STATUS: IN A RELATIONSHIP WITH RIVAL SCHOOL'S MR. POPULAR //GOALS #21// Matapos ang tanungan nila kagabi, wala nang nagsalita sa kanilang dalawa. Ni walang kumilos hanggang sa makatulog si Zoe. But when she woke up, she still found herself enveloped in Jet's arms. Hindi na nga niya inintindi kung paano siya nakarating sa posisyon na iyon. Tutal, siya naman ang naunang magising sa kanilang dalawa. Parang ngayon lang siya ulit nakakita ng araw. Nakababa lang ang bintana ng kotse ni Jet at hinahayaan niyang painitin ng sinag ng araw ang balat niya. The sun is still here, paalala niya sa sarili niya. You're still alive. Everything's going to be okay. Isang oras pa ang byahe nilang dalawa. Tahimik lang sa kotse dahil sa hangin at bilis ng pagpapatakbo ni Jet dito. Sinadiya naman niya talag

