Chapter 3

1576 Words
Katulad ng nais ng kanyang lola, ini-enroll nga nito si Sailor sa kanilang school. Napag-alaman ng kanyang lola na nakapag Grade 1 na din pala ito ngunit dahil nga iniwan na ito ng Nanay nito hindi na rin ito nakapagpatuloy pa sa pagpasok sa eskwela. Nakakaawa ang kalagayan nito pero kahit ganon, ayaw pa rin niyang makasama ito hanggang sa paglaki. Kaya kahit may kaunti siyang awa para sa batang babae, balak pa rin niyang gawin ang lahat para mawala ito sa landas nilang maglola. Hindi naging madali ang masamang balak ni Ace kay Sailor, sa katunayan sa tuwing bubwesitin niya ito kadalasan siya pa ang talo sa huli. May mga time na halos isumpa niya ang babae lalo na kung mapapansin ng mga classmate niya na kasabay niya ito sa kotse. At isa pang ikinaiinis niya dito, palagi itong nakabuntot sa kanya kahit saan siya magtungo. Isang araw nagpaalam ang kanyang lola sa kanya, ang sabi kailangan daw itong magtungo sa ibang bansa dahil may mahalaga daw itong aasikasuhin doon. Ibinilin pa si Sailor sa kanya na alagaan daw niya at wag papabayaang magutom. Parang nais niyang magprotesta, mas inaalala pa ng kaniyang lola ang ampon nito kesa sa kanya na tunay nitong apo. Nang makaalis ang kanyang lola, minabuti niyang magkulong sa kwarto ngunit maya-maya ay nakarinig siya ng katok sa kanyang pinto. Hinintay niyang magsalita kung sino ang kumakatok ngunit ilang minuto na wala pa ring nagsasalita kaya napilitan siyang buksan ang pinto. Agad na umasim ang kanyang mukha ng makita kung sino ang kumakatok, si Sailor. "Ace, pwede bang magpaturo nitong assignment natin sa math? Hindi ko kasi alam kung paano i-solve ei," pakiusap nito. "Ayoko, inaantok ako ei," nakasimangot na sabi niya dito. "Sige nanaman oh, baka magalit sa'kin si sir kapag hindi ko nagawa ito ei,"pakiusap ulit nito ngiting-ngiti pa ito at nakalabas pa ang mga ngipin na malalaki. Tuluyan na siyang nainis, feeling yata nito ay close sila. Kadalasan kasi kapag nangungulit ito ay binabalewala nalang niya palagi pero kapag napuno na siya kinukutungan niya ito sa ulo, minsan nga nahahampas pa niya ito ng braso. Hanggang sa umiyak na to dahil hindi niya pinapansin. Maya-maya'y sumuko na rin ito at tinalikuran na siya, napangisi na lamang siya buti naman umalis na. Hindi na nito hinintay na makutungan nanaman niya. Halos isang linggo din nawala ang kanilang lola, miss na niya ito. Ngunit nagulat sila ng pag-uwi ng kanilang lola animo may dinaramdam ito. Namumutla ito at tila nanghihina, medyo pumayat din pero halatang itinatago ng kanilang lola ang tunay nitong nararamdaman. Malawak pa rin ang pagkakangiti nito ng salubungin nila at andon pa rin ang warm hug na parating ipinagkakaloob nito sa kanya maging ang halik sa kaniyang noo. Ngunit halata sa mata nito na hindi ito okey. "Lola, okey ka lang po ba?" tanong ni Sailor. "Okey lang naman ako apo, don't worry ha pagod lang si Lola sa biyahe," sagot nito habang yakap-yakap silang dalawa. Simula noon palagi ng nakahiga ang kanilang lola, minsan na lamang ito maglalabas ng bahay. Lagi itong tila hapong-hapo at kapag tinatanong naman nila ito kung ano ang nararamdaman sasabihin lang ay napapagod ito. Ilang beses din na nag-out of town ito, palagi lang sinasabi na may aasikasuhin ito sa kanilang negosyo. Hanggang sa maging senior high na sila, ngunit hindi pa rin nagbago ang turing niya kay Sailor kahit na malaki na sila, sa totoo lang mas nababadtrip siya ngayon dito lalo pa at mas lumala kung makabuntot ito sa kanya. "Babe, as in kadiri huh! Kelangan ba talagang nakasunod satin ang bakulaw na tsimay nyo?! Nakakainis ha, pano naman kita masosolo kong andiyan yan!" inis na wika ni Sherrie, isa sa mga fling niya. "Don't mind her babe, kahit paalisin ko yan hindi yan susunod kaya hayaan nalang natin," sabi nalang niya dito. Kumakain kasi sila ni Sherrie sa school canteen ngunit dahil nga isinumpa na yata na maging kabuntot niya palagi si Sailor heto at kahit inis na inis na siya wala talaga siyang magawa. Baka kasi magsumbong ito sa kaniyang lola kapag sinaktan nanaman niya ito, ayaw na niyang mamroblema pa ito o kaya baka manghina nanaman ang kaniyang lola. Nong minsan kasi na nag-away sila ni Sailor, sinuntok niya ito sa panga nabwesit siya dito dahil isinumbong ito ni Marie ang dati niyang girlfriend na inaway daw nito. Namaga at nagkapasa ito hindi naman ito nagsumbong sa kaniyang lola ngunit nakita ng kaniyang lola ang pasa nito kaya kalaunan napaamin din ito ng kaniyang lola kung sino ang may gawa. Naparusahan siya nong time na yon at sinabi ng kaniyang Lola na kapag naulit pa ang pananakit niya kay Sailor, hindi siya nito mapapatawad kaya naman heto at kahit inis na inis na siya sa babae, hinahayaan lamang niya ito na bumuntot sa kanila. Isang araw napansin ni Ace na tila tulala lamang si Sailor, tila may malalim itong iniisip dahil ni hindi nito napansin na dumaan siya sa harapan nito. Maya-maya'y ikinagulat niya ang pagpatak ng luha nito. Hindi siya nakatiis kaya naman nilapitan niya ito at tinanong, agad nitong pihahid ang luha at ngumiti ngunit hindi katulad dati na halos lumabas na ang mga ipin nitong hiwa-hiwalay. Halata rin ang kalungkutan sa mata nito. "W-Wala Ace, may naalala lang ako." walang kabuhay-buhay na sagot nito tsaka dinampot ang diary nito, sabay talikod sa kanya at naglakad patungo sa loob ng mansyon. Nasundan nalang niya ito ng tingin tsaka napailing. Matapos iyon, ilang araw din itong tila balisa at animo palaging may malalim na iniisip, ilang araw na rin itong hindi bumubuntot sa kanya. Naninibago siya ngunit ikinasiya naman niya iyon. Katatapos lamang ng huli nilang klase ng tumawag ang mayordomang si Aling Salud, at halos ikagimbal niya ang sinabi nito. Isinugod daw ang kanilang Lola sa ospital kaya naman agad silang nagtungo sa ospital na sinabi ng matanda sa kanila. Iyak ng iyak si Sailor habang nasa biyahe sila. Siya naman ay sobra ang pag-aalala sa kaniyang lola. Nang makarating sila sa ospital, hindi nila inaasahan ang kanilang naabutan doon. Nasa isang hospital room ang kanilang lola at may mga tubong nakakabit dito. Halos hindi niya ito makilala at hindi rin siya makapaniwalang ganon kabilis na sandali, heto at nakaratay na ang kanilang lola sa hospital bed. Kinausap sila ng doctor kasama ang mayordomang si Aling Salud, dahil hindi lamang ito basta mayordoma para sa kanilang Lola. Ito ay itinuturing ng myembro ng kanilang pamilya. Matapos silang kausapin ng Doctor halos hindi siya makapaniwala sa isiniwalat nito sa kanila. Nasa last stage na daw ang kanilang Lola, matagal na pala itong may sakit na brain tumor at itinago lamang sa kanila at kailangan daw nilang tatagan ang kanilang loob at tanggapin kung ano ang magaganap. Halos isang linggo din namalagi ang kanilang Lola sa ospital, at laking pasasalamat nila ng tila naging maayos ang kalagayan ng kanilang Lola. Wala na rin ang mga tubong nakasuporta dito kaya akala nila ay tuloy-tuloy na ang pagbuti ng kalagayan nito lalo pa at nagpauwi na ito sa mansyon. Isang araw ipinatawag silang dalawa ni Sailor ng kaniyang Lola. "Mga apo ko," nakangiting wika nito ng bumungad sila sa pintuan ng silid nito. Nakangiti ito ngunit halatang may iniinda itong sakit. "Lola." panabay nilang bigkas sabay lapit dito, nakabuka ang bisig nito na tila nais nitong yakapin sila. Una siya nitong niyakap ng mahigpit, halata ang pag-iyak nito dahil bahagyang umaalog ang balikat nito ngunit pilit nito iyong itinatago. Sumunod nitong niyakap ay si Sailor ng matapos hinawakan nito ang kamay nilang dalawa ni Sailor. "Mga apo, alam ninyo naman kung gaano ko kayo k-kamahal diba? Gusto kong mapabuti kayo hanggang sa pagtanda ninyo. N-Naisin ko man na makasama pa kayo ng matagal ngunit b-batid kong nalalapit na ang oras ko. Kaya sana sa pasya kong ito wag sumama ang loob ninyo, mahal na mahal ko kayo mga apo ko kaya naisip ko ang bagay na ito," paputol-putol na wika nito, halatang nahihirapan ito sa pagsasalita ngunit pinipilit lamang nito. Hindi niya napigilan ang sariling luha, tumingala pa siya para pigilan iyon ngunit tumulo pa rin iyon. Hindi siya sanay na makitang ganyan ang kaniyang lola. "Lola, wag na po ayong m-magsalita pa. Mas lalo lang po kayong mahihirapan niyan," umiiyak na wika ni Sailor. "Oo nga naman po Lola, magpahinga nalang po kayo, dito lang po kami ni Sailor sa tabi mo," wika naman niya. "Hindi mga apo ko, a-ayos lang ako. M-makinig kayo sakin ha, sana pagbigyan ninyo ang huli kong kahilingan sa inyo, lagi nyong tatandaan na ginawa ko ito para sa ikabubuti ninyong dalawa," muling wika ng kaniyang lola. "Ano po ba iyon Lola? Gagawin po namin ang lahat para maging happy ka lang, handa ko pong tuparin kahit anong kahilingan mo," patuloy na tumutulo ang luhang wika niya. Totoo ang lahat ng sinabi niya, kung maaari nga lamang na siya nalang ang nasa kalagayan nito para hindi niya nakikita ito na nahihirapan. Ngumiti ang kaniyang lola habang mahigpit na hawak ang kamay nila ni Sailor, pagkuway pinaglapat nito ang kanilang kamay ni Sailor at sinabing... "Nais kong pakasalan mo si Sailor Apo, nais kung hanggang sa p-pagtanda ninyo ay magkasama pa rin kayo sa bahay na ito," wika nito na tila bombang sumabog sa kaniyang tenga. "Ano po?!" gulat na bulalas niya, si Sailor naman ay napamulagat at hindi nakapagsalita. ITUTULOY A/N, Matagal pa po ang update nito mga lalabs, pasensya na po.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD