Episode 4

1365 Words
NAG-TEXT ang kaibigan ni Sarah na si Gretchen. Itinanong niya kung maayos ang kanyang ina. Ayon sa kaibigan ay ayos naman na daw. Nakahinga siya ng maluwag sa sinabi nito. Maaga siyang nagising dahil kailangang lutuan ang mahal na hari. Hindi maiwasan ni Sarah ang magngitngit sa galit sa kanyang amo na ubod ng sungit. Guwapo naman sana kaso ay napakasama naman ng ugali. Grabe mang-api sa katulad kong mahirap. Palibhasa mayaman kaya hindi nito alam na nakasasakit na siya ng damdamin ng iba sa tuwing sinasabihan niya siya nang hindi maganda. “Did you make a cup of coffee?” Napatingin siya sa bagong dating. Ang taong kinaiinisan niya. Isang pekeng ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. “Opo, Sir, ito na po. Mainit-init pa po ‘yan,” Ang sarap ibuhos sa kanya ang mainit na kape upang matauhan na siya sa kasamaan ng ugali niya. Napasulyap siya sa akin. Hinigop niya ang tasa ng kape na tinimpla niya. “Are you just gazing at me as I drink my coffee?” sabi nito sa salitang ingles. Hindi niya rin naman maiintidihan ang lahat ng sinabi niya. Ang naintindihan niya lang ay cup, drink saka coffee. “Hindi naman po, Sir.” Ipinagpatuloy na lang niya ang paglilinis sa counter top ng lababo. Pagkatapos niyang punasan ang counter top ay hinarap naman niya ang mga plato na pupunasan at ilalagay sa cabinet. “Good morning, hon!” bahagyang napalingon si Sarah sa bagong dating. Bigla ay kinabahan siya dahil siya iyong babaeng nadulas at umaway sa kanya. Ang aga naman yata nitong pumunta dito? “Sarah, make her a coffee,” utos ni Sir Javier sa akin. “Siya po?” turo niya sa babae. “At sino pa nga ba sa akala mo? Alangan naman ako ang titimplahan mo ng kape, may kape na ako.” Inis na wika ng amo niyang masungit. Gusto sana niyang mapanguso ngunit hindi niya magawa. “Bakit nandito ang babaeng iyan? Hindi ba inalis mo na siya sa trabaho?” narinig niyang tanong ng kaibigan ni Sir Javier habang nagtitimpla siya ng kape. Ano naman pakialam niya kung dito niya ako pinagtrabaho. Hindi naman siya ang amo ko. “Dito ko na siya pinagtrabaho dahil naisip kong kailangan ng may tao dito sa bahay at may naglilinis. She’s efficient to her job kaya hindi ko inalis sa trabaho.” Sagot ni Sir Javier sa tanong ng babae. Gustong magbunyi ni Sarah dahil ipinagtanggol siya ng kanyang amo. Nang natapos niyang magtimpla ng kape ay agad niyang ibinigay sa babaeng binuhusan ng foundation dahil sa kapal ng makeup nito. “Ito na po, Ma'am, ang kape ninyo," inilapag niya ang kape sa harapan nito. Isang irap ang natanggap niya sa kanya at hindi thank you. Gusto niyang sampalin ng basahan na hawak ang babae. Pinipigilan niya lang ang sarili. Ang sarap ibuhos ang mainit na kape sa kanya dahil sa sama ng ugali niya. “May ipag-uutos pa po kayo, Sir Javier?” “Yes, I have. Get out!” masungit na utos niya. Umalis na lang siya at nagpasyang pumunta sa garden. Maglilinis na lang siya doon at magdidilig ng halaman kaysa manood sa kanila. Sarap paliguan ng holy water ang dalawang ‘yun. Ang sama ng mga ugali! Habang nagdidilig ng halaman ay tumunog ang cell phone niya na nasa bulsa ng pantalon. Tumatawag si Kevin. Napangiti siya. “Hello.” “Kumusta ka naman diyan?” tanong niya sa akin. Humaba ang nguso ko. “Hay, naku ,umagang-umaga ang sungit ng amo ko. Parang ipinaglihi yata sa sama ng loob. Hindi man lang dumapo sa kanya ang ngiti o hindi niya alam ang salitang masaya. Ganoon ang masasabi ko sa amo ko,” hinaing ko kay Kevin. Natawa siya. “Naku mukhang pareho pala tayo ng ugali ng amo. Eh, ‘yung amo ko rin napakasungit at saka allergic yata sa mga katulad nating mahihirap. ’Buti nga wala siya ngayon baka nasa opisina niya.” Sabi niya. “Talaga? Parang kambal yata ang ang amo natin. Allergic rin ‘yun sa mahihirap at saka nuknukan ng arte. Mas maarte pa sa akin,” nagkatawanan sila ni Kevin. “O, siya sige tawag ka na lang ulit. Magsisimula na ako sa trabaho ko dito.” “Okay, magsisimula na rin akong magtrabaho. Bye!” paalam nito. Pinindot ko ang end call button. Pagkaharap niya ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig at gustong magpalamon sa lupa. Nasa harapan lang naman niya si Mr. Javier Hermano. Madilim ang mukha habang nakatingin sa akin. “So ganoon pala ako? Puwes! Ipapakita ko na mas higit pa ako roon! Linisin mo ang buong kabahayan within 2 hours. Kapag hindi mo nalinis ang lahat ng ‘yan I will fire you!” galit na sabi nito. Nanlumo si Sarah sa utos ng kanyang amo. Paano niya lilinisin ang buong mansion sa dalawang oras lang? Kahapon nga buong maghapon hindi pa niya natapos as dalawang oras pa kaya? Magrereklamo pa sana ako nang tumalikod na ito. Gustong mapaiyak ni Sarah dahil sa mga utos nitong hindi makatao. ‘Kaya ko ito! Laban lang!’ Pagpapalakas niya ng loob sa sarili. Kahit ang hirap ng ipinagagawa nito sa kanya ay nagawa naman niya. Within two hours nalinis niya ang buong mansyon. Takot ba naman akong masisante. Napakasakit ng buong katawan niya dahil sa matinding pagod sa paglilinis. Pakiramdam niya ang edad niya ay nasa 60 years old. Eh, 20 years old palang naman siya. Pinuntahan ko na ang boss kong demonyo na nagkatawang tao. Bilin niya na puntahan ko siya oras na natapos ko ang trabaho. Kinatok niya ang pinto sa library nito. Tatlong katok. Ibig sabihin niyon. I hate you. “Come in.” ginaya niya ang sinabi nito na walang boses. Inayos na muna niya ang sarili bago pumasok. Mukha na kasi siyang haggard sa hitsura niya. Ikaw ba namang paglinisin ng buong mansyon sinong hindi maha-haggard ang hitsura. Idagdag pa ang ugali nitong maikli ang pasensya. “I saw you. Ganyan ka ba talaga? Hindi propesyonal. Well, you are not anyway," Napakuyom ang kamao niya. Anong ibig niyang sabihin? Na wala akong breeding? Ngali-ngali niyang undayan ng suntok at sipa at saka ko ihuhulog sa bangin ang amo niya. Halos patayin na niya sa isipan. Hindi na lamang siya kumibo at nanatiling tikom ang bibig kahit gusto na niyang sagutin. Para ano pa? Wala rin naman mababago sa iniisip niya sa kanya. “Good. You clean the whole mansion within two hours. I'll give you one day off. Go!” aniya na ikinalaki ng mga mata niya. Talaga? Hindi siya makapaniwala. May naitatago rin pala itong kabutihan sa kanyang puso. Dadalawin niya ang kanyang Nanay sa ospital. Excited na siyang makita ang kanyang ina. “Thank you, Sir!” akmang lalapitan niya ito nang pigilan siya gamit ang palad nito. Parang diring-diri ito sa kanya. “Just stay right there! Go! Bago pa magbago ang isip ko.” bago magbago nga ang isip nito ay dali-dali na siyang lumabas ng library. Wala nang inaksayang sandali pumunta siya sa silid at kinuha ang pitaka at saka nagsuot ng rubber shoes. Kaagad siyang umalis. Bago pa siya makalabas ng mansyon ay may nakasalubong siyang matandang lalaki. Parang may kamukha ito. Napatingin sa kanya ang lalaki at nginitian siya. Yumuko ako. “Good morning, Sir. Nasa library po si Sir Javier.” sabi niya. “Who are you?” tanong nito sa kanya. “Ako po si Sarah Galvez. Ako po ang bagong katulong ni Sir Javier.” Tumango ang lalaki. ”Hindi na masama,” napakunot noo siya sa sinabi ng matanda na hindi na masama. Hala, manyak yata itong matanda bakit parang may ibig sabihin ang sinabi niya? “Po?” “Nothing, hija, salamat. Pupuntahan ko na ang anak ko.” Aniya at saka tumalikod. Nasundan na lang niya ng tingin ang matanda. Anak niya si Sir Javier? Aba ang layo ng ugali nila. Mukha naman mabait ang Tatay niya samantalang ang anak parang isinumpa yatang hindi mapangiti. Pogi sana siya. Kung noon ay crush ko si sir Javier ngayon ay hindi na. Ipinilig niya ang ulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD