JAVIER MAGKASABAY kaming napalayo sa isa’t isa. Para bang mali kaming ginawa. Tumikhim ako upang mawala ang kaba sa dibdib ko. “I want to get rest. Sabi ng doktor kailangan ko ng pahinga at hindi dapat nagpapagod,” sabi ni Sarah habang hindi makatingin ng maayos sa akin. Well, tama nga naman siya. As much as I want to be with her at this hour I won’t take the risk of my babies health and also Sarah’s health. “Yeah, you’re right you need rest for our babies. But before you sleep ahm.. kumain ka na ba? Masama rin ang nalilipasan ng gutom ang buntis,” sabi ko. I reached into my pocket. My hands are shaking. I'm nervous, and I'm not sure why I feel this way whenever I'm in front of Sarah. I was never like this before. “Busog na ako. Pinakain ako sa bahay ng kaibigan ko sa may riles. Na-mis

