta tayo sa mall. We need to buy some stuffs na gagamitin natin sa beach..." "Marami ka naman damit pampaligo diyan, ah? Bakit bibili pa?" protesta ko sa kanya. Tinatamad din kasi akong lumabas dahil inaantok pa ako. Kadalasan kasi ay alas otso ako gumigising at si Joshua naman ay alas diyes na. "Ehh-- Ayoko na nun, Yaya! Gusto ko yung bago..." ungot pa niya s

