"Cheska? Will you be mine, again?" Nahigit ko ang aking hininga dahil sa hiling niya. Pero paano nga ba siya magiging akin ulit gayong nakatali na siya sa iba. "I-I'm sorry, enzo... Pero hindi maaari ang hinihiling mo. May asawa ka at may anak at ang isa pa, kasal ka na. Ayokong maging kabit Enzo, lalo na sa paningin ng ibang tao." Malungkot na sabi ko. Ang hirap i-handle ng ganitong sitwasyon. Kung nalaman ko agad noon pa na anak ni Lorenzo ang aalagaan ko ay kahit may utang na loob pa ako kay Lola Madrid, siguradong hindi ako papayag. Naramdaman ko ang unti-unting pagluwag ng yakap niya sa akin, kalaunan ay humalagpos na pababa ang braso niya at hindi ko na siya naramdaman sa likuran ko. Dahan-dahan akong humarap sa kanya at nakita ko siyang nagbabalot na ng tuwalya sa kalahati niya

