Ang lahat ng mga tao sa loob ng gym ay nakatingin sa gitna habang nag-aabang kung ano ang mangyayari.
Mayroon pang mga grupo ng estudyante na nag-uusap at nagbibigay ng opinyon ukol sa kalalabasan ng mga mangyayari mayamaya.
"Ano kaya ang mangyayari?" Bulong ng isang estudyante na may salamin. Tila isang mag-aaral na may tungkulin sa paaralan nila. Meron siyang dalang camera. Ang camerang hawak nito ay may naukutit na panasonic slr camera. G series, ang lente nito ay nadudugtungan upang mas maging maganda ang bawat kuha ba gagawin nito. Gawa sa tunay na balat ng buwaya ang hawakan nito. Ang camera niya ay matuturing na high end sa panahon iyon.
Si Marco ang opisyal na editor ng babasahin ng paaralan nila. Ang pangangatawan niya ay medyo matipuno, kayumanggi ang kanyang balat at nakasuot siya ng salamin sa mata. Kaya nawawala ang aura nang pagiging matipuno niya.
Ang katabi naman niya sa kanyang kanan ay ang kanyang assistant na si Julia. Isang nerdy na babae, may salamin at naka piggy tail ang tali ng kanyang buhok. Hindi kantakaran lalo kapag katabi na siya ng ibang babae na kaedaran nya. Medyo maputi ang kanyang kulay dahil sa malapit sa dagat ang tirahan ng kanyang pamilya. Lagi siyang may dalang shoulder bag na lalagyan ng camera.
Ang dalawang tauhan na ito ay magkakaroon ng malaking ugnayan sa ating bida sa mga susunod na pagkakataon.
------
Bumalik na muna tayo sa nagyayari sa gitna ng gym.
Mas maingay na ngayon ang lugar dahil sa damu ng mga estudyanteng nag-uusap at nagbibigay ng kuro-kuro, mga sariling opinyon na hindi nila masabi noong simula. May ilan naman na nagbibigay ng suporta sa grupo ni Cardo at may mangilan ilang din naman nagbigay ng suporta kay Joem ngunit bakas sa kanilang mga mukha ang awa sa kung anong mangyayari sa kanya.