Bago pa sila magpambuno ay pumagitna na ako sa kanilang dalawa. Inawat ko na kaagad si Joaquin na tila hindi nagpapatinag kay Lorenzo. "Hmm... Señorito Lorenzo, ako na po ang humihingi ng paumanhin. Wala po kasi akong kontak sa'yo kaya hindi ko na naipagpaalam na ipapasyal ko si Joshua. At ito pong si Joaquin ay kinuha pong Driver ni Lola Madrid. Kapalit daw po ni Manong Menard." paliwanag ko parang pareho silang waLng naririnig. Tila hindi sila natitinag at sa titigan pa lang ay parang nagpapatayan na kaya naman hinila ko si Joaquin at inilayo ko na kay Lorenzo ngunit ng malapit na kami sa silid ni Joaquin ay biglang nagsalita si Lorenzo. "Franchesca, anong sinabi ko sa'yo kanina? I told you to go upstairs, right? Do I need to repeat that to you?" madilim ang awra na sabi nito habang n

