Chapter 7

2215 Words
***Tala POV*** "G-GOOD morning, sir." Nauutal na bati ko kasabay ng pag iinit ng mukha ko dahil sa hiya. Kuntodo hikab ako sa harap nya malamang nakita na nya ang ngala-ngala ko. Mahinang tumawa si Sir Garett. "Mukhang inaantok ka pa." "Eh.. medyo, sir." Ngumisi sya. "Bawal yan. Isusumbong kita sa employer mo." Sumimangot ako. "Mababait po ang mga employer ko." "Pero mas mabait akong employer. If you want, you can apply to my company." Aniya na may pilyong ngisi sa labi at kumindat pa sa akin. Lalo namang nag init ang pisngi ko. Gusto ko sanang paniwalaan ang sinabi nya pero naisip kong baka nagbibiro lang sya. Ngumisi ako. "Kayo talaga sir, masyadong palabiro." Tumawa lang sya at doon ko napagtanto nagbibiro nga lang talaga sya. "As usual po ba, sir?" Tanong ko na. "Yes, my usual. And I'm not kidding, Tala." "Ha?" Natigilan ako sa pag pa-punch sa pos. "I'm serious. Pwede kang mag apply sa company ko kung gugustuhin mo. Pag isipan mo." Umawang ang labi ko at matamang tiningnan sya. Mukha ngang seryoso sya at aaminin kong medyo natutukso ako. "Eh sir, vocational graduate lang po ako." "That's not a problem. Kung interesado ka sabihan mo lang ako." "Eh.. sige po, sir. Salamat po. Pag iisipan ko po muna ang alok nyo. Nakakahiya naman po kasi na basta basta akong aalis dito sa shop eh kaka-umpisa ko pa lang po." Pahapyaw syang tumawa. "No problem." "Sige po, sir. Aasikasuhin ko muna ang order nyong kape. Pastries po?" "Ikaw ang bahala. Kung ano yung hindi ko pa na-o-order." "Isang dosena po ba?" "Sure. Keep the change." Nakangising tugon nya sabay abot ng pera na bayad nya. Syempre matic ng walang sukli yun. Ngiting ngiti naman na agad ko ng inasikaso ang order nya. Sya naman ay matiyagang naghihintay habang nakasunod ang tingin sa akin na tila ba may gusto pa syang sabihin. "Here's your coffee and pastry, sir. Enjoy and thank you po." Magiliw na sabi ko at inabot na sa kanya ang mga order nya. Kinuha nya naman yun. "Thank you, Tala. Anyway, anong oras ang uwi mo mamaya?" Kumunot ang noo ko at nalilito kung bakit nya tinatanong. Pero sinagot ko rin. "Nine po." "Okay." Aniya at ngumiti sa akin sabay talikod na. Mas lalo akong nalito sa inakto ni Sir Garett. Di ko maintindihan kung bakit nya tinatanong ang oras ng uwi ko. 'Susunduin ba nya ako?' Napangisi ako sa tanong ng isip ko. Asyumingera naman akong masyado para isiping susunduin nya ako. Baka trip lang nyang magtanong. "Narinig ko tinanong ka ni Sir Garrett kung anong oras ang uwi mo, ah. Susunduin ka ba nya?" Untag sa akin ni Ethel. Narinig pala nya si Sir Garett kanina. "Hindi, no." Tumaas ang kilay nya. "Eh bakit ka nya tinanong?" "Ewan ko nga dun, eh. Minsan may pagka weird din yung si Sir Garett. Buti na lang gwapo." Nakangising sabi ko. "Baka naman may balak na sunduin ka mamaya." "At bakit naman nya ako susunduin?" "Ewan ko. Baka may gusto sya sayo." Suminghap ako at namilog ang mga mata sa sinabi nya. "Huyy! Huwag ganun, beh. Nakakahiya kapag may nakarinig sayo, ha. Baka isipin nila asyumingera ako." Ngumisi si Ethel. "Eh yun ang tingin namin eh." Nagsalubong ang kilay ko. "Anong ibig mong sabihin?" "Alam mo Tala, napapansin namin na kakaiba makitungo sayo si Sir Garett. Tapos lagi din naming napapansin na kakaiba sya tumingin sayo. Lagi ka nyang sinusundan ng tingin anoman ang ginagawa mo. Isa pa, napapansin din namin simula nang makita ka nya dito sa shop ay madalas na syang pumunta dito halos araw araw na. Kaya tingin namin ay may tama sayo yun. May gusto yun sayo. Ewan ko lang kung napapansin din yun nila ma'am." Saglit akong di nakakibo sa sinabi ni Ethel. Di ko alam kung paniniwalaan ko ba ang sinabi nya. Masarap sanang isipin na may gusto sa akin si Sir Garett pero ayokong paasahin ang sarili ko dahil masasaktan lang ako. Isa pa ay napaka imposible ng sinabi nya. "Kung ano ano na lang ang napapansin nyo. Imposible yang sinasabi nyo. Nakikita mo naman si Sir Garett, di ba? Saksakan ng gwapo, macho, mabango at mayaman. Bakit naman nya gugustuhin ang isang gaya ko na ordinaryong babae lang?" "Oy, kahit ordinaryong babae ka lang maganda ka naman. Di ka nga pahuhuli ng ganda kay Ma'am Ciella at Ma'am Pinky eh. Kaya rin tayo dinudumog minsan ng customer dahil sa ganda mo. Kaya di imposible na magustuhan ka ni Sir Garett." Umingos ako at umiling iling. "Huwag mo ng palakihin ang ulo ko Ethel. Alam kong may hitsura ako pero imposibe talaga na magustuhan ako ni Sir Garett." "Eh paano mo ipapaliwanag yung pag tingin tingin nya sayo?" "Natutuwa lang yun sa akin dahil magiliw ako sa kanya. Di naman porke't patingin tingin sayo may gusto na agad." Natatawang sabi ko. Ngumuso naman sya. "Eh di huwag kang maniwala. Basta ako sure na may gusto sayo si Sir Garett." "Bahala ka." Napapailing na lang na sabi ko at hinarap na ang customer na estudyanteng babae na mukhang mayaman. Mas asyumingera pa nga yata si Ethel. Nakakatuwa at nakakakilig kung tutuusin ang sinabi nya na may gusto sa akin si Sir Garett. Aminado akong may crush din naman ako doon sa binata. Pero yung tipong crush na mababaw lang. Crush na hinahangaan dahil bukod sa gwapo ang binata ay napakabait pa. Sa ilang linggo na ine-estima ko sya ay never nya akong sinungitan o sinimangutan man lang. Lagi syang nakangiti. Pero di sumagi sa isip ko na baka may gusto sa akin ang binata kaya ganun sya kabait dahil mabait din naman sya sa mga kasamahan ko. Mas mabait nga lang sya sa akin dahil natutuwa sya. Yun lang yun. Walang ibang dahilan. "Okay na ba ang lahat? Yung storage room Jem, baka may naiwang bukas na ilaw doon. Sa kitchen, baka may naiwang nakasaksak." Paalala ni Ma'am Pinky sa mga kasamahan kong lalaki na nag do-double inspection. "Okay na okay na po ang lahat, ma'am." Wika ni Kuya Jem na sinegundahan pa ng isa pa naming kasamahan na lalaki. "Okay, umuwi na tayo dahil mukhang uulan na." Sabay sabay na nga kaming lumabas ng shop at ang mga lalaki ay binaba na ang roll up at kinandado yun. "Wala pa si Sir Garett?" Kunot noong lumingon ako kay Ethel na palinga linga din. "Bakit? Pupunta si Garett dito?" Tanong ni Ma'am Pinky. "Opo ma'am. Susunduin nya po si Tala. Nagtanong nga po yun kanina kung anong oras uuwi si Tala eh." Daldal ni Ethel na ikinasinghap ko. "Yihee!" Panunukso naman ng mga kasamahan namin. Paniguradong pulang pula na ang mga pisngi ko ng mga oras na yun. Kinurot ko nga ang gaga na tatawa tawa lang. "Ganern? May pagsundo na sayo si Garett, Tala?" Tanong naman sa akin ni Ma'am Pinky na may nanunukso na ring ngiti sa labi. "Wala pong ganun, ma'am. Ine-eme lang po kayo ni Ethel." Nakangising sabi ko at pinandilatan ng mga mata ang kaibigan. "Akala ko naman totoo na. O sya, nandyan na ang sundo ko. Mauna na ako sa inyo. Ingat kayo sa pag uwi lalo ka na Tala dahil nag co-commute ka." Bilin sa akin ni Ma'am Pinky at sumakay na sya sa sasakyan ni Sir Cedric na huminto sa harapan nya. Nag ba-bye naman kami sa kanila. Si Ma'am Ciella ay kanina pa umuwi at sinundo sya ng boyfriend nya na si Sir Lex. "Ikaw talaga! Nakakahiya kay ma'am, ah." Sita ko kay Ethel pero tumawa lang sya. "Galit na galit ka naman." "Eh nakakahiya eh. Saka kita mo naman, o. Walang Sir Garett na dumating." "Uyy, umasa sya." "Hindi no! Nililinaw ko lang sayo." "Baka naipit lang sa trapik yun." "Ewan ko sayo. Sige na mauna na ako sa inyo sa sakayan at mukhang papatak na ang ulan." Sabi ko at nagpaalam na sa kanila. Nagpaparamdam na kasi ang ulan dahil panay na ang kulog at madilim ang langit. Binilinan naman ako ng mga kasamahan ko na mag iingat at mag chat kapag nakauwi na. Ako kasi ang pinaka bata sa amin sumunod si Ethel na two years ang tanda sa akin. Halos lahat ng kasamahan ko ay may pamilya na at ang iba naman ay may mga karelasyon. Kaya ang turing nila sa amin ni Ethel ay mga nakababatang kapatid. Nagumpisa na akong maglakad patungo sa sakayan ng jeep. Sumasabay ako sa paglalakad sa mga taong naglalakad din. Dinukot ko na ring ang payong ko dahil umaambon na. "Ay!" Napatili ako nang bumangga ako sa isang tao. "Sorry! Sorry po!" Hinging paumanhin ko at nag angat ng tingin. Ngunit sya namang pag awang ng labi ko nang makita ang weird na lalaki na nasa harapan ko. Sya ang nakabangga ko. "Hi Tala. Madaling madali ka, ah." Nakangiting wika nya at hinagod pa ako ng malisyosong tingin mula ulo hanggang paa. Bahagya naman akong napaatras at napalunok. "A-Ah oo, pauwi na ako eh. S-Sige mauna na ako." Nauutal na sabi ko at nilampasan sya. Ngunit hindi pa ako nakakailang hakbang palayo sa kanya ay muli syang humarang sa harapan ko. Kumabog naman ang dibdib ko sa kaba. "Ihahatid na kita." Alok nya. "H-Hindi na. Mag co-commute na lang ako." Tanggi ko at muli sanang lalampasan sya pero muli lang din syang humarang at may ngisi na sa kanyang labi. "Aw, c'mon. Tinanggihan mo na nga ako nung una tapos tatanggihan mo pa uli ako ngayon. Hindi ako mag ti-tiyagang hintayin ka para tanggihan mo ulit." Napalunok akong muli at mas lalo pang bumilis ang pintig ng puso ko sa kaba. Pasimple akong luminga sa paligid. May mga taong dumaraan sa gilid namin at ang iba ay napapatingin pa nga pero diretso pa rin ang lakad. Siguro ay iniisip nila na magkakakilala talaga kami ng lalaki. Humugot ako ng malalim na hininga at pilit na kinalma ang sarili. Naalala ko ang pepper spray na ginawa ko at nasa loob yun ng bag. Magagamit ko yun kapag may ginawang hindi maganda ang lalaki at kung sakaling mangahas sya ay sisigaw ako. Siguro naman ay may tutulong sa akin. Muli akong lumunok at nilakasan ang loob. "B-Bakit ba gusto mo akong ihatid eh hindi naman kita kilala." May katarayan ng sabi ko. Nabura saglit ang ngisi nya pero agad ding bumalik. "Kilala mo 'ko. Nagpakilala na ako sayo di ba? Ako si Paul. Ano? Ihatid na kita? Tara na." Akmang hahawakan nya ako pero mabilis akong umiwas. "Huwag mo kong hawakan." Mariing turan ko at umatras. Nag uumpisa na ngang lumakas ang ambon pero di ko magawang buksan ang payong dahil nanginginig ang mga kamay ko sa kaba at takot. Tumalim naman ang mata ng lalaki. "Ang arte mo naman. Ihahatid ka lang, eh." "T-Tigilan mo na ako nga ako. Hindi kita kilala kaya bakit ako magpapahatid sayo." Muling sumilay ang ngisi sa labi nya. "Alam ko na. Nag papa-hard to get ka lang." Naging alerto ako sa mga kilos ng lalaki. Hindi ko alam kung nasa katinuan pa ba sya o wala na. Pero mukhang wala nga dahil sino ba namang matinong lalaki ang manghaharang ng babae para piliting ihatid. Baka isa syang adik. Humakbang ang lalaki palapit sa akin. Umatras naman ako. "H-Huwag mo kong lalapitan. Si-Sisigaw ako." Banta ko sa kanya habang dinudukot ko na sa bag ang pepper spray na ginawa ko. Pero lalo lang lumapad ang ngisi ng lalaki. "Walang tutulong sayo dito kapag sumigaw ka, lalo na kapag sinabi kong girlfriend kita at nag e-eskandalo ka lang. Kaya kung ayaw mong masaktan sumama ka na lang sa akin." Lalo lang akong kinabahan sa sinabi nya at nataranta sa pagkapa ng pepper spray sa bag. Napapansin ko ring wala ng masyadong dumadaan dahil lumalakas na ang patak ng ulan. "A-Ano ba kasing kailangan mo sa akin?" Naiiyak ng tanong ko. Saglit na hindi umimik ang lalaki at hinagod ako ng tingin. May kislap ng pagnanasa sa kanyang mga mata na nagbigay kilabot sa akin. Hindi nga ako nagkamali ng iniisip sa kanya nung una ko pa lang syang nakita. Mukha lang syang matino at mabait pero yun pala ay manyakis. "Ikaw, Tala. Ikaw ang kailangan ko. Gabi gabi kitang sinusundan paglabas mo pa lang ng shop. Hindi na ako makatulog sa gabi sa kakaisip sayo. Para kang droga na sabik na sabik ko nang matikman." Napatili ako nang bigla nya akong hawakan sa braso. Nagpupumiglas naman ako ngunit mas lalo lang nyang hinigpitan ang hawak. "Bitiwan mo 'ko! Tulong! Tulungan nyo 'ko!" Sigaw ko na at nagpalinga linga. May lalaking nakapayong na naglalakad sa kabilang panig ng kalsada at tumingin sa amin pero tila wala syang pakialam at dumiretso lang ng lakad. "See? Walang tutulong sayo kaya halika na." Hinila na ako ng lalaki pero nagmatigas ako at nakipag hilahan din sa kanya. Pinapalo ko na rin sya ng payong na hawak ko habang panay pa rin ang sigaw ko. Bagaman natatakot ay hindi ako nagpadaig. Hindi pwedeng may masamang mangyari sa akin. Kawawa ang lola at kapatid ko. May narinig akong sagitsit ng gulong kasabay nun ang paghinto ng itim na itim na sasakyan sa tapat namin. Bumukas ang pinto nun at bumaba ang isang taong hindi ko inaasahan na makikita sa ganitong sitwasyon. "S-Sir Garett.." Pabulong na sambit ko. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD