Saglit na ipinikit ni Roshane ang kanyang mga mata upang damhin ang malamig na hangin na humahampas sa kanyang balat habang tumatakbo sa parke. Tanging ito lamang kasi ang pumapawi sa kanyang pag-iisip na dulot ng mga sinabi ni Roanna. “Should I quit?” bulong niya sa sarili. Umiling-iling siya at minulat ang talukap ng mga mata. Considering how her father intervene to save her reputation, his efforts will be in vain if she quit now. Isa pa, nagging attached na siya sa proyekto na kanyang ginagawa. Hindi siya makakapayag na hindi matapos ito at mahirapan ang kanyang team. “Saka ka na mag-isip pagkatapos ng project. Okay, Shane?” Tinapik-tapik niya ang magkabilang mga pisngi at tumigil sa pagtakbo. Umupo siya sa isang bench at hinabol ang kanyang hininga habang pinapanood ang iba pan

