STATUS: IN A RELATIONSHIP WITH RIVAL SCHOOL'S MR. POPULAR //GOALS #28// HINDI matigil sa kakakagat sa labi si Zoe habang inaalala ang mga kalokohan niya kay Jet kaninang umaga. Nakakahiya! Ano bang iniisip niya? Bakit niya ginawa iyon? Ano na lang gagawin niya kung sakaling kumagat si Jet sa panghaharot niya dito kanina? OMG! My precious V-Card, like no! Naramdaman naman niya ang paghatak sa kaniya ni Jet palabas ng Japanese restaurant na kinainan nila. Syempre, dahil nasa mall sila kailangan effort sila sa pagpapakita na sila. May ilan na ngang nagpa-picture sa kanila kanina. Mas lalo kay Jet nang pumunta sa sports center dahil gusto nitong bumili ng bagong sapatos. Pati lalaki nagpa-picture sa kaniya. Hindi niya alam na ganoon pala ito kasikat na basketball player. Ts. "Jet, you're

