***Tala POV*** PAGPASOK ko sa sasakyan ay maingat na sinara ni Garett ang pinto. Kinabit ko naman ang seatbelt sa aking katawan. Nakaamoy ako ng pagkain na nakakatakam. Lumingon ako sa backseat at nakita ko ang mga plastic at meron pang box na pahaba. Bumukas ang pinto sa driver seat at pumasok na si Garett. Dumukwang sya sabay kabig sa batok ko at halik sa aking pisngi at sentido. Napangiti naman ako sa ginawa nya. Parang gusto ko pa nga syang yakapin dahil ang bango bango nya. Mas mabango pa sya kesa sa akin. Minsan nga nahihiya na akong dumikit sa kanya pero sya naman panay ang dikit sa akin. "Parang ang dami mong dala sa backseat." Sabi ko. "Pasalubong ko yan para kanila Lola Puring at Maki." Aniya habang minamaniobra na ang sasakyan sa kalsada. "Parang ang dami naman." Wika ko

