Mira Sam POV
Wrong timing si Master bubwit, may lakad ako ngayon eh, kaya ito kami ngayon nag mamarcha papunta sa kuta nya, este office pala, hayst ano kaya kailangan ni Head Master, sus yung bulinggit na yun hehe namimiss ko din sya mag handa na ang pisngi nya ng bonggang bongga!
Head Master / Jericho de second / Zeor POV
Ehhhhhnnnngggggkkkkkkk.
"HEAD MASTER NAMISS KITA
WAAAAAAAAAAAA"
"ARAY KO, ARAY SAM BITAW, SAMANTHA BITAW!"
"Wahahahahaha namiss mo kami no? Instant kamatis na pisngi mo bulilit"
"Samantha! Hindi to oras ng pag bibiro"
"Sus ang seryoso mo naman Master"
Nawawala talaga pagiging Head Master ko sa batang ito, manang mana sa pinag manahan nya
"Ano ba Master aminin mo na kasi miss mo na kami nahihiya ka lang kayy...."
"Ahh ehh hehe. Hello Sylvie!?"
Ayan natigilan sya napaharap sya kela Sylvie. Oo narito sila
"Ehem ehem. Kaya ko kayo pinapunta dito mga pure runers and semi runers para itanong ko sayo Miracle Ashtrid Samantha bilang isang Prinsesa, ano ang ibibigay mong kaparusahan sa mga pangahas na semi runers?"
Mahaba kong paliwanag pero napatulala si Samantha.
Anong problema ng batang to gatukan ko kaya? Ay wag na kawawa patpat e.
Mira Sam POV
Napa tulala ako sa sinabi ng bububwit na to, napatingin ako kay Sylvie at sa mga kasama nya, parang nakaramdam ako ng kabog sa puso ko. Hindi galit ang naramdaman ko, oo nasaktan nila ako pero hindi ibig sabihin nun ay kailangan ko ng gumanti, oo nung nakita ko sila nainis ako pero sa puso ko at isip ko mali iyon.
Tumingin ako kay Head Master, pero agad ding napabalik ang tingin ko kela Sylvie
"Ang parusa ko sa mga semi runers na ito ay...
Tatanggap silang Lima ng
.
.
.
.
kapatawaran galing sa akin"
Pagkasabi ko nun biglang napatitig silang lahat sa akin
Kaya ngumiti ako ng pinaka maganda kong ngiti
Lumapit ako kay Sylvie
"Samantha"
Mahina nyang bulalas. Hinawakan ko ang kamay nya
"Sylvie! Ang isang pag kakamali ay hindi na kailangang suklian ng isa pang pag kakamali. Hindi ko kailangan bigyan kayo ng parusa. Dahil ang kabutihan ay nag dudulot ng kasiyahan. At ang pag papatawad ay nag mumula sa dalisay na kalooban. Yan ang tandaan nyo. Yan ang parusang ibinibigay ko sa inyo. Kapatawaran! Bukas palad ko kayong tatanggapin. Hindi lang bilang isang runers na kagaya ko kung hindi bilang kaibigan na rin. Hindi lang ako kung hindi pati narin ang iba pang pure runers ...
Hindi ba guys?"
Masaya kong sabi sa mga kasama ko aba ano nakain ng mga to tulaley
"Ahh ehh, oo naman wa-walang problema yun samin sam"
Nanlaki ang mata ko
"Si-Sylvie?"
"Huhuhu Sob sob sob sa-salamat Samantha nag kamali ako ng pag kakakilala sayo masyado ako nilamon ng ingit ko sa iyo isa kang may mabuting puso"
"Wahhh kami din payakap"
Nagulat kami ni Sylvie sa lake ng bunganga ba naman ni Alisha no.
Pero sakyan ang gusto ng kaibigan
"WAAHHHHH GROUP HUGGGGG"
"YAKAP tayo guys."
Headmaster POV
Nakakatuwa na pag masdan ang Prinsesa na to
"Hindi nakapag tataka na sya ang nakatakda pero may takot na sa puso ko baka maging parehas sila ng kapalaran ng kanyang ina nawa ay hindi mangyare dahil baka ikababagsak na talaga ng buong kaharian sana lang talaga.
Mira Sam POV
Wahh ang gaan ng pakiramdam ko ngayon ayos na kami nila Sylvie ang saya sa
"Guys punta muna ako Light Forest may pupuntahan lang ako dun"
"Huh sino naman Sam?"
"Naalala nyo pa ba si Mlessean yung sabi ko na ipapakilala ko, baka kasi naron sya, sige kita nlang memeya bye guys"
Tumalon nako bahala sila dun
"Wahhh. Its so nice to be happy shalala.... MLESSEAN ASAAN KA BANG BRUHA KA HUH, OYY LISSY BABY ANDITO KA SA LIGHT FOREST HUH?"
Malakas na sabi ko, aba galang ibon to imbis na si Mlessean matagpuan ko itong si Lissy, aba gala talaga.
Nandito kami sa Tree of Portal palapit na ako sa kanya
"Ahhh"
Nasilaw ako biglang lumiwanag si Lissy, kaya napapikit ako, pero hindi rin naman nag tagal ang liwanag agad ko iminulat ang mata ko pero laking gulat ko.
Wala na si Lissy te-teka a-asan na sya, isang babae na ang nakatalikod sa akin hala sino to?
Uti uti humarap sa akin yung babae laking gulat ko si... Si
"MLESSEAN?"
Malakas kong bangit
"Hi! Sam miss mo ko syempre ako din, hehe gulat ka no?"
"Huh? Anong gulat asan si Lissy ko? kanina sya naandito ah"
Nag tataka kong tanong?
"Hehe Sam ako at si Lissy ay iisa"
"Huh? Ano naka katol ka ba Mlessean?"
Nung nag kita kami sa panaginip ko sabi nya kailangan maging isa kami nakaka loka na babae na to.
"Ano nanamang ibig mong sabihin bruha ka? Nababaliw na akech sayo lam mo yun?"
"Hay nako Samantha hanggang ngayon wala ka paring clue naman oh!"
"Aba nag reklamo pa tong babae na to. Malay ko ba! Hindi naman ako adik no!
Ano ba kasi yun Mlessean na wuwerduhan na ako sayo ehh"
"Ayst. OK ito na nga. Ako at ikaw ay iisa dahil tayo ay kambal"
"Huh anong kambal sinasabi mo dyan? Niloloko mo talga ako Mlessean eh!"
Pag rereklamo ko
"Makinig ka muna ok? Sam unawain mo sasabihin ko."
Hala seryoso na sya
"Wahh oo na, oo na oh game start ka na"
"Gaya ng sinabi ko kanina kambal tayo, pero walang ibang nakakaalam nun dahil ako ay nabuhay mula sa iyong puso, nag mula ako sa lungkot at saya ng iyong puso, liwanag at dilim na taglay ng iyong puso. Matagal mo na akong kasama Sam, natatandaan mo ba ang batang nag bigay sa iyo ng porselas? Ako iyon. Sam dahil hindi ako marunung mag pakilala sayo bilang kambal mo ng panahon na iyon, at ang ibon na si Lissy, ako din iyon, para mas masubaybayan kita at ang pag bunyag ng katauhan mo, yung matandang babae sa delectus ako din iyon, para maibigay sa iyo ang Libro na pag aari mo at ang ahas na naging babae nun sa harap mo ay ako din, upang gisingin ang natutulog mong runes at sa tuwing nawawalan ka ng malay ang babaeng may pakpak na kahawig mo ay ako iyun, ang totoo kong anyo, at ito ako ngayon sa harap mo bilang Mlessean upang gumabay sa iyo, dahil hindi lang ang mga nakatakdang runers ang mag tuturo sa iyo upang matutunan ang iyong rune Miracle Ashtrid Samantha. Ikaw ay naiiba sa lahat, ang pag haharap ng dugo sa dugo ay nalalapit na, kaya ako ay nag pakilala na sa iyo upang mas mapadali ang pag aaral mo, at bilang iyong kambal tungkulin ko na ikaw ay gabayan upang tayo ay maging isa upang lumabas na ang simbulo ng totoong katauhan mo."
LOADING...
...
... 10%
... 30%
... 50%
... 60%
... 90%
... 100%
Ang tagal bago nag absorbed ng utak ko. Lahat ng sinabi nya, kung ganon sya ang lahat ng iyun. At kakambal ko sya kaya pala si Lissy bigla nalang mawawala at parang may sariling pag iisip? kaya pala
"Pero Mlessean anong ibig mong sabihin na maging isa tayo, at ano ang totoong simbulo ng katauhan ko? Naguguluhan ako?"
"WAHHH SECRET MUNA SAMANTHA BABY"
"Ayyysst ano ba Mlessean, makasigaw ka bat ba ayaw pa sabihin pabitin ka naman e!"
"Dahil may mahalaga muna akong gagawin bukas. Punta ka ulit dito dahil mag uumpisa na ang pag te-training mo bukas. WAHAHAHA mag lalakwatcha muna ako, bye bye muahhhhh"
"Ah, ano hoy babaeng hunyango! Bumalik ka dito hoy"
Aba ang tigas ng ulo na yun nag tatakbo na.
Pasaway mana sa kakambal charot.
Umupo na nga lang muna ako, napagod utak ko dun ahh
"Panibago nanaman laman sa utak ano beyen"
Acer POV
Naandito lang kami sa bahay. Kanina ko pa iniisip si Mira tsk ang tagal nyang bumalik, kasama nya nanaman kaya ang mokong na iyon? Susunugin ko na talaga yun
"AYYSSTTT!!!!"
Tumayo na ako, natagpuan ko na lang ang sarili ko nag lalakad na papunta sa Light Forest!
Malapit na ako sa Tree of Portal pero napatigil ako sa pag lalakad na ikuyom ko ang mga kamay ko. Tsk
"Hahaha ano ka ba naman Lilibeus ayos lang yun kesa naman parang wala ka pang palit, haha ayusin mo nga yang mukha mo ang cute mo mamula, haha bayad na din yun sa pag hilot sa ulo ko no"
"Mahal na Prinsesa naman wag na nakakahiya sa iyo"
"Haha ano ka ba ok lng yun."
Tsk! Hindi ba nila napansin na naandito ako? Patuloy lang sila sa pag lalambingan nila, itong mokong na 'to masusunog ko na talaga to, at ito namang babae na to ang lawak ng ngiti papakainin ko talaga sya ng bato, ayysst itong mokong lang na ito ang pinunta nya dito tsk.
Nagulat ako nakaramdam ako ng labis na pag kagigil hinawakan ng panget na lalaki na yun ang mukha ni Mira, anong binabalak nya teka bakit nya nilalapit ang muhka nya Kay Mira?
"Ayyst!"
Booooogggggshhhhhh
Sa sobrang inis ko nag pasabog ako ng fire ball, sa di kalayuan
"Acer?"
Ysk kung hindi pa ako nag pasabog ng fire ball hindi nya ko napapansin tsk .
Tumingin ako sa mokong pinanlilisikan ko siya ng mata ang lalaking to pasalamat siya at Hindi ko itinapon sa mukha nya ang fire ball na yun nako tsk
Bakit ba ako nakakaramdam ng ganito possible kayang may nararamdaman na ako para sa engot na babae na to? Hindi pa maari yun hangat hindi pa na hahayag ng simbulo
"Ah Lilibeus sya si Acer"
"Acer si Lilibeus"
Napa tingin ako kay Mira ng ipakilala nya ang lalaki ang pangit parang yung pangalan nya pangit.
Tsk naiinis ako. Ngumiti ng nakakaloko ang lalaki, tsk pero lalo akong nakaramdam ng inis. Napatingin ako sa kamay nila mag kahawak!?
Dug dug dug
Nakaramdam ako ng mas matinding inis ng napansin ko ang pag liwanag ng parte ng dibdib ni Mira. Hindi maari dahil hindi naman namin gaya ang panget na to, lumapit ako kay Mira at hinigit ito palapit sa akin. Tara na uwi na tayo cold kong sabi
"Huh pero Acer may kas.."
"Hahaha mukhang galit ang Boyfriend mo mahal na kamahalan haha sige alis na ako."
Tumakbo na yung panget na mokong.
Pero teka ano yung sinabi nun Boyfriend ano yun?
"Mira anong sabi nung ..."
Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil pag harap ko namumula ang mukha nya.
DUG DUG DUG DUG
DUG DUG DUG
Anong bang nangyayare sa akin
"Mira ayos ka lang ba huh? May masakit ba sayo huh? Sabihin mo na namumula ka oh Mira."
Sunod sunod kong tanong nag aalala ata ako kay Mira kaya ako nakakaramdam ng ganto
"Ahh ayos lang ako Acer hehe. Tara uwi na tayo mag-mag luto ka na lang ng asin"
Huh ano daw gusto nyang kumain ng asin? Niloloko nya ba ko? Ang hirap intindihin ng mga nanggaling sa mortal tsk.
Lilibeus POV
Hanggat hindi nya pa alam ang katotohan pag lalaruan ko muna si Acer
WAHAHAHAHAHAHAHAHA