Nasa tent na kaming lahat. Solo ako at si Joaquin. Si Lorenzo lang at si Karla ang sa tingin ko ay magkasama sa loob. Sabagay, naroon din naman si Joshua kaya hindi naman dapat ako mag-isip ng masama. Papikit na ako ng may marinig akong tunong ng isa pang sasakyan na dumating kaya bumangon ako ako at lumabas ng aking tent. Si Clark pala ang dumating. Tinotoo nito na susunod siya dito sa amin. "Hey! Franchesca!" bati agad nito sa akin ng makita ako. Ang sasakyan niya ay nakaparada kasunod ng sasakyan na ginamit namin papunta rito sa beach. Ngumiti naman ako at lumapit sa kanya. "Mabuti naman at nakasunod ka." tipid na tugon ko. "Pwede ba namang hindi." aniya habang kinukuha na ang mga gamit niyang dala sa likuran ng compartment niya. "Mukhang madami yan, ah. Tulungan na kita riyan!

