STATUS: IN A RELATIONSHIP WITH RIVAL SCHOOL'S MR. POPULAR //GOALS #48// NAKAHIGA lamang si Zoe sa kama niya alas-dos ng madaling araw, nag-iisip. Nakapatong ang mga daliri sa ibabaw ng tiyan niya. Hinihintay niya si Jet na dumating. She knows that idiot will come for her one way or the other. Pina-text niya na ito kay Tristan na siguraduhing makakarating dahil gusto ni Zoe siya mismo ang magsasabi ng mga resulta niya. Madami din kasi siyang gustong itanong kay Jet. Hindi nagtagal, nakarinig na siya ng kung anong pumipitik sa bintana niya. Napairap si Zoe na tumayo mula sa pagkakahiga. Ano, Rapunzel lang ang peg? "Princess, let down your hair. I'm going to climb up?" Napairap siyang muli bago binuksan ang bintana. Kitang-kita sa dilim ang mapuputing ipin ni Jet. Nakangisi na naman kasi

