Now playing: Malay mo tayo by TJ Monterde
Sabrina
Kanina pa ako nandito sa loob ng sasakyan, malapit ng mag simula ang ceremony, pero nandito parin ako hanggang ngayon. Kinakabahan at hindi maintindihan ang tunay na nararamdaman.
Today is the Graduation ceremony of the Senior High. And I expected Cara to take the lead, especially at so many Awards. Dahil alam kong deserve niya ang lahat ng iyon. Tunay na isa siyang matalino, mabuti, at responsableng estudyante. Kaya nararapat lamang na mahakot nito ang awards.
Hindi dahil mahal ko siya, kung hindi dahil nakikita ko, namin, ng lahat na naging teacher niya na siya ang nangunguna sa lahat ng klase.
Muli akong nagpakawala ng isang malalim na paghinga bago tuluyang lumabas na ng aking sasakyan.
Finally!
Dumiretso ako sa kaliwang bahagi ng venue kung saan gaganapin ang graduation ceremony at naupo sa bakanteng bleachers kasama ang maraming teachers na nagmula sa iba't ibang department.
Halos lahat ay nandito na at limang minuto na lamang ang hinihintay bago tuluyang mag simula ang ceremony.
Agad na ikinalat ko ang aking mga mata sa buong paligid. Alam kong nandito na ang lahat ng mga magtatapos na estudyante, ganoon din ang kani-kanilang mga magulang.
Hanggang sa magtama ang aking mga mata sa mukha ng babae na kanina pa hinahanap ng mga mata ko.
Awtomatiko na naging mabagal ang buong paligid noong muling masilayan ko ang kanyang magandang mukha. At kusa na lamang ding gumuhit ang matamis na ngiti sa aking labi ngunit mabilis ko itong itinago, lalo at alam kong anumang oras ay pwede akong mahuli na nakatingin kay Cara.
Habang lihim na pinagmamasdan ito mula rito sa kinauupuan ko, habang masaya itong nakikipag kwentuhan at nakikipag tawanan sa kanyang mga kaibigan.
Ang saya-saya nilang tignan at makikita sa kanilang mga mata ang excitement para sa araw na ito. And I'm really happy for them, especially for Cara. Para sa panibagong achivement na meron siya.
Bagay na bagay sa kanya ang suot nitong toga. It really suits her beauty and character.
Hindi man niya ako nakikita ngayon na tinitignan siya. Hindi man niya nakikita na siya ang pinakamaganda sa mga mata ko, sobrang proud ako para kay Cara.
Hindi ko man naibigay ang bagay na gustong-gusto nito. Winakasan ko man ang aming kwento, ang aming nasimulan, ay masaya parin ako para sa kanya. Masaya akong nakikita na nagagawa na niyang tumawa at ngumiti ngayon, kahit na hindi hindi na ako ang dahilan ng mga iyon. Kahit na wala na ako sa dahilan ng mga iyon.
Masaya akong unti-unti na siyang nagiging maayos sa kabila ng pagkawasak ng kanyang puso.
Masaya at punong-puno ng kagalakan ang aking puso habang pinapanood si Cara na umaakyat sa stage para kunin ang kanyang diploma. Hindi matutumbasan ng ano mang kayaman ng kanyang pamilya ang makikitang ngiti sa kanyang mga labi.
I am so proud of her.
Lalo na sa bawat award na natatanggap nito na halos kulang nalang eh, mapunta sa kanya ang lahat ng award sa bawat klase.
Iyon nga lang, it's sad because I can't be proud of her in front of so many people. I couldn't hug her or even greet her every time she came down the stage to congratulate her. Tamang palakpak na lamang ako at tatayo kapag kinakailangan sa tuwing naghihiyawan ang mga tao para sa kanyang achivements.
But deep inside, God knows how really am proud of her.
And God knows how much I want her to stay in my life. But I can't. I just can't. Bagay rin na alam kong hindi ko na pwedeng bawiin pa. At hinding-hindi ko na pwedeng balikan pa.
And if there's still a chance waiting for Cara and me when the day comes, I'll make sure I grab that chance. But for now, I know it's very impossible for it to happen again.
Something I have already accepted. Na siya at ako, ay hinding-hindi na mangyayari pang muli. At kahit ipilit pa namin pareho pagdating ng araw, alam kong mauuwi parin kami sa hiwalayan.
Ganon talaga siguro, na kahit gaano ninyo kamahal ang isa't isa. Kung ayaw ng mundo, hahadlangan at hahalangan kayo nito na para bang wala kayong karapatang sumaya.
Pagkatapos ng ceremony ay nakaw tingin na muli kong nilingon si Cara bago tuluyang sumama sa aking co-teachers para sa hapunan.
I guess, hanggang dito nalang talaga ang lahat ng tungkol sa amin. Kasabay ng kanyang pagtatapos sa Senior High, ay tuluyan naring magsasara at magtatapos ang aming kwento.
Hindi nga talaga lahat ng taong mamahalin natin ay makakasama natin hanggang sa wakas.
Minsan o madalas, bahagi lamang tayo ng kaninang kabanata. At magpapatuloy ang kanilang kwento, para sa bagong yugto, nang hindi na tayo ang makakasama pa nito. At ang masaklap pa roon, magtatapos ang kanilang kwento, kasama ang tunay na taong inilaan talaga para kanila ng mundo.
Agad na gumuhit ang pamilyar na kirot sa aking dibdib nang maisip na para talaga sa iba nakalaan si Cara at hindi sa akin.
Kaya tanggapin natin, minsan, nagiging parte lamang tayo ng kanilang mga buhay upang matuto.
That there are things that the world wants to make us realize so we become extra in their lives.
Marahil ganoon ako sa buhay ni Cara, iyong akala ko isa akong bida na kasama niya, pero hindi pala. Dahil isa lamang akong dakilang extra na marahil, naging ambiyososa.
---
Cara
"I am so excited for you, Cara. I hope I can be with you. Pero hindi ko rin naman kasi pwedeng pabayaan nalang at iwanan si Kenneth. Isa pa, nangako kami sa isa't isa na magtatapos kami ng magkasama. I'm sorry." Paghingi ni Audrey ng tawad mula sa kabilang linya.
Napatawa na lamang ako dahil sa sinabi nito.
"Idiot. Of course, it's fine. Hindi mo naman ako jowa at mas lalo na hindi naman ako ang makakasama mo for life, ano? Kahit na magkakaiba tayo ng university na papasukan, at magkakaibang bansa, we are still friends." Pampalubag loob na tugon ko naman bago tuluyang lumabas ng aking sasakyan.
"Promise? Solid tayo?" Nahihimigan ko ang pag haba ng nguso nito.
"Promise." Sabi ko. "Cross my heart." Dagdag ko pa.
"Mamatay man si Ms. Lopez?" Sabay tawa nito ng malutong sa kabilang linya. Isang malutong na pag mura naman ang agad na ibinigay ko sa kanya pagkatapos.
"Oh siya, mag-iingat ka para sa flight mo tomorrow. Okay? Wag mo kaming kakalimutan." Paalala nitong muli sa akin.
Napatango ako kahit na hindi naman niya nakikita.
"Thank you. Ikaw rin at si Kenneth, mag-ingat kayo sa flight niyo tomorrow." Paalam ko sa kanya.
"We will." Pagkatapos noon ay tuluyan ng pinatay nito ang tawag.
Habang ako naman ay muling ibinalik ang cellphone sa likod na bulsa ng aking pants. Habang ninanamnam ang sariwang hangin na tumatama sa aking mukha.
Mamimiss ko ang lugar na ito. Ang lugar na naging sanctuary ko. Lugar na takbuhan ko sa tuwing nalulugmok ako at kailangan ko ng peace of mind. Ang lugar kung saan ko unang natagpuan at nakilala ang aking great love. Si Sabrina.
And there she is. Sitting on the seashore looking so beautiful as ever.
Agad na lumapit ako sa kanya. Hindi nito kaagad napansin ang paglapit ko mula sa kanyang likuran, siguro dahil na rin sa ingay ng alon at lakas ng hangin na bumabalot sa buong paligid.
"Sabi ko na nga ba at dito lang kita matatagpuan." Panimula ko.
Hindi nakaligtas sa aking paningin ang paninigas ng kanyang katawan. Tanda na nabigla ito noong marinig ang boses ko.
"This is the only place na alam kong pwede mong puntahan palagi." Dagdag ko pa bago naupo sa kanyang tabi. Ngunit nananatili ang halos isang dipa na distansya sa aming dalawa.
Hindi ito kumibo sa halip ay tinignan lamang ako sa aking mukha. Agad na sinalubong ko ang mga mata nito, pero mabilis siyang napayuko at ibinalik ang kanyang mga mata sa hampas ng kalmadong mga alon.
Halatang naghihintay lamang sa sasabihin ko. Napalunok ako ng mariin bago nagsimulang magsalita muli.
"I came here to say good bye, Ms. Lopez." Parang may kung anong bagay pa ang bumara sa lalamunan ko dahilan upang mapiyok ako sa dulo. "Alam ko, hindi ko na kailangan pang sabihin ito o maging ang magpaalam pa sa'yo, but for me, you deserve to know. We deserve to say good bye to each other."
Awtomatikong tumulo ang butil na luha sa aking pisngi. Pero mabilis ko itong pinunasan at pinilit na huwag nang maluha pa.
"So the news is true, that you are studying abroad?"
I nodded.
"And I'm leaving for good." Wika ko bago tinignan ang magiging reaksyon ng kanyang itsura.
Napakagat ito sa kanyang labi bago napatango ng maraming beses.
"Hmmm. T-That's good to hear then." Nanginginig ang boses na sabi nito bago napatawa ng may pagkaalanganin. "Congratulations, Cara." Sabay harap nitong muli sa akin at tinignan ako ng diretso sa aking mga mata.
"I am so proud of you. And I'm so happy with your achievements. I--I'm happy that you're leaving the country for good so you can get out of your comfort zone." Habang sinasabi niya iyon ay nakatitig lamang ako sa kanyang mga mata.
At ang tanging nakikita ko lamang sa mga iyon ay kasinungalingan.
She wouldn't let me leave. That deep inside she's bleeding because I'm leaving this country. And there is a possibility that we will never meet again.
But she didn't want to say that. She didn't want me to hear those words.
I just want her to stop me. But from what I see now, we really have no hope of getting back together, even if I graduate.
Napatango akong muli bago ito binigyan ng isang pekeng ngiti.
"T-Thank you." Wala na akong ibang masabi pa kung hindi iyon na lamang. "I-I guess, this is really the good bye we both need." Dagdag ko pa.
Kapwa kami natahimik sandali bago ako nagpasyang tumayo para umalis. Hindi na rin ako nito tinignan pang muli. Kaya pagkatapos kong ipagpag ang kumapit na buhangin sa aking pantalon ay nagsimula na ako sa pag hakbang palayo sa kanya.
Ngunit nakakailang hakbang pa lamang ako nang tawagin nitong muli ang pangalan ko.
"Uh, Cara." Napahinto ako sandali ngunit hindi na nag-abala pang humarap sa kanya. Naghintay ako ng ilang segundo sa susunod na sasabihin niya.
"C-Can I hug you? Please?" Basag ang boses na pakiusap nito.
Noong marinig ko iyon ay saka pa ako tuluyang muling umikot paharap sa kanya.
Muli ay isang mabagal na ngiti ang ibinigay ko sa kanya, atsaka dahan-dahan na ini-extend ang aking dalawang kamay para siya ay yakapin. Agad naman na lumapit ito sa akin bago ako niyakap ng mahigpit na mahigpit. Iyong tipo na para bang ayaw na niya akong bitiwan pa.
Naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa balikat ko, kasabay noon ang pag singhot nito. Kumalas ito mula sa pagyakap sa akin pagkatapos, ngunit nananatili paring magkadikit ang aming mga katawan.
Marahan na hinawakan ako nito sa aking pisngi habang lumuluha at mayroong lungkot sa kanyang mga mata. Habang ako naman ay hindi ko narin napigilan pa ang mapaluha kagaya niya.
Napapikit ako dahil sa init ng palad nitong nakalapat sa aking pisngi.
"M-Mag-iingat ka palagi ha? Aalagaan mo ang sarili mo." Sabi nito.
Napatango ako bago napalunok ng mariin.
"Make yourself proud, Cara. Aabangan ko ang paglipad mo. Ang mga susunod pang achievements mo." Dagdag nito.
Lakas loob na muling inilayo ko ang aming katawan sa isa't isa. Atsaka ito binigyan ng assurance smile. "Don't worry Ms. Lopez. I will be fine. And that's a promise."
Ginulo ko ang buhok nito bago siya mataman na tinignan sa kanyang mukha. Tinititigan ko siya ngayon na para bang kinakabisado ko ang bawat anggulo ng kanyang itsura.
Ang mukha ng babae na alam kong habambuhay ng tatatak sa puso at isipan ko. Mukha ng isang Sabrina, na mamahalin ko at patuloy kong mamahalin sa paraang alam ko.
"For the last time, hayaan mo sana akong sabihin ko sa'yo ito." Naluluha na wika ko habang tinitignan siya sa kanyang mga mata.
"I love you so much, Sabrina Dayn Lopez." Napiyok pa ako sa huling salita na binitiwan ko.
"Cara, I---"
"Stop. Don't say it. You don't have to." Mabilis na putol ko sa kanya. "Goodbye, Ms. Lopez."
Muli ay binigyan ko ito ng isang matamis na ngiti, ngunit iyon na din yata ang pinakamasakit na ngiting ibinigay ko sa kanya, dahil alam ko sa sarili kong ito na ang huli.
Pagkatapos noon ay tuluyan na akong tumalikod at hindi na ito muling nilingon pa. Habang patuloy na umaagos ang aking mga luha. Dahil oras na lingunin ko pa ito, baka magbago pa ang isipan ko. Baka makalimutan kong wala na nga palang pag-asa pa.
Bagay na alam kong hindi na dapat pa at hindi na pwede pang mangyari sa aming dalawa.
Dahil si Sabrina at ako, ay isa lamang halimbawa ng mga taong ipinagtagpo, ngunit hindi itinadhana.