Eunice pov...
Successful ang naging fashion show namin sa New York, and right now ay na sa philippine airport na kami, I did not call my driver kasi mag t-taxi kami ngayon. Gusto pa kasing kumain nina Isaac at Isaiah ng jollibee grabi nagka jetlagged kaming dalawa ni Ellaine, pero itong dalawang anak namin ay parang wala lang at talagang gusto pang kumain.
We love and treasured our son's kaya kami nag pursige at hindi sumusuko ni Ellaine sa buhay. She's a single mother, at alam kong ganon din ang kahahantungan ko.
Pero ganon pa man masaya naman ako kahit si Isaac lang ang meron ako. Dahil alam ko na kahit kailan hindi ako mamahalin ng ama niyang si Luther.
"Hoy! Eunice, kanina pa naka nganga iyang si Isaac oh. Baka mangawit na iyan kahihintay kung kailan lalanding ang burger sa bibig niya."Wika ni Ellaine habang nagpipigil ng tawa niya. Ng tingnan ko naman si Isaac ay napa kamot na lang ako sa aking ulo at ibinaba ang burger na hawak ko.
"Gaga ka talaga Ellaine! Sorry Isaac, ito na yung burger mo kain kana okay? para maka uwi na tayo pagkatapos mong kumain. "Mabuti nalang at kaagad din namang tumango at ngumiti itong si Isaac kaya para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan ko.
Luther pov
Masaya akong nakangiti habang pinagmamasdan ko si Monica, habang mahimbing na natutulog sa kama ko. Last week pa siyang dumating galing New Jersey, at ako kaagad ang una niyang pinuntahan dahil wala raw siyang pakialam kahit may asawa at anak na ako.
Basta ang mahalaga raw ay mahal niya ako. Kaya siya bumalik ng pilipinas. At willing siyang maging Ina ni Isaac.
"Thanks Monica, for coming back."Hinalikan ko siya sa pisngi pababa sa kanyang mga labi hanggang sa kanyang leeg kahit na siya ay tulog.
Kahit kailan man hindi ako magsasawang gawin ito sa kanya hanggang sa dumilat at tumugon na siya sa mga halik ko. Sabay himas at hawak niya rin ng magkabilang pisngi ko. And then she started to kiss all over my body and then we made love. "Um...It's my pleasure to come back to you Luther."
Pagkababa namin ng sasakyan ay kaagad na hinawakan ni Isaac ang damit ko gusto niya kasing sabay naming puntahan si Luther para daw matuwa ang daddy niya kapag nakita nitong nakabalik na kami galing New York. "Faster Mommy, I want to see daddy!''Tumatalon-talon pang sabi ng anak ko. Ngunit mali pala na nagmadali kaming puntahan ang ama niya.
"D-daddy!"Parang kaming na statwa ni Isaac ng makita namin si Luther na may katabing ibang babae sa kama namin. And the worst part, ay talagang nakahubad pa silang dalawa nang babae sa harapan namin ngayon. At iyong puso ko ay para bang sasabog na dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Pero pinilit ko parin na pakalmahin ang sarili ko at magpakatatag para sa anak namin.
"Pasok ka muna sa kwarto mo okay? me and your dad needs to talk."
"Okay po Mommy."Nakayuko na sabi naman ni Isaac . Alam kong nasaktan siya dahil nakakaintindi na si Isaac sa mga nangyayari sa paligid niya dahil matalino ang anak ko.
Kaagad na tumayo ng kama si Luther at ang babaeng kasama naman nito ay tinatakpan ang sarili gamit ang kumot namin ni Luther. "WTF! Isaac... Let me explain!" Akmang hahabulin pa niya ang anak namin ngunit humarang na ako sa harap ni Luther.
"Ito ba ang gusto mong mangyari Luther? ang ipakita sa'min ng anak mo. Itong kawalang-hiyaan na ginagawa mo ngayon? kung sa part ko okay lang sana eh! pero sa part ni Isaac. Hindi iyon okay kasi t-tatak iyon sa isipan niya hanggang sa lumaki siya. Hindi ka ba nag-iisip?''
''Don't question me Eunice! dahil hindi ko rin naman ginustong makita ako ni Isaac na katabi si Monica, sa kama na nakahubo't hubad. Pero ito ang tatandaan mo. Si Monica lang ang babaeng mahal ko! Ikaw lang naman itong umepal sa relasyon namin eh. Kasi nilandi mo ako nong gabing may nangyari sa'tin. At alam kong sinadya mo 'iyo. Dahil kilala na pinakamayaman sa Santa Ignacio ang pamilya namin.''
"Kahit kailan man hindi ko sinadya o' plinano na landiin ka Luther. Tandaan mo yan! at wala rin akong hinahangad sa kayamanan ng mga Villareal. Dahil kaya kung itaguyod ang sarili ko at alagaan mag isa si Isaac ng hindi kinakailangan ang tulong ng pamilya niyo!"Puntong bigkas ko kay Luther. Pinagsisihan kong nakilala ko siya. Pero hindi ko pinagsisihan na nabuo namin si Isaac noong gabing iyon. Hindi ko nga alam kung bakit pag gising ko ay katabi ko na siya. ''
"Stop denying it! dahil kilala kona iyang karakas mong babae ka!"Turo ni Luther sa'kin. Pero wala na akong balak na palakihin pa ang away namin. Kaya binaliwala ko na lang ang sinabi niya at sinabing aalis na ako.
"Aalis na ako. Pero sana naman ay iwasan nyo ng makita kayo ulit ni Isaac sa ganoong sitwasyon. Have a nice day Monica."Tumalikod na ako at pasimpling hinawi ko ng aking mga kamay ang luha sa mga mata ko.
Nilapitan ko si Monica at hinawakan ang magkabilang palad nito para humingi ng paumanhin sa nangyari kanina. "I'm sorry about what happened."
Monica smiled and hugged me "It's okay Luther. Mabuti na rin at nakita niya tayo sa ganong sitwasyo. Para hindi na natin kailangan pa na itago itong relasyon natin sa kanya." Monica is right. it's better this way.
Mahina kong pinihit ang pintoan ng kwarto ni Isaac 6:30 am na kasi at hindi pa rin siya bumaba sa kitchen at nang makapasok na ako sa loob ng kwarto niya'y nakita ko siyang nakatanaw lang labas ng bintana. At ng lumingon siya sa akin ay nakita ko ang mga namuong luha sa mga mata nito "Isaac, hali kana baka malate kana sa school mo."
"M-mommy..."Kaagad ko itong nilapitan at ginawaran ng mahigpit na yakap. Alam kong hindi lang ako ang nasasaktan kundi pati rin si Isaac."
"Hey, are you crying?"Nakaluhod kong tanong sa anak ko. Habang nagpipigil na wag ipakita sa kanya na umiiyak din ako. Dahil ayaw kong isipin niyang mahina ako.
"I'm not crying mommy, naawa lang po ako sa inyo. I hate dad! for doing this to us."Para akong sinaksak ng anim na beses sa narinig ko kay Isaac dahil sa edad niyang anim na taon ay ang matured na niyang magsalita.
Marahan kong inangat ang mukha ni Isaac dahil nakayuko kasi siya saka malungkot na tinitingnan ko ito sa mga mata."Hey, don't hate your dad. He loves us. Kung may mali mang nagawa ang daddy Luther mo. Please wag kang mag tanim ng galit sa kanya okay? because whatever happens he's still your dad. Naiintindihan mo si mommy diba? kaya sige smile na ikaw."
"Okay po mommy, labas na po tayo. I love you po."Isang mahigpit na yakap galing kay Isaac ang natanggap ko kasabay din no'n ang paghalik niya sa noo ko.
Pagkababa namin ni Isaac ay namin na masayang nag-uusap si Monica at asawa kong si Luther sa may kitchen at ng akmang susubuan na sana si Monica si Luther ay bigla niyang binaba ang kubyertos na isusubo sana niya sa asawa ko. Ng makita niya kami ni Isaac. s**t! naiinis ako kasi nakita na naman ng anak ko ang ginagawa nila. Nakiusap nanga ako kagabi sa kanila pero hindi pa rin nila ito sinunod.
"E-eunice..." Utal na sabi ni Luther, saka tumingin at lumapit sa anak ko. Yayakapin niya sana si Isaac ngunit tinulak siya nito.
"Sinabi ko naman kasi sa inyong iwasan niyong makita kayo ni Isaac ng ganon. Pero ginawa niyo pa rin."Mahinahon na wika ko. Habang nakatingin kay Monica na todo hawak sa mga braso ng asawa ko. Nabigla naman ako ng alisin ni Luther, ang kamay ni Monica na nakapulupot sa braso nya. At naglakad siya patungo sa akin.
Nagpupumiglas naman ako ng mahigpit na hawakan ni Luther, ang magkabilang balikat ko at pwersahang itunulak ako palapit sa pader. Napadaing naman ako dahil sa sakit ng tumama ang likod ko sa pader"Anong sabi mo? pinapalabas mo bang kasalanan ko kung bakit nakita ako ni Isaac, habang sinusubuan ako ni Monica ganun ba?"
"Hindi ko naman sinabi na kasalanan mo. Pinapaalalahan lang kita para sa susunod hindi na ito mauulit pa. Kaya sige na bitawan muna ako dahil nasasaktan na ako at baka makita ka pa ni Isaac, sa ginagawa mong ito sa akin."Pagmamakaawa ko. Ngunit huli na dahil nakita na kami ni Isaac.
"D-daddy! You're hurting my mommy! You've let her go!"Tumatakbong sigaw ni Isaac habang mahinang pinagsusuntok nito si Luther.''
Kaagad naman akong binitawan ni Luther. Habang si Isaac, naman ay mahigpit ang pagkakayakap sa akin. At pagkatapos ay inalalayan niya ako papunta sa may sala. Tinawagan din ako ni Ellaine at pinapapunta sa coffee Shop na palagi naming pinupuntahan.