STATUS: IN A RELATIONSHIP WITH RIVAL SCHOOL'S MR. POPULAR //EPILOGUE// BAGO pa man magising si Jet ay magaan na ang pakiramdam niya. Kaya naman pagdilat niya ng mga mata niya ay nakangiti na agad siya, inaasahan na makita ang mala-anghel na mukha ni Zoe na lumalabas lamang tuwing natutulog ito. Pero wala. Wala si Zoe sa tabi niya. Agad siyang napabalikwas at hinatak ang kumot dahil baka natabunan lamang ito. Pero wala talaga eh. Kumalma lamang ang puso niya nang may marinig siyang ingay mula sa baba. Siguro nagluluto iyon ng breakfast. Napahiga siyang muli, iniisip kung makakatulog pa ba siya at kung hihintayin na lang niyang umakyat si Zoe dala-dala ang pagkain. Lumipas ang ilang minuto at naramdaman na niya ang gutom. Kaunti lang naman kasi ang nakain niya kagabi dahil biglang nag

