Everest POV.
NASA KUSINA AKO habang kumakain ng almusal ko ng biglang nakatangkap ako ng text mula kay Felix.
"Ang aga namang naging ng lalaking ito."-ani ko sasarili ko
Ibinaba ko ang tasa ng kape ko sa lamesa at agad kong binasa ang message ni pagong saakin.
From Felix "pagong":
Good morning witch 😘.
Nailing nalang ako ng makita ako emoji na sinend nito sakin.
To Felix "pagong":
Morning too. Anong meron at ang aga mo yatang nagising ngayon.
Reply ko sakanya saka pinagpatuloy ko ang pagtapos ng almusal ko.
From Felix "pagong":
I just want to great you a good morning. Anyway here's my kisses? 😊
Anong pinagsasabi ng lalaking toh. Kisses daw? Ano siya sinuswerte.
To Felix "pagong":
Anong kisses ang pinagsasabi mo? Lol. Ano ka sinuswerte 🤨.
I just chuckled. Ng matapos na akong kumain ay nangligpit naako para pumasok nasa trabaho ko.
Isa akong flight attendant sa isang sikat na International airline dito sa pilipinas. Fresh graduate palang ako pero hindi naging mahirap para saakin na makahanap ng pagtra-trabahoan kong airline.
Nang mapadaan ako sa salas nakita kong naka-on pala ng T.V
"Iniwan na naman ulit ni kuya ang T.V na naka-on."-ani ko sasarili ko
Napabuntong hininga nalang ng kunaho ko ang remote sa sofa para i-off ang t.v ng biglang nahagip ng mata ko ang isang balita na biglang nagpadurong ng puso ko.
“Breaking News. Spotted kagabi ang kilalang famous International idol nasi Felix Jaun Sysco na may kayakap na babae sa labas mismo ng kanilang agency building. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Kaibigan ba niya ang babaeng kayakap?Paano na si Everest na pinakilalang girlfriend ng International Idol.”
Taking a deep breath. Pinakalma ko ang sarili ko dahil anong mag-oras sasabong na ang puso dahil sa iba't-ibang emosyon na naglalaro nito.
I don't know what I want to feel right now. Masasaktan ba ako o magagalit.
Kung magagalit man ako kanino kay Felix but why? He doesn't do anything to me.
Pero kong masasaktan man ako hindi yun dapat. Hindi pweding masaktan ako dahil alam ko naman ang totoo na walang relasyon kaming dalawa ni Felix.
Binaling ko ulit ang mga mata ko sa screen ng t.v halos pigain ang puso ng makita ko ang isang picture na nagflash doon.
It was the photo of Felix na may kayakap na babae, kahit pa siguro sabihin ng media na magkaibigan lang si Felix at ang babaeng kayakap niya –pero sa mga mata ko hindi ganon ang yakap ng isang kaibigan.
Hindi dapat ako makaramdam ng ganito. Hindi dapat ako magseselos dahil kahit kailan hindi naging kami ni Felix –mula umpisa palang walang Felix at Everest, isang malaking kasinungalingan lang ang lahat.
Pero bakit ako nasasaktan ng ganito?
"Anong nagyari? Umiiyak kaba Everest?"
Napaitlag ako ng marinig ko ang boses ni Kuya Dave sa likodan ko. Agad kong tinuyo ang mga luha sa pisngi saka nakangiti akong lumingon sakanya.
"Akala ko umalis kana, Kuya."-pilit na ngiti ko
Kunot-noo naman itong tumingin saakin at sinuri nito ang mukha ko pero umiwas ako ng tingin sakanya.
"Hindi mo sinasagot ang tanong ko. Umiiyak kaba Everest?"-seryosong boses nito
Umiling ako "Ano ka ba Kuya, hindi ako umiiyak."-sagot ko, akmang papatayin ko na sana ang T.V ng biglang inagaw nito ng hawak kong remote kaya nagtataka akong lumingon
"Kilala kita Everest, kapatid mo ako kaya wag kang magsinungaling saakin."-sabi niya at ang mga mata nito ay nakatoon sa screen ng T.V kung saan nakaflash parin ang litrato nina Felix at ang babaeng yakap niya
Napayuko nalang ako "I'm sorry kuya."-mahinang bulong
"Umiiyak ka naman dahil isang lalaki ulit."-malumanay na boses nito
"Hanggang kailan mo kakayaning yung sakit na nararamdaman ng puso mo Clare. Hanggang kailan kaiiyak."-may halong lungkot sa sa boses nito
Hindi ko namalayang nag-umpisa na palang tumulo ang mga luha ko sa mga mata ko.
"Hindi ko alam kuya, kasi hindi ko rin alam kung anong rason kung bakit ako nasasaktan ng ganito ngayon."-humikbing sabi ko
"Bakit ganito yung nararamdaman ko? Bakit ako nasasaktan? Alam ko naman kuya –alam ko naman na wala akong karapatan na maramdaman ang ganitong emosyon, wala akong karapatang magselos pero bakit ako nasasaktan? Lintek na pusong toh." -duro ko sa puso
Napahagulgul ako ng iyak habang sinusuntok ang puso dahil sa nararamdaman ko na hindi dapat maramdaman ko ngayon.
"Tama na yan'g ginagawa mo Clare. Nasasaktan kana nga, sinasaktan mo pa lalo yang sarili mo."-lintaya ng kapatid saka niyakap ako nito at pilit na pinapatigil ang kamay ko sa pagsusuntok sa sarili ko
Humihikbi akong yumakap sa nakakatandang kapatid ko habang hindi parin tumigil ang pag-agos ng mga luha ko sa pisngi ko.
"Bakit kailan ko pang masaktan dahil lang na may ibang babaeng siyang kayakap?"-tanong ko sasarili ko
Malalim naman itong bumuntong hininga saka hinaplos nito ang likod ko at mahigpit nito akong niyakap.
"Noong una kitang nakita na umiiyak gaya ng ngayon noong nalaman mo na niloloko ka ng ex-boyfriend mo. I saw how you cry out loud, I saw the pain and hurt to your eyes that time Everest."-bigkas nito
"Same reason kung bakit ka umiiyak at nasasaktan ngayon Everest. It's because you feel in love –kaya ka nasasaktan dahil minahal mo ng sobra ang taong yun."-he said
Yun ba talaga ang rason kung bakit ako nasasaktan ngayon. Minahal ko naba talaga si Felix.
Pero bakit?
Bakit ko siya minahal kung ito palang ang unang magkikita naming dalawa.
"Tama ba ako Everest. Minahal mo naba si Felix, ang lalaking kinaiinisan mo noon but the biggest question is DOES HE LOVE YOU?"
Natigilan ako sa tanong ni kuya saakin. Minahal din ba ako ni Felix. Yan ang di ko alam.
Noong buwan nalang sinabi niya sa buong mundo na ako ang girlfriend niya at alam ko kung bakit niya ginawa ang lahat ng yun.
He wants me pay because I insult him to social media.
Plano lang naman yun lahat ni Felix. Plano din ba na paibigin niya ako.
Kumalas si kuya sa pagkakayap saakin at humarap nito saka tinuyo ang natitirang luha sa pisngi ko.
"Look Everest. Don't waste your tears for nothing, kung ikaw lang ang nagmahal sa inyong dalawa. Please lang tumigil kana."
"Bilang kuya mo ayaw kitang nakikitang nasasaktan at umiiyak dahil lang sa salitang "nagmahal ka lang". Nasaktan kana noon sana naman natoto kana ngayon."-paalala nito saakin bago niya tinapik ang balikat ko saka hinalikan ang noo
Maybe kuya is right. There's no reason to cry, there's no reason ko hurt and get jealous.
Hindi naging kami talaga ni Felix. Malabong maging kami dahil magkaiba ang mundong ginagalawan namin.
I am just her basher while he is an idol our world revolve in a different axes.
*
TULALA AT LUMILIPAD ang isip ko habang nasa loob ako ng kotse na pinangmamaneho ng kuya ko.
Nang volunteer si kuya na siya nalang ang maghahatid saakin sa Airport kung saan ako ng tratrabaho dahil baka kung anong mangyari saakin.
Habang nasa byahe kami hindi ko maiwasang di isipin yung tungkol sa balita kaninang umaga. Matapos kung makita ang litrato ni Felix habang may isang babaeng nakayakap sa likodan nito hindi parin maiwasan ng puso ko na hindi kumirot.
Palagi tanong ko sasarili ko pagkatapos kong mapanood ang balitang yun, Kung sino ba ang babaeng kayakap ni Felix sa labas ng agency building nila.
Kaano-ano niya ang babaeng yun? Girlfriend kaya niya o kapatid.
Malabo namang maging kapatid niya ang babaeng dahil sa unang kita ko palang sa litrato alam kong hindi yakap ng magkapatid ang ganon.
Yakap yun ng isang taong mahal na mahal ka ng sobra.
Ang pinangtataka ko lang simula pa noong umaga hindi na ako ulit ng message saakin si felix, kahit tawag mula sakanya wala.
Ayaw ko naman na ako ang ma-unang tawag sa lalaking yun baka kung anong sabihin niya.
"Your still thinking at him again."
I frowned at my brother. "Huh?"-takang tanong ko kay kuya
Napahirap naman ito saka kinalas ang seat belt nito sakanyang sarili "Kanina pa kita tinatawang para sabihing nandito na tayo sa pinagtratrabahon mo pero mukhang malalim ang iniisip mo."
Umiling ako sa kapatid ko "Sorry. Hindi ko lang talaga maiwasang di isipin ang balita kaninang umaga kuya."-mahinang boses ko
Hinaplos nito ang buhok ko "Your gonna be fine my little sister, just trust kuya's words."-nakangiting aniya nito
Maluwang nalang akong ngumiti sa kapatid ko para hindi niya mahalata na nalulungkot ako dahil alam ko na magagalit ito kapang nakita niyang malungkot ako dahil lang sa isang lalaki.
"Sige na bumaba kana baka malate ka sa trabaho mo."-saad ni kuya saakin
Tumango naman ako saka inalis ko ang seat belt sasarili ko at bumaba na sa kotse.
"Wait Everest."-pigil ni Kuya saakin kaya kunot-noo naman akong tumingin sakanya
"Ahmm?"-takang ani ko
"Kailan pala ang balik mo dito sa pilipinas kapang natapos na ang trabaho mo sa canada?"-tanong saakin ni Kuya
"One week lang ako doon maa-assign sabi ng HR dahil kinulang ng flight attendant sa isang branch ng airline doon."-sagot ko kay Kuya
Kinuha niya naman ang isang maleta ko sa likod ng kotse niya saka binigay saakin.
"Okay then. Tawagan mo nalang ako kapang kanabalik kana dito sa pilipinas at kapang may problema ka alam mo na ang gagawin mo."-paalala niya
Mahina naman akong natawa "I know kuya, I call you if I'm on trouble."-saka hinalikan ko ito sa pisngi
"Buti naman at nagkakaintindihan tayo Everest."-sabay pisil nito sa pisngi ko
"Sige na alis naako baka malate at maiwan paako ng eroplano. Bye kuya."-pagpapaalam ko sa kapatid ko
Tumango naman ito at ako naman ay naglakad papasok sa loob ng airline na pinagtratrabahon ko.
Lahat ng nadadaan kong mga pasahero ng airline at mga katrabaho ko ay napatiting saakin.
Ang iba naman ay nagbubulongan at ang iba naman ay kinukunan ako ng litrato at mukhang alam ko na kung bakit.
Tungkol naman ito sa kumakalat ng balita kaninang umaga at sa pag-announced ni Felix sa national television naako ng girlfriend niya.
Lihim nalang akong napailing, kung alam lang ng mga taong ito ang tunay na ngayari sigurado akong magugulat ang mga ito.
Nang makapasok na ako sa loob ng eroplano papuntang canada, ay agad kong inaayos ng lagay ang maleta ko sa isang compartment bago pa pumasok sa loob ng mga pasahero.
"Good morning Eve."-magiliw na bati saakin ng kaibigan kong si Annette na isa din flight attendant
"Good morning too, Ann."-bati ko din sa kaibigan ko at isinara ko ng compartment na pinaglagyan ng maleta ko
"Do you heard about the news of Felix?"-tanong nito saakin habang may pag-alala sa mukha nito
Dahil sa pagiging alerto na maitatanong niya ang tungkol sa balitang iyun ay agad akong nagpanggap na parang walang pake sa balita yun at masayang ngumiti sa kaibigan ko.
"Yeah. Nakita ko nga kaninang umaga bago ako pumasok sa trabaho."-aniya ko
Saka peke akong ngumiti sa kaibigan kong si Annette.
"And Felix said na ang babaeng kayakap niya ay kaibigan lang daw niya."-pagsisinungaling ko
Napatango naman ito habang nakatiting sa mukha ko na parang sinusuri kung magsasabi ako ng totoo.
"Okay. Kung yan ang sinabi ng International idol na boyfriend mo. But I'm telling you this Everest dahil kaibigan kita –mahirap magmahal ng isang International idol dahil marami kang kahati lalo na at walang kasiguradohang may happy ending ang love story ninyo dalawa."-bigkas nito na may pag-alala sa boses niya
Pilit naman akong ngumiti sakanya "Don't worry about me my dearest friend. Magiging okay lang ako."
Dahil hindi naman talaga ako girlfriend ng isang International idol.
Isang malaking kasinungalingan at panaginip lang ang maging girlfriend nila.
"If that's what you say my dearest friend too. Anyway let's go nandiyan na ang mga pasahero."-wika niya saka nauna ng maglakad saakin
Agad namang akobg sumunod sakanya para saludongin ang mga pasahero papasok ng eroplano.
"Good morning, Ma'am and Sir have a safe trip."-nakangiting ani ko sa mga pasaherong papasok nasa loob ng eroplano
Nang masigurado na naming nakapasok na ang lahat ng pasaherong papuntang canada ay agad ng lumipad ang eroplano sa ere.
Napatiting ako sa mga pasaherong nasa loob ng eroplano ay hindi ko namalayang napangiti na pala ako.
I never thought that I will become a flight attendant in a famous International airline in the world.
At sana sa pag-stay ko sa canada ng one week ay makalimutan kuna ang lahat ng problema at lungkot dito sa pilipinas.
Sana makalimutan ko na din na mahal ko nasi Felix Jaun Sysco.
I hoped staying at canada is a good choice.
BUSY AKO SA PAGSESERVED ng inomin at pagkain ng pasahero ng biglang lumapit saakin si Annette.
"May problema ba?"-takang tanong ko
Umiling naman ito "Ang VIP guest natin dito sa eroplano ay ikaw ang gustong flight attendant na magserved sakanya ng pagkain at inomin."-saad saakin nito
Napakunot naman ako ng noo "Bakit ako? Pwede naman ang iba nalang na flight attendant o di kaya ikaw."
"Bakit hindi ikaw? Eh ikaw ang gusto ng VIP natin kaya pumunta kana doon."-pagtataboy ni Annette saakin
Napabuntong hininga nalang ako dahil mukhang wala naman akong choice, kaya agad akong naglakad papunta sa VIP cabin kung nasaan ang isang importanting pasahero.
Pangpasok ko palang sa loob ng VIP cabin ay nakita ko na agad ang pasaherong lalaki.
Yes. Lalaki ang VIP guest ng airline na ito. Ewan ko ba kay Annette pwede namang siya nalang ang mag-asikaso sa guest na ito.
Bakit ako pa talaga ang inawaga niya?
At bakit ako ang gusto ng lalaking ito na mag-asikaso sakanya, eh marami namang flight attendant na available diyan.
"Good morning, Sir. I am flight attendant Everest Cole, what I can do for you?"-magalang na wika ko ng malapit na ako sakanya
Actually nakatalikod ito saakin habang nakaupo sa isang stole na nasa mini bar ng VIP cabin.
Napakunot naman ako ng noo ng hindi ito nagsalita "Sir what I can do for you? Or do you want a coffee, juice or–"
Hindi ko na naituloy ang pangsasalita ko ng bigla ito ng umikot paharap saakin at ganon nalang ang gulat ko ng makilala ko ang V.I.P guest na lalaking ito.
"How are you been my Everest?"-tanong nito sa boritong boses niya
Hindi ako agad nakapangsalita dahil nakatiting lang ako sa mukha ng lalaking nasa harapan ko ngayon.
Sobrang lakas ng t***k ng puso ko ng mga oras na yun. Hindi ko akalaing makikita ko pa ulit ang lalaking matagal ko ng pinaon sa nakaraan.
"J-JACKSON."-mahinang tawag ko sa pangngalan ng Ex-boyfriend ko.