Kabanata 18

1346 Words
Head master / Jericho the second POV Nalulugud ako sa iyong pag babalik ang tagal ka naming hinintay, totoo nga ang mensahe sa Tree of Portal, oras at panahon ang mag dadala sa iyo sa pinanggalingan mo, mabuti na lamang dito ka nya dinala at naging ligtas ka. Lahat ng runers ay naka luhod, maging kaming mga head. Ikaw pala Miracle Ashtrid Samantha ang Princess of Crystal Light Kingdom. Acer POV Pinatayo kami ni Mira sa kalapit nya, kitang kita ang lahat ng mga runers, tahimik lamang ang lahat, biglang nag salita si Mira napatitig lang ako sa kanya ang ganda nya TSS, wala akong sinabi. "Lahat kayong runers mag si tayo kayo, makinig kayo sa sasabihin ko, ang lahat ng hindi nalalaman ay ipapaalam ang lahat ay kailangan maging handa!" Yan ang malamig na pag kakasabi ni Mira, pero teka anong ibig nyang sabihin? Anong gusto nyang iparating sa lahat? Titig na titig lamang ako sa kanya, tumingin sya sa paligid, napatingin sya sa gawi nila Head Master, ngumiti sya ng makahulugan, napapakunot ang noo ko, naguguluhan talaga ako anong pakulo ng babaeng to, muli nyang ginala ang paningin nya, nagawi ang paningin nya sa mga semi runers at ngumiti naman ng nakakaloko, nagulat ako bigla nya kinumpas ang kamay nya at nanlaki ang mata ko ng makita ko kung saan nya pinatama ang kapangyarihan, pinutol nya ang tali ng chandelier at nalaglag ito "Ahhhh" "Whaaa!" Yan lang ang maririnig mula sa mga semi runers. Hindi ako nakakilos at halos maputulan ako ng hininga ng biglang tumigil ang chandelier, isang dangkal ang layo sa mga semi runers na nanginginig sa takot, si Mira naman ay biglang humalakhak ng nakakatakot at unti unting pinataas muli ang chandelier, akala ko ibabalik na nya iyon sa dating pwesto, ngunit bigla nanaman itong bumulusok pababa at humahagikgik na pinahintong muli ito mas malapit na ngayon sa mga takot na runers. Kaya sinabihan ko na sya "Tama na yan Mira, ano bang ginagawa mo?" Tumingin lang sya sa akin ng medyo nagpapaawa at sumagot "Gusto ko lang naman iparamdam sa kanila ang takot na naramdaman Ni Samantha kanina!" "Hindi pa rin tama ang ginagawa mo!" Maotoridad kong sabi sa kanya at inismiran nya lang ako at ibinalik na ulit ang chandelier sa pinagkakabitan nito, nilingon ko ang mga kawawang runers na halos napaluhod sa takot at kaba, ang iba pa nga ay umiiyak na lalo na ang mga babae. Kung tutuusin dapat nga lang siguro na naramdaman nila ang takot, siguro'y matindi ang takot na naramdaman ni Mira nung binubully sya, hindi ko man lang sya naipagtanggol, ngunit nakapagtataka na tinawag nya ang sarili nya na Samantha, parang ibang tao ang nagsasalita ano ba ang nangyayari kay Mira? Nawala ako sa lalim ng iniisip ko ng maramdaman ko ang biglang pagkapit sa balikat ko at nalingunan ko si Mira na unti unting bumabagsak! Mira Sam POV Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar, iginala ko ang paningin ko, teka parang natatandaan ko ang lugar na to maaliwalas na lugar parang ito yung lugar na nilukob din ako ng liwanag. Anong ginagawa ko dito, aba wag mong sahihin na ako na ngayon si Alice at ito ang wonderland, anebeyen Samantha in wonderland nalang para cute ng very very light "Samantha!" "AY ENGOT NA SAMANTHA!" Gulat at nang lalaking mata ko, akala ko may multo "WAHHHHHHHHHHHHHHHH wag po, wag po, wag ka po magpapakita mag papakabait na po ako huhuhuhu .." Napayakap ako sa braso ko, napapikit ako humampas ang malakas na hangin "Samantha ako to! Hindi mo ako nabobosesan?" Sabi ng mahinang boses, pero parang pamilyar nga ang boses, natatakot pa ako pero napilitan ako imulat ang mata ko, dadahan dahan ko iminulat ang mga mata ko pero laking gulat ko "MLESSEAN?" Napalakas na bulalas ko, ngumiti lang sya sa akin "Anong? Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko, ngumiti muna sya sa akin bago mag salita "Miracle Ashtrid Samantha, makinig ka sa aking mabuti! Ikaw ang Prinsesa ng Crystal Light Kingdom na matagal ng hinahanap at ngayong nabunyag na sa lahat ang katauhan mo, sa lalong madaling panahon kailangan mong matutunan ang pag kuntrol sa limang elemento. Huwag kang mag alala ang limang nakatakda para protektahan ka ay sila ding tutulong sa iyo. Isa kang napakahalagang runer na may mahalagang tungkulin na kailangang gampanan. Ikaw ay hindi lang basta Princess ng Crystal Light, ito ang pakatatandaan mo oras at panahon ang iyong kakailanganin, ikaw at ako ay tinakda upang mag sama, ang lahat ay iyong maalala simula na ng totoong bagyo ng iyong buhay, at isa ako sa iyong magiging gabay!" Ano daw? Loading 30% Loading 55% Loading 100% "Ako Prinsesa?" Gulat na tanong ko with turo pa sa sarili ko ng mag sink in sa utak ko ang mga sinabi nya, yung totoo lahat nalang ba ng lugar na mapupuntahan ko na hindi ko alam mga makata ang tao? O yung totoo mga nakadrugs ba sila? "Lahat ng sinabi ko ay totoo at dapat paniwalaan mo. Pag balik mo sa tunay na mundo ay magsisumula na ang pakikipagsapalaran mo. Oras na magising ka ibayong kapangyarihan ang mayroon ka, kailangan mong sanayin ito. Pagsumikapan mong masanay ang lahat ng elemento upang matutunan mo na din ang tunay mo pang kapangyarihan at ng ikaw at ako ay maging isa" Acer POV Dalawang araw na simula nung na bunyag ang pagka-tao ni Mira, hindi talaga kami makapaniwala na sya pala ang Prinsesa, pero dalwang araw na nakalipas nananatili pa rin syang tulog. Narito ako ngayon sa kanyang silid, gaya ng dati ayan binabantayan ko sya, mahirap na baka may mga kaaway na dumating at kunin sya, hindi pa naman nya alam kung paano gamitin ang kapangyarihan nya, napalapit agad ako sa kanya ng makita kong gumalaw ang kamay nya at hindi ako nagkamali, gumigising na sya. Agad kong tinawag ang mga kasama namin at bumalik sa kanya "OK ka lang?" Alalang tanong ko habang inaalalayan syang umupo "Anong nangyare" Nakahawak sa ulo na tanong nya "Dal .." BLAG Sasagot na sana ako sa tanong ni Mira ng napatingin kami parehas sa malakas na pag bukas ng kanyang kwarto "Wahhhh Sam dalwang araw mo kaming pinag alala, wala bang masakit sayo kamusta ka huh?" Sunod sunod na tanong ni Alisha habang sinusuri pa si Mira, mas OA pa to sakin tss. "Ah ayos lang ako, anong dalwang araw ang sinasabi mo?" Nag tatakang tanong nya. Nagka tinginan kaming lima posible kayang wala nanaman tong maalala? Nabaling muli tingin ko kay Mira saglit syang napatulala "WAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH" Mira Sam POV Napatulala ako saglit ng malala ko ang lahat. Pero teka dalwang araw anong ginawa ko sa dalwang araw ang alam ko saglit ko lamang kausap si Mlessean wag nyong sabihing nag mala sleeping beauty ako "WAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!" Napasigaw ako sa kalokohan naisip ko. Si sleeping beauty ako tapos yung beast si Acer, hawak ko ang ulo ko umiiling iling pa "Mira anong nangyayare sayo? Bakit masakit ba ulo mo? Bigla kang sumisigaw" Napatigil ako sa kalokohan ko. Epal tong Beast nato, busangot ang mukha nya pero teka napatingin ako sa mata nya, Parang may pag aalala, hala nanaginip na ata ako. Hindi ko na lang sya pinansin pinaglihi sa sama ng loob. Binaling ko nalang ang atensyon ko kela Alisha na nakatitig lang sa akin "Lisha ano ibig sabihin mo sa dalawang araw, ano ba ginawa ko?" Tanong ko "Dalwang araw ka ng tulog Sam, akala nga namin kung napapano ka na, pero sabi ni head Master parte lang daw iyon ng pag labas ng runes mo!" Mahabang paliwanag ni Alisha. Napatango nalamang ako, kung ganun ang maikling pag uusap namin ni Mlessean inabot ng dalawang araw, nawala ako sa aking pag iisip ng magsalita ulit si Alisha "Sam pinapasabi nga pala ni Head Master na sa oras na nagising ka mag uumpisa ka na mag sanay ng runes mo" Napatango na lamang akong muli. Siguro nga tama ang sinabi ni Mlessean, kailangan ko ng mag sanay upang ako ay agad ng matuto ,pero ang hindi ko lang maintindihan ano ang kanyang ibig sabihin na mag iisa kami?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD