Kinahapunan ay ipinatawag kaming lahat ni Lola Madrid sa salas. Wala kaming ideya kung bakit kami ipinatawag. Pinaupo kaming lahat sa nakapalibot na eleganteng sofa at parang may importanteng sasabihin. "Bakit po Lola Madrid, may problema po ba?" nag-aalala agad na tanong ko dahil hindi naman niya kami ipapatawag lahat kung wala siyang importanteng sasabihin. "Wala naman hija," nakahinga agad ako ng maluwag sa sagot ni Lola Madrid. "Magpapaalam lang ako sa inyo dahil babalik na ulit ako sa Singapore." nakangiting sabi ni Lola Madrid. Bigla naman akong nakaramdam ng lungkot sa sinabi ni Lola. "Ganun ba Lola, bakit parang ang bilis naman po?" ngumiti ulit si Lola sa akin. "Ganun talaga Iska, alam ko naman na hindi mo pababayaan ang apo kong si Joshua. Kaya lagay na ang loob kong bumali

