"Goodmorning, Ate Iska!" ani Kurdapya. Agad naman na napalingon sa gawi ko si Manay Lorna. Naghihikab pa ako dahil talagang antok pa ako. Paano ba naman! Hating gabi na kami nakauwi kagabi! Mabuti na lang at wala ng gising na mga taga silbi at tulog na rin ang lahat. "Oh, Iska? Anong oras ka ba nakauwi kagabi at mukhang puyat na puyat ka? Matagal bang natapos ang trabaho ni Lorenzo?" ani Manay Lorna. "Opo, Manay. Umuwi rin po si Joaquin kagabi kaya sabi po ni Señorito ay sa kanya na daw ako sumabay." totoo naman ang sinabi ko pero syempre lihim na lang muna yung kababalaghan na nangyari kagabi. "Ganun ba... Naku! Iyang batang yan, dapat pinasabay ka na lang kay Joaquin pauwi para hindi ka napuyat!" ani Manay. "Pero hindi ka naman halatang puyat dahil ang ganda mo pa rin, Ate Iska."

