***Garett POV*** "KAMUSTA na ho ang pakiramdam nyo, 'lo?" Tanong ko sa abuelo matapos syang suriin ng doctor. "Maayos naman ang pakiramdam ko, apo. Medyo mabigat lang ang ulo ko." Bumuntong hininga ako. "Tumaas ho ang cholesterol nyo pati blood sugar at blood pressure nyo. Mabuti na lang at hindi kayo nauwi sa stroke." Ngumisi si Lolo Eli. "Ibig sabihin lang yan, di pa ready si kamatayan na sunduin ako." Napangisi na lang din ako at napailing. "Lolo talaga, nakuha pang magbiro." "Aba'y totoo naman. Akala ko nga kagabi ay mamamatay na ako. Nanigas ang katawan ko at sumakit ang batok ko. Nahirapan din akong huminga." "Bakit naman ho kasi lumantak kayo ng seafood kung kelan gabi pa. Bawal na bawal ho yun sa inyo." "Titikim lang naman dapat ako. Kaya lang masarap eh. Kaya napad

