***Tala POV*** PAGBABA ko ng matarik na hagdan ay naabutan ko ang kapatid ko na nag aalmusal na. At healthy breakfast ang peg ng kapatid ko dahil may prutas pa sya na fresh from hacienda. Fresh na fresh pa talaga yun dahil kapipitas lang kahapon. Alas nuebe pasado na kami dumating kagabi ni Garett. Tuwang tuwa si Lola Puring at Maki sa pasalubong naming mga prutas. Heto nga ang kapatid ko, hinog na papaya at dragon fruit ang nilalantakan. Katatapos lang nyang kumain ng sinangag at itlog. "Grabe, ate. Ang tamis nitong hinog na papaya saka itong dragon fruit. First time kong kumain nitong dragon fruit. Ang sarap sarap pala. Kaya lang parang buhangin yung mga buto. Pero ang sarap!" Daldal ni Maki. Nangingising ginulo ko na lang ang buhok nya at pumasok sa banyo para umihi at magmumog.

