***Tala POV*** "WOW! Ang sarap naman nitong karne, ate." Bulalas ni Maki. Kinakain nya ang steak na inuwi naman ni Garett kagabi. Ininit ko lang yun sa luma naming oven na gumagana pa. "Karne ng dragon yan." Biro ko sa kapatid na ikinatawa ni Lola Puring. Sabay sabay na kaming nag almusal. Pati si Lola Puring ay nagustuhan din ang steak. Nakatikim na raw sya nito noong nagtatrabaho pa sya pero ito daw ang pinaka masarap na steak na natikman nya. Kaya naman tuwang tuwa ako ngayon dahil nakakain din sila ng ganito. Bukod kasi sa steak ay nag take out din pala ng prawn si Garett gaya ng kinain naman kagabi. Ang sabi ni Lola Puring ay yun na lang daw ang ulam nila ni Maki mamayang pananghalian. Iiinit na lang daw nya mamaya sa oven. Pagkatapos naming mag almusal ay nag hugas na ako ng

