Now playing: Little Braver by New Empire
Cara
"Hey, don't forget, huh?" Muling paalala sa akin ni Audrey habang binabaybay namin ang daan papunta sa lugar kung saan kami magkikita ni Sabrina.
"Oo na po. Behave lang ako." Parang bata na napapa nguso na sabi ko naman habang napapatingin sa labas ng bintana.
Si Audrey na ang mismo ang nagkusang ihatid ako dahil hindi ako pweding gumamit ng sasakyan at mag drive. Napaka higpit naman kasi ng parents ko. Haaay.
Kanina pa rin ako kinakabahan. Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ang excitement na nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Ito kasi ang kauna-unahang mag out of town ako kasama si Sabrina. At ang unang beses na makikita at makikila ko ang kaibigan niya.
"Just be yourself. Ano ka ba, sa dami ng babaeng nahuhumaling sa'yo, ngayon ka pa ba kakabahan? Of course, magugustuhan ka rin ng kaibigan niya kagaya ng iba. Tulad ni Ms. Lopez" Patuloy na pag papagaan ni Audrey sa loob ko.
Napatawa naman ako ng may pagkaalanganin.
"Masyado mo naman akong pinupuri." Wika ko. "Baka mamaya niyan madisappoint sa akin ang tao kapag nalaman niyang---what the hell?!" Bigla kasi nitong inihinto ang sasakyan. Mabuti nalang at mayroon akong seat belt, paano kung wala? Edi nabasag at subsob ang itsura ko?
"S-Sorry. Eh kasi naman, ang nega mong tao. Pwede bang mag relax ka dyan." Muling saway nito sa akin.
Napapikit ako ng mariin. "Gusto mo bang basagin ang pagmumukha ko?" Singhal ko parin ngunit pinagtawanan lamang ako nito.
"Relax, ma'am." Pang aasar pa niya bago muling inihinto ang sasakyan dahil nasa tapat na kami ng restaurant, kung saan naghihintay si Sabrina. "Nandito na po tayo." Dagdag pa niya.
Hindi ko mapigilan ang mapahinga ng malalim upang muling kalmahin ang sarili.
"Can you give me a hug? Please?" Biglang paglambing ko sa kanya.
Tinignan lang naman ako nito nang may pagtataka sa aking mukha.
"Please?" Muling paki usap ko pa. "Am so nervous, Audrey." Awtimatiko naman na napatirik ito ng kanyang mga mata ngunit ginawa parin ang hirit ko.
"Argh! In love kana nga." Maarteng saad nito. "And stop being so clingy, Cara. Baka makalimutan kong kaibigan kita." Napatawa naman ako ng malutong bago tuluyang bumaba ng sasakyan. Hindi kasi ito sanay na ganoon ako. Madalas kasi eh masungit ako o kung hindi naman ay seryoso.
"Love you!" Nakangiting sabi ko sa kanya bago nag flying kiss pa atsaka isinara na ang puntuan.
Hindi ko mapigilan ang mapa iling noong makita ko itong muling napatirik ng kanyang mga mata. Bumusina muna ito bago pinasibad na ang sasakyan papalayo. Noon naman ako pumihit paharap sa restaurant kung saan alam kong kanina pa naghihintay ang girlfriend ko.
I couldn't help the wide smile draw on my lips as I walked into the restaurant. I also hold the bouquet I bought for Sabrina, gusto ko lamang itong mapangiti kahit papaano. I hope she likes it.
Agad na iginala ko ang aking paningin sa buong paligid para hanapin siya.
Hindi na ako nag abala pang itext siya o ipaalam na nandito na ako upang ma surpresa siya.
Mas lalong naging malawak ang matamis na ngiti sa aking labi noong makita ko ang pamilyar na pigura ng isang babae, limang lamesa ang layo mula sa akin.
Agad na inihakbang ko ang aking mga paa palapit dito. Napansin ko na mayroon siyang kausap mula sa kayang cellphone and they seemed so happy with what they were talking about.
Na sa tingin ko eh kausap nito ang kanyang kaibigan na aming pupuntahan.
Hindi nito napansin na nasa kanyang likuran na ako, kaya naman, mabilis na hinalikan ko ito sa kanyang pisngi dahilan upang magpakawala ito ng isnag himpit na tila.
Hindi ko mapigilan ang mapatawa dahil sa naging reaksyon niya.
"Oh, she's here! I'll see you later." Paalam nito sa kanyang kausap.
Marahan na inilapag nito ang kanyang cellphone sa ibabaw ng lamesa bago ako tinignan ng masama, ngunit makikita rin naman ang sumisipil na ngiti sa gilid ng kanyang labi.
"Para sa akin ba yan?" Tukoy nito sa hawak ko.
Napatango ako habang parang tangang naka ngiti na tinitignan ang napaka ganda niyang mukha.
"Fo you, baby." Sabay abot ko nito sa kanya na agad naman niyang tinanggap at inamoy ang bulaklak na nandito. Naupo ako sa kanyang tabi habang hindi parin nabubura ang matamis na ngiti sa aking labi.
Shit! Kinikilig ba ako? Tanong ko sa aking sarili.
Noon naman muling nagsalubong ang aming mga mata and she mouthed 'Thank you' as she gave me smile so sweetly.
Damn! Sobrang priceless ng ganoong mga tingin at ngiti. Kung pwede lang, makita ko palagi ang ganoong mga ngiti sa kanyang mga labi, iyong mga kinang sa mga mata niyang nakaka silaw. Haaay. I would do everything just for her. Swear!
"I love you." Mahina ngunit sapat lamang upang marinig nito ang sinabi ko.
Awtomatiko naman na namula ang buong itsura nito bago napakagat sa kanyang labi, sabay napa iwas ng tingin.
Hindi ko naman mapigilan ang mapatawa ng mahina at lalong pag masdan siya.
Ghad! She is so beautiful inside and out. Hindi ko magawang alisin kahit na segundo lamang ang aking mga mata sa kanyang napaka gandang mukha. Especially ngayon na sobrang nakaka in love lalo ang mga ngiti niya.
She is so perfect when she smiles. Damn.
---
Hindi naman na kami nagtagal pa sa restaurant, pagkatapos naming kumain ng agahan ay agad na bumiyahe na kami upang makaabot sa pananghalian kasama ang kanyang kaibigan.
Buong biyahe ay magkahawak kamay lamang kami ni Sabrina. Siya na rin ang nagmaneho at ang kotse nito ang aming ginamit.
Ewan ko ba. Basta ang tanging alam ko lang kilig na kilig ako. At hindi ko maimagine kung anong itsura ang meron ako kapag kinikilig ako. Pakiramdaman ko eh daig ko pa ang kamatis sa kulay ng itsura ko.
Pagkatapos ng dalawang oras at kalahati ay nakarating na rin kami sa aming destinasyon. Agad na inihinto nito ang sasakyan sa tapat ng isang kulay puting gate na gawa sa kahoy.
Bumusina si Sabrina kaya naman hindi nagtagal ay agad na bumukas ang gate at doon lumabas ang isang may katangkaran na lalaki na sa tingin ko ay hindi nagkakalayo ang edad nila ni Sabrina.
Malawak ang ngiti na bumaba si Sabrina ng sasakyan kaya agad na sumunod na rin ako.
Lumapit siya sa lalaki at binigyan ito ng isang mahigpit na yakap, habang iyong lalaki naman ay hinalikan siya sa kanyang piste. Mukha silang close na close na talaga at mapagkakamalan mong magkapatid.
Biglang napalingon sa gawi ko ang lalaki atsaka ako binigyan ng malawak at welcoming smile.
"Wow! Just wow!" Komento nito habang napapailing na tinitignan ako sa aking buong mukha. Hindi naman napigilan ni Sabrina mapatawa ng mahina.
"And you are, Cara. Am I right?" Tanong nito sa akin habang naglalakad papalapit sa aking kinatatayuan.
Mabilis na ginawaran ko ito ng ngiti pabalik bago sinalubong habang ini-extend ang aking kanang kamay upang makipag kamay sa kanya.
"Hi. I'm Cara. Nice to meet you..." Noon ko lang naalala na hindi ko pa nga pala alam ang pangalan nito kaya mabilis na napasulyap ako kay Sabrina.
"Rooney. I'm Lenny's husband. Nice to meet you, Cara." Pagpapakilala nito sa akin bago tuluyang tinanggap ang aking kamay.
"Right, Rooney. Nice to finally meet you." Masiglang saad ko at muling napatingin sa may gate kung saan naman mayroong lumabas na isang batang lalaki, na sa tingin ko ay nasa dalawa hanggang tatlong taong gulang. Mabilis na nagpakarga ito kay Sabrina.
"Awww. How are you my baby boy?" Malambing na tanong ni Sabrina dito atsaka niya binigyan ng maraming halik sa buong mukha at leeg.
I couldn't help but smile widely. I can see her future as a mom. Alam kong magiging isang magaling at perfect na ina siya balang araw.
Kasunod nito ang isang babae na medyo may katangkaran din. Sa tingin ko eh mas matangkad siya ng konti kay Sabrina, which is nasa same height lamang kami. Maganda rin naman ito at masasabi kong sexy rin. Sa mukha, kilos at pananamit nito, alam kong siya na ang kaibigan na tinutukoy ni Sabrina, si Lenny.
"Well, well, well..." Lumapit ito kay Sabrina atsaka niya ito hinalikan ng halik sa pisngi. "I miss you so much." Sabay yakap nito sa girlfriend ko.
Noon naman ito napatingin sa gawi ko. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagsinghap at pamimilog ng kanyang mga mata.
"Hey, hon. This is Cara, Sabrina's girlfriend." Pagpapakilala ni Rooney sa akin sa kanyang asawa.
Malawak ang mga ngiti at mabilis na lumapit sa akin si Lenny bago ako niyakap atsaka hinalikan sa aking magkabilaang pisngi. Hindi ko mapigilan ang mag blush sa harap niya dahil sa ginawa niya.
Ganito ba talaga sila kung bumati sa kanilang mga bisita? Ang hilig manghalik eh.
"God! You are so pretty!" Titig na titig sa akin na komento nito. Pagkatapos ay muli akong niyakap kaya naman hindi na napigilan pa ni Sabrina ang mapatikhim at sawayin siya.
"Lenny, stop that." Saway ng girlfriend ko sa kanya. "Masyado ka ng OA." Dagdag pa nito.
Napatawa ng mahina si Rooney bago kinuha ang kanyang anak mula kay Sabrina. "Mabuti pa at pumasok na tayo sa loob." Pag aya ni Rooney kaya naman napatango kaming tatlo.
"Right!" Aniya ni Lenny. Bago ako hinila sa aking braso at iginaya na papasok ng gate. "Hihiramin ko na muna itong girlfriend mo." Sabi niya kay Sabrina.
"Whatever." Irap naman na saad ng isa habang sumusunod sa amin. Napalingon ako kay Sabrina with worried expression. Ngunit napatawa lamang ito bago ako kinindatan.
Pagdating namin sa loob ng bahay, hindi ko mapigilan ang ma amazed. Napaka linis at sobrang comfy ang loob ng bahay nito kahit na may kaliitan lamang at panay light materials lamang ang gamit. Karamihan din ay gawa sa kahoy kaya ang presko tignan. Hindi na rin nila kakailanganin pa ng aircon dahil sa preskong hangin na pumapasok sa loob.
What a lovely house! Napaka perfect katulad ng kanilang pamilya.
Iniwan ako sandali ni Lenny sa sala dahil may kailangan lamang daw siyang tapusin na niluluto. Habang si Sabrina naman ay sumunod dito para tumulong sa kanyang kaibigan.
Si Rooney naman ay nakikipaghabulan sa kanyang anak at pagkatapos niyang mahuli ay inihahagis niya ito sa ere at sasaluhin din naman.
"Who are you?" Biglang mayroong sumulpot na isang batang babae sa aking tabi. Sa tingin ko ay nasa limang taon na ito or anim. Mayroon siyang hawak na manika.
She's so cute and pretty. Lalo na dahil mas bumagay sa kanya ang buhok nitong parang pancit canton na pinagbuhol-buhol.
"You're so cute! What's your name?" Hindi ko mapigilan ang manggigil, kaya sa halip na kurutin ito sa pisngi ay mas pinili ko nalang ang mapakagat sa aking labi.
Hindi na muna ito sumagot. Sandaling inilapag muna nito ang kanyang hawak na manika sa lamesa bago mataray na nameywang sa aking harapan.
"I asked you first. I said, who are you? Why are you with my mama Sabrina?" Diretsahan na tanong nito sa akin dahilan upang manlaki ang aking mga mata at mapatawa na rin dahil sa pagka amazed sa kanya.
"Hey, kiddo. Be good to our guest." Saway sa kanya ng kanyang ama habang naglalakad palapit sa amin.
"It's okay daddy. Am just asking her." And then she frowned.
"Pasensya kana sa kanya ha. Ganyan talaga yan si Izzy, masyadong matanong. Pero mabait naman yan." Pabulong na sabi sa akin ni Rooney. Natawa na lamang akong muli.
"It's alright. She's so cute Rooney." Nangingiti na wika ko naman rito.
"Okay, just call me if you need anything, Cara." Sabi nito. Napatango lamang ako bago muling binigyan siya ng ngiti.
Muling ibinalik ko ang aking mga mata kay Izzy. Hmmm. Cutie ng name.
Nakabusangot parin ito at nananatiling magkasalubong ang mga kilay.
"You should smile more baby, it looks good on you." Sabi ko bago siya binigyan ng aking pinaka sweet at friendly na smile.
Napanguso naman ito bago naupo sa aking tabi.
"And you are so gorgeous!" Komento nito. "Can you be my ate?" Dagdag na tanong pa niya.
Ghad! Parang gusto ko siyang ibulsa at iuwi na sa amin. Sobrang nakakagigil. Hindi ako mahilig masyado sa mga mata, pero this little girl, sobrang nakakatuwa kahit may pagka maldita. Hehe.
"Of course. I can be your ate." Sabay kurot ko ng slight lang naman sa kanyang pisngi.
Dahil sa sinabi ko ay awtomatikong gumuhit ang matamis na ngiti sa kanyang labi. Noon ko lamang napansin na mayroon siyang dimple sa magkabilaan nitong pisngi.
Gosh! Sigurado ako na madaming magkakadarapa sa kanya at mapapaiyak ito paglaki.
Niyakap niya ako bago tumakbo na kung nasaan ang kanyang ama at kapatid.
Habang ako naman ay tumayo na rin mula sa aking pagkakaupo. Pupuntahan ko na lamang siguro sina Sabrina at Lenny. Kahit na wala akong alam sa gawaing kusina, tutulong na lamang din siguro ako.
"What the hell?! Are you out of your mind, Sab?!" Papalapit pa lamang ako sa kitchen nang marinig ko ang disappointed at halatang naiinis na boses ni Lenny.
Awtomatiko na natigilan ako sa aking paghakbang bago napalunok.
"You are in love and in a relationship with your student. Do you know what it is you are getting into?!" Rinig kong dagdag pa nito.
"Kung umpisa pa lamang alam ko nang estudyante mo siya, hindi ko na sana pinayagan! Hindi ka nag iingat, alam mong pwede mo itong ikapahamak! You are so careless, Sabrina. I love you and I want you to be happy, but this? I'm sorry but I will not tolerate this. And this conversation ends here!"
Noon naman narinig ko ang maraming hakbang patungo sa aking pinaroroonan. Gusto ko pa sana ang magtago ngunit huli na nang gulat na makita ako ni Lenny.
Mabilis na nagkasalubong ang aming mga mata. Ngunit mabilis din na napailing ito habang disappointed na tinignan ako sa aking buong mukha, atsaka tuluyang nag walk-out bago ako nilampasan.
"Lenny, I want you to understand---Cara." Hindi ko alam na agad na sinundan din pala siya ni Sabrina.
Gulat ang mukha at tila ba nabuhusan ng malamig na tubig ang naging itsura nito nang makita akong nakatayo sa kanyang harapan.
I swallowed hard as I looked her straight into her eyes, I forced myself to give her my sweetest smile so she wouldn't worry.
"Hey, baby. Is everything okay?" Tanong ko na halos mapiyok pa sa dulo.
Naluluha ang mga mata at mabilis ang mga hakbang na lumapit ito sa akin bago ako mahigpit na niyakap. Iyong mahigpit na mahigpit. Kaya naman, agad na niyakap ko rin ito pabalik.
I knew this was the beginning of our battle against everything. Ngunit isa lang ang nasisiguro ko, hinding-hindi ko siya hahayaan na lumaban mag-isa. At mas lalong, hindi ko hahayaan na mapahamak si Sabrina.