STATUS: IN A RELATIONSHIP WITH RIVAL SCHOOL'S MR. POPULAR //GOALS #24// "WHY, don't you look amazing?" pagngiti kay Zoe ni Owy habang naghihintay ito na maisara niya ang gate ng bahay nila. "Thanks," pagharap niya dito at diniretso niya ang suot-suot niyang puting bestida. "You don't look bad yourself," pagkomento niya sa suot nitong suit na sigurado siyang bukod tanging kay Owy lang sasakto at magkakasiya. Umalis na ito sa pagkakasandal sa silver nitong kotse at pinagbuksan siya ng pinto. "I'll take that as a compliment, Zoe," paglawak pa ng ngiti nito sa kaniya at lumabas na ang dimple nito. Kamuntikan na niya itong sundutin ng hintuturo niya. Mabuti na nga lang at hindi dahil nakakahiya. "Sorry, compliments don't come easy," pag-inform niya dito at sumakay na sa kotse. Kinindatan

