Mira Sam POV
Nagising ako na nasa pamilyar na lugar, inilibot ko ang paningin ko, tama naandito ako ngayon sa kwarto ko, pero pano ako napunta dito?
Tatayo na sana ako ng maramdaman ko na may mabigat na nakapatong sa kamay ko, napatingin ako dito.
Dug dug dug dug .
Biglang bumilis pintig ng puso ko, hala may sakit pa ata ako, si Acer naka upo sya sa tabi ng hinihigaan ko naka tungo sya natutulog, pero yung kamay nya nakahawak sa isa kong kamay, imbis na alisin ko ito hindi ko ginawa pinag masdan ko syang matulog ang payapa ng mukha ng mokong ah!
Acer ash Pov
Naalimpungatan ako ng may naramdaman akong naka titig sa akin napa angat ako ng ulo ko dahil nga gising na ako napa tingin ako kay Mira naka upo na sya
"Gising ka na pala!"
Sabi ko sa kanya ngumiti sya
"Nagising ata kita!"
Sabi nya
"Ayos Lang kamusta na pakiramdam mo?"
Tanong ko sa kanya
"Pano nga pala ako na punta dito? Sa pagkakatanda ko yung babae nun sa grand hall susugurin ako ng apoy na gawa nya?"
Nag tatakang tanong nya, napatitig ako sa kanya ibig bang sabihin wala syang alam?
"Acer Bakit Anong problema? Naka titig ka lang dyan wag mong sabihin nahhh...."
"Wala kang maalala?"
Pinutol ko na sasabihin nya dahil Nakapag tataka.Bakit wala syang maalala?
"Wa-wala ba-bakit may ginawa ba akong kalokohan?"
Natatarantang tanong nya, tsk praning ba ang babaeng to? Napailing nalang ako
"Hala Acer ano nga? pailing iling ka lang dyan!"
Nanlalaking mata ni Mira, sabi ko nga praning nga ang babaeng to.
"tss wala kang ginawang kalokohan"
Sabi ko nalang
"Hayyy mabuti naman!"
Madamdamin nyang sabi habang nakahawak pa sa dibdib nya.
Tanghali na pala binantayan ko nanaman kase ang babaeng to, tumayo na ako dahil ayoko na mag tanong pa sya ng kung anu ano, baliw pa naman ang isang to.
"Oh saan punta mo?"
Napatingin ako sa kanya ng mag tanong sya.
"Feeling mo ba gusto pa kita samahan? Tanghali na!"
Cold Kong sabi sa kanya naiilang na kase ako, ayoko ng nararamdaman ko na to. Tatalikod na sana ako ng mag salita sya
"E Bakit feeling mo naka tape ang kamay ko sa kamay mo? Aalis ka hindi mo bibitawan ang kamay ko!"
Dahil dun napaharap akong bigla sa kanya, napatingin ako sa kamay ko bakit hindi ko napansin na kapit ko pa pala ang kamay ng babaeng ito, napabitaw akong bigla dun isa pa pala akong engot.
Bakit Hindi ko naramdaman yun?
"Oh ano pahiya ka no? Makakaalis ka na shuu!"
Sarkastikong sabi nya
"Tsk"
Tumalikod nalang akong ulit at nag marchang palabas sa silid nya tsk.
Mira Sam POV
Hayyssst ahh naiinis ako bakit? Feeling nya ba gusto ko sya makasama?
Hanggang ngayon naiisip ko pa rin yung sinabi ng abo na yun, ang sarap nyang sakalin kung may runes lang ako naku gagawin ko talagang abo yung Acer na yun.
"AAAHHHH"
Malakas kong sigaw dahil sa sobrang inis ko pero laking gulat ko ng humangin ng malakas hala!
Anyare nag laglagan ang mga dahon, nandito kase ako sa Light Forest, medyo humupa na ang hangin.
Patayo na sana ako ng nagulat ako, isang kulay dilaw na ibon ang bumagsak sa harap ko, kumikinang ito sa pagka dilaw, hindi sya kagaya ng normal na ibon sa mortal world ang ganda nya, napalapit ako sa ibon para makita kung ayos lang ba ito, dinampot ko ito at sinuri wala naman itong kahit anong pilay oh galos, nawalan lang ito ng balanse sa pag lipad dahil siguro sa malakas na pag hangin kanina.
"Ang ganda mo naman ayos kalang ba?"
Pag tatanong ko sa ibon, naka ayos na ito, siguro hindi na ito hilo dahil sa pag kakalaglag, ipinatong ko ito sa tuhod ko ang ganda talaga nya.
"Pwede bang akin ka nalang?"
Pag kausap kong muli dito, ibinuka nito ang mga pakpak nya akala ko lilipad na ito muli pero nag kamali ako pumunta ito sa ulo ko, wahh siguro ayos lang sa kanya, natuwa naman ako patayo na sana ako, ah anong ginagawa ng kolokoy na to dito bigla nalang sumusulpot.
"Ah anoh..."
"Tsk umuwi ka na mag didilim na"
Umalis na sya napa tulala ako sa tinahak nyang daan, kanina pa kaya sya nandito narinig nya kaya na kinakausap ko tong ibon, wahhh nakakahiya, humangin muli wahh kinabahan ako dahil ang lamig ng hangin baka may multo, napakaripas ako ng takbo, bukas nalang ako babalik dito nakalimutan ko kase si Mlessean, sabi nya nung unang mag kita kami, nung araw na binully ako, sabi nya mag kita kami, baka bumalik sya dun sa puno na kamukha nung puno na nasa Mortal World.
Acer ash POV
Naka tambay lang ako dito sa paborito kong puno dito sa Light Forest, natutulog ako ng may narinig akong maingay na bunganga ng isang babae, napatingin ako sa baba ng puno at gusto ata nito kalbuhin ang lupa sa pag bunot ng d**o.
"HAYYYSSST AHHH naiinis ako bakit feeling nya ba na gusto ko syang kasama?"
Narinig kong sabi nya pero nagulat ako ng parang umilaw ang parte ng noo nya, hindi ako sigurado, pero sigurado ako na hindi yun napansin ni Mira pag sigaw nya biglang humangin at muntik pa akong mahulog dahil sa kakaibang hangin. Hindi ito normal bababa na talaga sana ako pero isang napakagandang ibon ang lumagpak sa harap ni Mira, halata nga dito na nagulat ito, pero isa talagang engot ang babaeng ito kausapin ba naman nya yun pag yun sumagot sigurado ako na mangangaripas ng takbo ito, tsk tumayo na sya kaya tumalon na ako pababa sa harap nya at halata sa mukha nya ang pag kagulat tss.
"ahh anoh..."
Hindi ko na sya pinatapos mag salita.
"Umuwi ka na mag didilim na"
Sabi ko at nag lakad na ako paalis bahala na sya sa buhay nya tsk.
Mira Sam POV
Kinabukasan
Papunta na kami sa room ng Gold A, kasama ko si Athena at Fleus, yung tatlo na una na kasi wag nyo ng tanungin dahil sadyang makupad akong kumilos, habang nag lalakad kami nag bubulungan ang bawat mga Runers na nadadaanan namin, nag bubulungan sila kaya hindi ko masyadong maintindihan narinig ko lang.
"Sya yung mimicking ang rune"
Yun ata sinabi nila at di nakaligtas sa pandinig ko ang susunod nilang sinabi.
"Mahina sya kaya sya nadikit sa mga Elemental Royalties!"
Hala ako pinag uusapan nila, pero ano yung mimicking napatingin ako kay Athena bago ko palang sana ibubuka ang bibig ko ng bigla syang nag salita
"Hayaan mo lang yan sila Sam, ipapaliwanag ko nalang sayo"
Tumango nalang ako
"Ang mimicking ay isang Rune na kayang kopyahin ang rune ng kaharap, pero hindi ito nakakasakit kagaya lamang ito ng isang ilusyon at sa tingin ng lahat maging kami mimicking ang rune mo, dahil sa nangyare sa inyo nung babaeng semi fire nakopya mo ito pero dahil hindi mo pa iyon gamay kaya ka nawalan ng malay"
Nagulat ako sa sinabi na iyon ni Athena, ganun pala ang nangyare napatango na lamang ako
"Ibig sabihin may Runes din ako?"
Pag tatanong ko
"Oo!"
Nakangiting sabi ni Fleus
"Kaya wag mo iisiping iba ka, dahil hindi ka makakapasok ng Light Academy kung wala kang runes"
Nakangiting sabi pa ni Athena, nakarating na kami sa room ng Gold A ng may maalala ako.
Teka asaan na pala si Lissy, kilala nyo kung sinong Lissy? Walang iba kung hindi yung kaibigan kong Ibon, napaharap akong bigla kela Fleus.
Pero hindi ko na nagawang mag tanong ng lumipad na ito papunta sa balikat ko nakay Fleus pala to.
"Grabe Sam ang cute talaga ni Lissy."
At gusto pa sana ulit kuhain si Lissy, pero sadya atang may kalokohan to si Lissy biglang lumipad papunta sa ulo ko
"Hay nako Fleus wag mo na kasi pilitin kuhain si Lissy ayaw sayo no!"
Pang aasar ni Athena, at tuloy ng pumasok sa loob, kahapon nung umuwe ako dala ko tong si Lissy. Nagulat sila kung saan ito galing kaya sinabi ko sa Light Forest, sabi nila ngayon palang daw sila nakakita ng gaya ni Lissy sa tagal na daw nilang nabuhay dito sa Light Academy, nagulat pa nga ako nun pero hindi nalang ako umimik kasi baka madalang lamang ang gaya ni Lissy, nakakatuwa dahil maging sila nagagandahan din dito
"Sam pahiram naman kay Lissy!"
Napalingon ako kay Alisha,pag ka upo ko palang lumapit agad sya sa akin para kuhain si Lissy, pero itong si Lissy na nasa ulo ko biglang natulog, pasaway na ibon to napa nguso nalamang si Lisha
"Nako Lisha ayaw sayo ni Lissy haha!"
Pang aasar ni Lex kaya biglang namaywang si Lisha at lumapit dito
"Aray ko! Aray ano ba Lisha bitaw nga!"
Kawaawang Lex pingot pingot ni Alisha, napailing na lamang ako mga nag kukulitan lamang kami maliban kay Acer na abo, na nakapikit, natutulog ata, wala naman kase kaming Master ngayon pero na tigilan kami ng may pumasok sa loob ng room ng Gold A, babae na maputi may pagka brown ang mata hindi gaanong kahabaan ang buhok teka di ba wala naman kaming master ngayon, hala baka naliligaw to.
"Alam ko na nag tataka kayo dahil free day nyo ngayon, but sorry to say na hindi nyo muna free day, dahil isang linggo na lang mula ngayun magaganap ang Celebration Ball, alam kong alam nyo yun maliban lang kay miss..."
"Samantha po"
Sabi ko dahil hindi nya pa ko kilala
"OK! kay Miss Samantha, so kaylangan kong mag turo sa inyo ngayon, alam ko namang kilala nyo ako pero mag papakilala pa rin ako para kay Ms Samantha at sa kakaibang uri ng ibon na nasa ulo nya!"
Nahiya naman akong bigla kaya kinuha ko sa ulo ko si Lissy at ipinatung ko ito sa lap ko, ngumiti sa akin si Miss Master di ko pa kilala e.
"Ako si Miss Quishel ang Head Master ng Earth Kingdom, siguro nag tataka kayo dahil hindi pa kami nag uumpisa sa talagang dapat naming ituro pa sa inyo, dahil mahalagang malaman nyo na ang mga nangyare sa lugar na pinanggalingan nyo, kung paano kayo dinala sa Crystal Light Kingdom!"
Mahabang pahayag ni Miss Quishel, pero teka may Kingdom din ang Crystal Light akala ko to na yung Academy, ang dami ko pang hindi nalalaman.
Fleus POV
"At dahil ako ang taga Earth Kingdom,, ako ang obligadong mag salaysay sa inyo ng nakaraan nito!"
Paliwanag pa rin ni Miss Quishel, pero dahil sa sinabi nya napa seryoso ako dahil sa wakas malalaman ko narin ang nangyare sa Earth Kingdom at ang tungkol sa aking mga magulang
"Ang Earth Kingdom ay isang lugar kung saan napaka sayang pagmasdan, ito ay lugar na may pag bibigayan ang bawat isa.
Ito ay pinamumunuan ni Arcleus isang makisig na binata, sa murang edad nito natutunan nitong mamuno dahil isa syang purong earth element, isang araw sa pangangabayo niya sa kagubatan hindi sinasadya na isang babae na nanghihina ang napansin nya, kaya agad syang bumaba sa kabayo nya agad nya itong nilapitan at tinulungan, may sugat ito kaya isinama nya ito pabalik at ginamot, nang magkamalay ito napag alaman ni Aclues na wala ng pamilya ang babae at nawalan ito ng alala, nang matagpuan niya ito sa gubat na nag nanghihina ay nag eensayo pala ito ng kanyang Rune dahil sa pagbabakasakaling bumalik ang alala niya, pansamantala binigyan niya ang babae ng pangalan, tinawag niyang Amelia ang babae at minabuting doon na panatilihin kasama nya, hanggat di pa nakaka alala, tinuruan nya din gumamit ng Rune si Amelia. Hindi nila namalayan na habang tumatagal ang kanilang pag sasama ay minamahal nila ang isa't isa, nag tapat si Aclues Kay Amelia at ganun din si Amelia, nag isang dibdib sila at di nag laon nagbunga ang kanilang pagmamahalan, nagsilang si Amelia ng batang lalaki, ngunit hindi pa nagtatagal sa piling nila ang bata ay kinailangan na siyang ipadala dito sa Crystal Light upang manatiling ligtas, sapagkat ang bata ay isa sa nakatakda. Nagkaroon ng digmaan sa Earth Kingdom laban sa hindi kilalang grupo, nagtagumpay ang Earth Kingdom, ngunit di na nabalik sa piling nila Aclues ang kanilang anak dahil sa kautusan, at yun ang nangyare sa Earth kingdom"
Mahabang salaysay ni Miss Quisel.
Ngayon alam ko na ang nangyari sa Earth Kingdom, mas naging buo ang kaisipan ko na matupad ang kautusan saming mga pure element, nakatunganga pa ako sa kinauupuan ko ng napatingin akong muli kay Miss Quisel ng muli syang mag salita
"Mga ruyners paghandaan nyo ang darating na Celebration Ball para sa Crystal Light Kingdom"
Pagkatapos nyang sabihin iyon ay lumabas na sya.
Mira Sam POV
Naandito na kami ngayon sa cafeteria grabe ang sarap talaga ng pagkain dito sa Light Academy, habang tumatagal ako dito unti unti ko na nakikilala ang mga kaibigan at ang mga nangyare sa kanilang mga kingdom, dalawa nalamang ang hindi ko pa nalalaman ang kay Athena at Acer, pero na hihiwagaan talaga ako sa Crystal Light Kingdom, wala naman kase silang kinukwento sa akin, e kasi Sam hindi ka nag tatanong, hayst nakakahiya kaya masyado ata akong chismoso, nababaliw na ata ako kinakausap ko utak ko sumasagot kasi pero ano nga kaya pati yung mga Black Night, anong pakay nila sa mga pure Elemental, at ano ba talaga yung mga kautusan, hayst bahala na nga kay Mlessean nalang ako mag tatanong pag nag kita kami, babalik ako dun sa Light Forest dahil dun naman kami unang nag kita
"Hoy engot tulala ka?"
Napalingun ako kay Acer dahil sya ang nagsalita
"Anong sabi mo huh abong ungoy?"
Pinanlisikan nya ako ng mata, dukutin ko mata nito e.
"Pakialamero!"
"Engot"
"Unggoy"
"Engot"
"Unggoy!"
"Ehem ehem ehem!"
Natigilan kaming pareho ni Acer sa pag tatalo ng tumikhim mga kasama namin
"Ah eh hehe pasensya na"
Nahihiyang sabi ko
"Tsk"
Napalingon ulit ako sa abong bangkay na kalapit ko at inis na inirapan ko sya, at tinuloy ko nalamang ang pagkain ko.
Sylvie POV
Alam ko hindi nyo pa ako kilala ako lang naman ang Semi Fire na gustong kalbuhin at mawala sa landas ng mga Runers ang Samantha na yun, pinag mamasdan ko lamang sya habang kasama ang mga Elemental Royalties, ano kayang klase ng panglalason sa utak ang ginawa nya para makipag kaibigan sa kanya ang mga Royalties, kami nga matagal na dito sa Light Academy hindi nila ginawang makipag kaibigan, tsk sige lang Samantha mag pakasaya ka ngayon, humanda ka sa gagawin ko sa iyo, mapapahiya ka sa buong Light Academy, pero isa sa pinag tataka ko isa lamang syang mahinang runers pero nag tanim ng sugat ang nangyaring pag atake sa akin, pero hindi na bale mahina pa rin sya para sa akin gagantihan kita.