I woke up lively dahil it's a special day for all lovers like me, as a hopeless romantic person Valentines day is a big deal a day full of romans and love, also first time kong mag celebrate nito na may boyfriend na kaya excited talaga ako. Nag ring ang cellphone ko at alam na kung sino ang tumatawag,
" Hello Babe... good morning "
" Good morning too Babe, happy Valentine's Day! I love you... remind kita sa date natin mamaya " naka ngisi at kinikilig ako sa bati nya.
" Happy Valentine's babe and I love you too...hindi ko kakalimotan yung lakad natin mamaya "
mabilis lang kami nag batian dahil maghahanda na ako pa punta sa school.
Wala kaming class today pero kaylangan namin pumasok dahil may activity na gagawin, sakto naman wash day kaya hindi kami magsusuot ng uniform ngayon. Pag pasok ko palang sa gate ay napansin ko na ang mga suot ng karamihan ay pulang damit, hindi talaga halatang Valentine's day pulang pula ang paligid at may mga nakasabit pa na mga heart shapes sa mga puno talagang nag effort sila para sa araw na ito. Nang makarating na ako sa classroom namin nagulat ako dahil may bouquet ng bulalak nakapatong sa upoan ko. Tinanong ko muna sa nasa katabing upoan ko kung kanino ito, baka kasi may ibang mayari at ipinatong lang sa desk ko, sinabi naman nya na para daw ito sa akin may nag deliver daw kanina, nagpasalamat ako sa kanya at kinuha ang bulaklak inamoy ko ito at tinignan kung kanino galing, may card kaya tinignan binasa ko ang nakasulat.
' Happy Valentine's my love, I love you so much see you later '
from: Jasper
Kinikilig ako sa pa flower nya kaya nag text ako agad sa kanya para magpasalamat sa effort nya nag reply din sya agad at nag bilin na sa bahay nya nalang ako susundoin mamaya.
Naka upo kami ngayon sa bench ni April kasama ang iba pa naming ka klase nag ku-kwentohan at nagtatawanan habang nakatambay nag hihintay ng oras ng uwian tapos na kasi ang activity kaya chill na ang lahat. Kinalibit ako ng isa kung kaklase at may nginuso ito sa aking likod, napalingon naman ako sa aking likuran at nakita ko may lalaking nakatayo at nakangiti itong sa akin, nginitian ko naman ito pabalik kahit hindi ko sya kilala.
" Hi Brianne Happy Valentine's Day! " at inabot sa akin ang hawak na bulaklak at teddy bear, gulat man ay tinanggap ko parin ito sabay nagpasalamat sa kanya. May sasabihin pa sana ako pero bigla nalang itong nagpaalam at umalis nalang bigla.
" Ang taray ni ate, may boyfriend na nga may mga admirers parin, i-sumbong ko kaya sila kay Jasper at nang puntahan nya isa-isa ang mga bahay nila "
sabi ni April na may halong pangaasar, hinampas ko ng mahina ang balikat nya at nagtawanan naman ang iba nandoon.
Pag uwi sa bahay nadatnan ko si papa sa may sala na nunuod ng tv, lumapit ako sa kanya at nag mano nasa kabilang upoan naman si kuya at binati ko din sya, nakita nya ang mga bulalak na hawak ko kaya inaasar na naman ako si papa naman ay hindi na nakisali at natatawa lang sa pangaasar sa akin ni kuya, umalis na ako sa sala at pumasok na sa kwarto para magbihis dadating ni Jasper maya maya lang kaya dapat ay ready na. Nag paalam na ako kay papa na aalis kami kasama ang kaibigan ko at doon na kami kakain sa labas at pumayag naman sya, hinihintay ko nalang ang pagdating ni Jasper ngayon. Tinawag ako ni ate Lorna mula sa kwarto dahil may maghahanap daw sa akin, pagbaba ko nagulat ako dahil ang pinsan ni Jasper ang nandoon.
" Bri, pinapasundo ka ni Jasper hindi sya maka alis kaya inutosan nya akong sundoin ka nalang. " hindi ko alam pero medyo may kaba akong naramdaman, agad naman akong sumama nagulat pa ako dahil sa hospital kami tumigil. Magtatanong pa sana ako nang sabihin nyang kanina pa tanghali sinugod sa hospital si Japser dahil sa taas ng lagnat, dinala nya ako sa kwarto ni Jasper at nakita ko nasaloob ang mommy at daddy nito. Pumasok na kami sa kwarto nginitian agad ako ng mommy nya at binati ko naman silang dalawang magasawa.
" Iha maiwan ka muna namin dito, u-uwi lang kami saglit para kumoha ng ibang gamit " sabi ng mommy nya ngumiti ako at nagpaalam sa kanila.
Nilapitan ko naman agad si Jasper may swero na nakakabit sa kanya at mukhang kakagising lang nya. Hinawakan ko ang ulo nya para tignan kung mainit pa ito, kinuha nya naman ang aking kamay at dinala sa mga labi nya tumingin muna sya sa akin bago magsalita.
" Babe, sorry kung dito tayo sa hospital mag de-date, akala ko kasi simpleng lagnat lang kaya di ko na pinaalam pa sayo. Promise babawi ako pagkalabas ko dito "
kinurot ko sya ng medyo madiin dahil pinag alala nya ako at sa hindi nya pagsasabi agad sa akin na maysakit pala sya. Umasa pa ako na magiging romantic at special ang araw na ito yun pala ang ending sa hospital ang venue namin.
Napadaing sya saglit dahil sa kurot ko pero tumawa lang din agad, umirap nalang ako sa kanya.
May pinakuha sya sa akin na malaking paper bag sa may sofa, ito daw ang regalo nya sa akin. Binuksan ko sa harapan nya at nakita ko isang cross stitch ang ganda nito may mga bulaklak at may batang lalaki at babae may nakalagay pa na pangalan naming dalawa sa ibaba at naka frame ito.
" Ang ganda...nagustohan ko salamat Jasper "
" Pinagawa ko sa isa kong pinsan mabuti at nagustohan mo babe, makabawi man lang sa na udlot nating date " nginitian ko sya at nagpasalamat ulit nag kwentohan lang kami, nag tataka pa ako kung paano nya nalaman na may mga lalaking nag bigay sa akin kanina ng mga bulaklak. Nakasimangot ito at gustong ipatapon ang kanilang mga binigay hindi na ako nakipag talo sa kanya at hinayaan nalang sa gusto nya. Biglang bumokas ang pinto at ang mga kaibigan namin ang dumating kasama ang pinsan nyang si Win. Nalaman nila na nasa hospital ito kaya dumalaw sila, sakto naman may dalang pagkain ang isang pinsan nya kaya nagkaiban kami sa loob ng private room.
Kinabukasan nag pasama ako kay Win para dalawin ulit si Japser sa hospital, hindi nya alam na pupunta ako ngayon ng maaga balak ko sana syang sorpresahin at ibigay ang regalo ko sa kanya nakalimotan kong dalhin dahil sa pagmamadali kaya ngayon ko nalang ito bibigay. Nang malapit na kami sa room nakita namin andoon sa labas ang kanyang mga ka klase naka tambay, nang makita nila ako ang iba ay medyo nagulat at ang iba naman ay nakangiti sa akin. Nginitian ko lang din sila, binuksan ko ang pinto at nagulat ako sa nakita ko.
Naka upo si Jasper at may isang babae na nakaupo sa tabi nya sweet itong nakahawak sa kabilang braso nito andoon din ang best friend nyang si Max sabay pa silang tatlo napalingon sa amin. Na bigla naman si Jasper at biglang tinulak ang babae, nagtaka naman ako sa inakto nya at nag tanong kung anong meron, kahit na may hint na ako sa mga nangyayari.
" Ba-babe, napaaga ang punta mo " n u-utal pa syang magsalita.
" Oo inagahan namin ng punta ni Win para i-surprise ka at ibigay sana itong egalo ko sayo, pero ako pala ang ma su-surprise. Hindi sya nag react nang dumating ako so kilala nya kung sino ako, sige lang tuloy nyo lang yan. "
hindi sila naka imik na tatlo, saktong may trash can sa may gilid at tinapon ko doon ang regalo sabay alis ko doon. Narinig ko pa ang pag tawag sa akin ni Jasper pero hindi na ako lumingon pa, nag lakad lang ako ng parang walang nangyari at dinaanan ang kanyang mga kaklase sa labas. Nakasunod lang saakin si Win at inaalalayan ako, doon kami dumiretso sa bahayl nila Pamela umiiyak lang ako sa kanya at sinabi ang nakita ko nasaktan talaga ako at hindi ko maisip na magagawa nya yun sa akin.Pinatay ko muna ang cellphone dahil kanina pa tumatawag si Jasper, walang kwenta yung tumatawag kaya wala ding kwenta kung kakausapin ko ito.
Lumipas ang ilang araw at panay parin ang pagtawag sa akin ni Jasper nag pu-punta din sya sa bahay pero hindi ko ito hinaharap, kahit sa school sumasabay ako sa kuya ko sa pag uwi para hindi sya makalapit sa akin.
" Friend ayaw mo ba ng closure? harapin mo na sya para matapos na ang lahat at kung ayaw mo na talaga sa kanya ay sabihin mo na at nang hindi na yan parang aso habol ng habol sayo, kawawa naman oh pogi pa naman yung aso na yan " inirapan ko nalang si April dahil sa mga sinabi nya, may point naman sya, napag isip-isip ko din na dapat maayos dapat kami mag break, kaya napag desisyonan kong makipag usap na sa kanya this time. Mabuti nalang at kotse ang dala nya kaya napilit kong isama si April at andito na nga kami sa may park ngayon medyo malayo kaming dalawa para makapag usapn ng maayos. Nag umpisa na syang mag explain at inamin na nya na may something sila doon sa babaeng nakita ko sa hospital, alam naman daw ng babae na may girlfriend sya pero pumayag ito na makipag relasyon parin sa kanya. Gusto nyang ayosin ang relasyon namin pero hindi na ako pumayag tuloyan na akong nakipag hiwalay sa kanya. Masyado syang possessive sa akin pero sya pala itong may ibang hinaharot.