Nagising nga ako na nandito na ako sa aking silid. Napahawak agad ako sa aking tiyan ng maalala ko ang nangyari kanina. Hindi ko naman gustong mag stay rito ng matagal lalo at pinapahirapan nila ako. Ang gusto ko lang naman ay makausap ko si Lorenzo at itanong kung totoo nga ba ang lahat ng mga sinabi sa akin ni Irish. Totoo nga ba pinaghihigantihan niya lang ako sa dahil sa pag iwan ko sa kayan noon? Pero hindi yun ang na-feel ko. Mas nangingibabaw sa akin ang pagmamahal na ipinaramdam sa akin ni Lorenzo. Nag iisip ako kung dapat ko pa bang panghawakan ang mga pangako niya? Tuluyan na akong napaluha. Humiga ako patagilid at niyakap ko ang aking sarili. Hindi ko alam na aabot ako sa ganitong sitwasyon. Okay na ako noon pero bakit mas pinili ko ang ganitong sitwasyon. Ni minsan ay hi

