“Another out of town seminar?” Ibinato ng dalagang si Roshane ang booklet sa ibabaw ng kanyang mesa at inis na bumaling kay Gale nakaupo sa sofa. “Ano bang iniisip ni Nicollo? He doesn’t want me to attend the Disciplinary Committee’s summon?”
Ngayon ang araw na itinakda ng management upang pag-usapan ang naging isyu tungkol sa relasyon niya kay Cailen. Sa nagdaan na dalawang araw, puro pa-seminar sa labas ng siyudad ang iniuutos sa kanya ni Nicollo. Tila ba sinasadya nito na huwag siyang manatili sa opisina upang maiwasan ang mga nagaganap dito.
“Well, yeah. That’s the whole point,” kaswal na bulalas ni Gale habang ngumunguya ng potato chips. “Pero hindi ka naman makikinig ‘di ba? What are you getting stressed out for?”
“Nakakairita lang. Malinaw kong sinabi sa kanya na haharapin ko ‘to at hindi ko tatakbuhan.”
Nagbuntong-hininga ang kaibigan at ibinaba sa coffee table ang hawak na supot ng potato chips. Pinagpag nito ang kamay sa ere habang umiiling-iling bago siya tinaasan ng kilay kassunod ng pagtiklop ng mga braso.
“Alam mo, that’s the problem with you.”
“Problem with me?” pag-uulit niya ssa sinabi nito.
“Yeah, you.” Tumayo ang kausap at nakapamewang na naglakad papunta sa kanyang harapan. “Hinaharap mo lahat ng bagay. Kahit na ‘yung mga tipo na hindi mo kasalanan. I get it now why Nicollo was so worried. You have an unbelievably high ego.”
“No, I don’t,” mariin na tanggi niya. “Ayoko lang na mag-rely sa kanya. This is my problem. Alam ko nagaalala lang siya sa project, but I know I can handle this.”
“See. Sa tingin mo tungkol pa rin ‘to sa lintek na project na ‘yan?”
“Well, yeah. That’s my biggest concern as well.”
“I don’t think that’s Nicollo’s biggest concern.”
“Gale, huwag na natin bigyan ng malisya ‘to. Okay?” Napalamukos ng mukha ang dilag at kinuha ang coat mula sa sabitan.
“Bahala ka kung ano ang gusto mo paniwalaan.” Itinaas ni Gale ang dalawang kamay sa ere bilang pagpapatalo. “Tandaan mo, sarili mo lang naman ang niloloko mo.”
Hindi siya umimik at iginala ang mga mata sa labas ng bintana. She was reminded of what Nicoleen said in the hospital. Talaga bang hindi pa siya nakaka-move on? Are all these anger just a bunch of denials that cover her true feelings?
“May sigarilyo ka ba d’yan?” walang sa isip na naitanong ni Roshane.
Nanlaki ang mga mata ng kaharap. “Sigarilyo? You smoke?”
“Uh-huh,” napahawak siya sa kanyang batok. Nang makita na hindi pa rin ito nakakabawi sa pagkagulat ay muli siyang nagsalita. “Minsa lang. I do it when I’m super stressed. Maybe twice or thrice in a year.”
“Really?” Binunot nito ang kaha at lighter mula sa bulsa ng blazer at inabot sa kanya. “All the while, I thought you’re a goody two shoes. Mabuti naman may side ka na hindi boring.”
“Gale,” saway niya rito.
“Okay, okay.” Humalakhak ito at tinapik ang balikat niya. “Good luck sa evaluation. I’m sure everything will be different after this.”
“What? What do you mean?”
Isang ngisi lamang ang puminta sa labi ni Gale bilang tugon sa kanyang tanong. Pinanood ng dalaga na mag-martsa ito palabas ng kanyang opisina. Unlike the first time they heard about the committee’s summon, her colleague seems more enthusiastic. Para bang may alam ito na hindi niya batid.
Nagpasya na pumunta si Roshane sa rooftop upang manigarilyo. Kulang-kulang dalawang oras na lang kasi ay magsisimula na ang pagpupulong at kinakailangan niya na ihanda ang sarili sa anumang pupuwede na mangyari.
Akma na niyang ilalagay sa pagitan ng kanyang mga labi ang sigarilyo nang matigilan siya sa kanyang narinig. Isang pigil na hikbi mula sa isang gilid sa likuran ng mga halaman. Kumunot ang kanyang noo sapagkat bibihira lang ang mga empleyado na nagpupunta rito ng ganitong oras.
Habang unti-unti siyang lumalapit sa pinanggalingan ng iyak na ‘yon, nabubuo rin sa kanyang paningin ang imahe ni Vanessa. Naka-upo ito habang sapo-sapo ang mga mata at hinahabol ang hininga.
“Vanessa? Ayos ka lang ba?”
Halos napatalon ito mula sa pagkakaupo nang makita siya. Dagli-dagli ito na nagpunas ng mga luha at inayos ang sarili.
“M-Ms. Montallana,” nauutal na wika nito. Hindi nito sinalubong ang kanyang tingin at nanatili na nakayuko. “A-ayos lang po ako. Babalik na po ako sa trabaho. I’m sorry.”
Hinila ni Roshane ang kamay ng dalaga bago pa ito makatalikod at humakbang sa direksyon ng pintuan. Matapos noo’y humugot siya ng panyo mula sa bulsa at walang atubili na inabot ito.
“You don’t look fine. Hindi mo kailangan magpanggap just because you’re in front of your superior.” Isang malumanay na ngiti ang ipinukol niya rito kaya naman tinanggap nito ang alok niya na panyo. “Is this because of the rumor going around?”
Wala man siya rito noong nakaraan na dalawang araw, nakarating sa kanya ang balita na nagtuturo sa dalaga bilang salarin sa pagpapakalat ng litrato nila ni Cailen. Liban ba ito sa ibinalita ni Henry sa kanya. She didn’t expect it’ll blow out like this and affect a new employee like her. But then again, she’s not so sure if she’s really not the culprit.
“Hindi po talaga ako ‘yon, Ma’am.” Humikbi-hikbi ulit si Vanessa. “I promise. Hinding-hindi ko po iyon magagawa. At maaga rin po akong umuwi noong biyernes kaya hindi ko po alam kung bakit unit ko ang tinignan ng IT dept.”
Patuloy na tumulo ang luha ng kaharap, habang si Roshane naman ay nagsimula na mag-isip. Kung tutuusin, napakababaw na dahilan kung si Vanessa nga ang salarin sa lahat ng ito. Why would she do that? Dahil lang may gusto ito kay Nicollo? She doesn’t think a 21-year old woman is capable of thinking like that.
“Do you really like Nicollo?”
Halata ang gulat sa mukha ni Vanessa dahil sa kanyang tanong. Maagap ito na umangat ng tingin upang tignan kung seryoso ba siya o hindi.
“N-no, hindi po ganoon ang pagtingin ko sa kanya. He’s like someone I looked up to. Parang brother figure, katulad ni Nathan.”
“I see.” For some reason, it comforted her. Tinapik niya ang balikat ni Vanessa. “Don’t worry. You’re innocent until proven guilty. Keep that head up kung alam mo na wala kang ginawang mali.”
Sumapit ang takdang oras ng meeting at natagpuan na lamang ni Roshane ang sarili na nakaupo sa isang malaking conference room habang napapaligiran ng mga tao sa management. Naroon din si Nicollo sa kabilang dulo ng malaking lamesa.
Hindi maitatanggi sa wangis nito ang disgusto na makita siya sa loob ng silid. She can’t blame him, though. Wala naman kasi talaga siyang balak pakinggan ang suhestiyon nito na huwag umattend ng disciplinary meeting.
“Ms. Roshane Montalla, thank you for granting our request to speak to you regarding this matter.” Luminga si Ulyses, ang head ng Human Resources, sa direksyon ni Nicollo bago ibinalik ang tingin sa kanya. “I suppose alam mo na kung bakit nagpatawag ang management ng meeting, right?”
Humugot ng malalim na hininga ang dalaga at kinyom ang kanyang mga palad. Sa tono pa lamang ni Ulyses, batid na niya ang panghahamak nito sa kanyang kinasasangkutan na kontrobersiya. Maging ang mga tingin ng mga miyembro ng board ay tila puno ng paghihinala tungo sa kanya.
“To be honest, I’m still at lost.” Buong tapang na pinanatili ni Roshane na nakaangat ang kanyang noo at sinalubong ang mga tingin nito. “I believe I’m the victim of senseless gossip. But here we are, I’m the one being questioned.”
“You don’t think na may mali ka sa mga nangyari?”
“No, sir. I don’t think so.”
Lumakas ang bulung-bulungan bunga ng kanyang pahayag. Mula sa gilid ng kanyang mga mata ay nakikita niya si Nicollo na napapailing. It’s obvious that he wanted to talk, but with this many higher-ups gathered to temple on her, his words will only be taken against her.
“Isn’t it just common sense to prohibit yourself from having any relations with anyone working for your company’s competitor?” malakas na sadd ni Ulyses at nakipagpalitan ng tingin sa mga naroroon. “Kahit ang pinakabagong hire natin, alam ‘yan. Don’t you think, Ms. Montallana?”
“Sure.” Tumago-tango siya. “Except that I have no relations or what-soever with Cailen Rex Lorenzo.”
Hindi na siya nagpaliguy-ligoy pa. Ang pagbanggit niya ng pangalan ng binata ay mas lalong nagpataas ng tensyon sa loob ng malaking silid. Tinaasan niya ng kilay si Ulyses sapagkat batid niya na naunahan niya ang binata na banggitin ito. He was waiting for a chance to humiliate her, and she didn’t let him have that victory.
“Regardless of that….”
“Technically, no company policy states that it’s prohibited,” tuluyan nang sumabat si Nicollo. “Although I understand that it’s necessary to keep our trade secrets. But why are we making a fuss over some baseless rumors? Because of one picture?”
“Alam naman natin na hindi lang ito dahil sa pictures.” Napukaw ang atensyon ng lahat nang magsalita si Harry, ang ama ng binata, mula sa isang gilid. “Investors are getting worried, some are pulling out. As a major player of this big project, you should’ve been more careful hija.”
“Yes, sir. And for that, I apologize.”
“Hindi naman na natin dapat palakihin ‘to,” dagdag pa nito saka binalingan ang anak na si Nicollo. “Since she’s one of your people, you can decide what kind of disciplinary actions to put in place. No need for this fancy meeting or what-nots.”
“Bur sir, as you said, investors are pulling out,” maagap na protesta ni Ulyses. “Kung hindi natin bibigyan ng proper sanction si Ms Montallana, that would affect how the investors view us. Hindi ba mas lalo silang mawawalan ng confidence sa project na hawak niya?”
“Then, let’s bring in an investor that’ll solidify her place in this company.”
Nagsalubong ang mga kilay ni Roshane sa sinabi ni Nicollo. Maging ang mga tao sa conference room ay tila nalito sa nais nitong iparating. Bubuka pa lamang ang bibig niya upang magtanong nang bumukas ang pintuan.
Napako roon ang tingin ng lahat. Maya-maya pa’y nalaglag na ang panga ng dilag sa pamilyar na pigura na lumitaw mula rito.
“Let me introduce you to the new major investor of our project,” lumapad ang ngiti sa labi ni Nicollo kasunod ng isang makahulugang tingin tungo sa direksyon ni Roshane. “This is Mr. Montallana, the CEO of Sparks and Noble Incorporated.”