Napakagat ako sa aking ibabang labi matapos ang huling sinabi niya sa tawag. Hindi ako makapagdesisyon kung susundin ko ba ang utos niya o hindi. "Bahala nga siya!" maktol ko. Ako pa ngayon ang nagkautang samantalang siya dapat itong may utang sa amin ni Joaquin. Tss! Sisingilin ko siya! Aba! Naubos kaya ang sahod ko ng isang buwan! Hapon na kaya nilinisan ko na rin si Joshua. Inaatok na rin kasi siya dahil sunod-sunod na ang paghikab niya, mukhang napagod sa pamamasyal sa mall at paglalaro doon palauran ng mga bata. "Come here, baby. Ipaghehele kita." ani ko kay Joshua pero tinanggihan niya ang alok ko. "Yaya, I'm not a kid anymore, no need to hele me na..." napangiti tuloy ako sa maarte niyang accent. "Sus! Baby ka pa rin. At tsaka, huwag kang masyadong magmadaling lumaki dahil m

