STATUS: IN A RELATIONSHIP WITH RIVAL SCHOOL'S MR. POPULAR //GOALS #26// "THIS is your idea of a date?" panimula ng insulto ni Zoe kay Jet. "No wonder you don't have any girlfriends." Napangisi si Jet. "Baka nakakalimutan mong girlfriend kita." "Psh," sagot ni Zoe sa kaniya at sumubo ng isang pirasong popcorn sa bibig nito. Nakita ni Jet na nagulat ito sa lasa at sumubo pa ng isa. "Sarap 'no?" pang-aasar niya dito. Pear flavored kasi ang popcorn na binili niya kaya naman nakakapanibago talaga sa panglasa. "Namiss ko na 'yung flavor na ganito," murmur lang ni Zoe. Napailing lang si Jet. Nandito sila ngayon sa condo niya. Paano ba naman, bumugso ang napalakas na ulan na hindi na kinaya ng wiper ang patuloy-tuloy na pagpatak ng ulan. Tila binubuhusan ng balde-baldeng tubig and windshie

