Mlessean/someone POV
"AHHHHHHHHHHHHHH!!! MLESSEAN PAKAWALAN MO NA KO DITO
ALAM KONG PINAG MAMASDAN MO LANG AKO SUSUNUGIN KO TALAGA YANG MUKHA MO BABAE KA."
"Tsk. Kahit mag sisigaw ka dyan basta gawin mo ang pinagagawa ko, mabilis mo nga nagawa yung una, yan pa kaya
Tss!"
Ilang araw na sya dyan.
Nung araw na nag laho sya kagagawan ko iyon dahil sa mahina pa sya non maari syang mamatay, idadamay pa ko.
Mag kakonekta ang puso naming dalawa. Dinala ko sya dito sa Crystal Light Kingdom para ako mismo ang mag sanay sa kanya, masyado nyang binabalewala ang lahat ng bagay.
"HOYYYYY SAMANTHA MANAHIMIK KA DYAN GAWIN MO LANG YANG PINAGAGAWA KO, SOBRANG TIGAS NG ULO MO ANG SIGA SIGA MO. HALA SIGE SUNUGIN MO MUKHA KO NG MASUNOG DIN YANG MUKHA MO. MASYADO KANG SLOW SINABI KO NA SAYO NA IISA LAMANG TAYO UMAYOS KA NGA.."
Sigaw ko sa kanya pabalik saan ba nag mana ang babaeng to tss.
Sinabi na nga sa kanya ng punggok naming tiyuhin ang lahat ng dapat nyang gawin, at sinabi na sa kanya ang katotohan, pero mukhang laro lang sa kanya ang lahat tss!
Flashback
"Pinatawag kita para sabihin sayo ang buong katotohanan Samantha"
Panimula ng punggok naming tiyuhin
"Ano pong katotohanan Head Master?"
Ito na ang pagong na paguugali ni Sam hayst
"Ang katotohanan tungkol sa iyong pinagmulan, ikaw ang matagal ng nawawalang Prinsesa ng Crystal Light Kingdom, anak ka ng Reyna na umibig sa hari ng Dark Kingdom, ang iyong ina ay kapatid ko, ngunit dahil sya ang itinakda at pinakamalakas sa buong kaharian kaya sya ang naging pinuno ng Crystal Light Kingdom, ngunit ang minamahal nya ay sakim at gahaman sa kapangyarihan, ginamit nya ang iyong ina at pina ibig, huli na ng malaman ng iyong ina ang masamang pakay ng iyong ama, at ng mga panahon na iyon ay pinagbubuntis ka na niya, humingi siya ng tulong sa akin para maitago ka at mailuwal ng maayos, ng maipanganak ka itinakas kita at binigay sa kaibigan ko sila Amanda at Fritz, ngunit bigla silang naglaho kasabay ng paglalaho ng iyong ina, tanging sulat na gawa sa mahika ang naiwan sakin mula kela Fritz at iyon ay kasiguraduhan na ikaw ay ligtas at naitakas nila, nakasaad din dun na sila ay nakuha ng mga Black Knight, at ganun din ang iyong ina itinago naming mga Head ang katotohanang ito sa lahat at hinintay ang pagbabalik mo, ngayon kailangan mo matutunan ang mga kapangyarihan mo bilang itinakda upang mailigtas ang iyong mga kinikilalang magulang, at ang iyong tunay na ina na binihag ng iyong tunay na ama na kahit kailan hindi ka tinanggap. Dahil ikaw ang nakatakdang mag wakas sa kasamaan niya."
Ito ang mahabang paliwanag ni punggok sa tulalang slow kong kakambal.
End of flashback
"Kaya ngayon ikaw babae ka makipag tulungan ka kung talagang mahal mo ang mga tumanggap sayo, mga taong tinuturing ka talagang kaibigan.
Kaya umayos ka na nga dyan hindi mo magagawa ang pinapagawa ko sa iyo kung hindi mo ito isinasapuso. Samantha, makinig kang mabuti hindi lahat madadala ng limang elemento lamang kaya kahit anong subok mo dyan na sunugin yang mga naka balot sa iyo hindi yan gagana, ayst ang tigas talaga ng ulo mo kung papairalin mo parin yang kapasawayan mo baka mahuli na ang lahat, dahil baka sa mga oras na ito gumagawa na ng hakbang ang ama natin para tayo ay paslangin maging ang mga ibang runers tandaan mo hindi lahat ng runes nadadala lamang ng utak."
Mira Sam POV
Natigil ako sa mga sinabi ni Mlessean, paano bang nakikita ako ng babaeng to samantalang ang dilim dilim naman dito kuwago ata to e.
Pero paano nga ba ako makakawala dito nasasaktan na nga ako, pag katapos nya akong sanayin sa limang elemento ito dinala nya ko dito sa madilim na lugar na ito, mabilis lang ako nakapag sanay pero itong espesyal na kapangyarihan ko daw maloloka na ako. Hindi ko talaga magets kung paano ko to magagamit. Pero teka ano sabi nya baka sa mga oras na to gumagawa na ng hakbang ang tuso nyang tatay? Hindi ko yun tatay ayaw ko bad sya eh.
"Isipin mo Samantha ano ang mangyayare kapag nawala sila dahil sayo? Ano ang mangyayari?"
Napatameme akong muli dahil sa sinabi nya, pano nga ba? Ayoko ng muling maiwan ng mag isa, ayoko ng mawala sa akin ang mga taong naging malapit sa puso ko, ayoko nang maramdaman yung lungkot na naramdaman ko nung panahon nawala ang mga magulang ko, ang mag isa ay napakalungkot para sa akin hindi, hindi na ako muling makakapayag, hindi na! Bigla akong nakaramdam ng malakas na inerhiyang dumadaloy sa buo kong katawan.
Mlessean POV
"AHHHHHHHHHHHH!!!"
Sigaw ni Samantha na napaka lakas, tama yan ganyan nga ito na ang oras upang ang liwanag at dilim ay maging isa. Lumiwanag na tila sinasakop na ang kadilimang kinalalagyan namin ngayon, nawasak na nya kung saan sya nakakulong kanina lamang. Unti unti nang nag babago ang aking anyo kasabay ni Samantha. Binalot ako ng kadiliman at si Samantha ay binalot na rin ng liwanag, ramdam ko ang runes sa aking sarili ganun din si Samantha, iisa lamang ang aming nararamdaman. Hindi nag tagal ang pag balot sa akin ng dilim kasabay ng kay Samantha, ang aming anyo ay nag iba, ang kanina na maruming kasuotan ni Samantha ngayon ay isa ng mahabang puting puting dress, kumikinang na ginto ang kanyang buhok umiikot ang liwanag sa kanya, kasunod nun ang pag labas ng kanyang mga pakpak gaya ng sa akin nahati ang liwanag at dilim sa pagitan naming dalawa. Ngumiti ako sa kanya at dahan dahang lumapit sa kanya.
"Tayo ay iisa na ikinagagalak ko iyon Samantha"
Malumanay kong sabi at niyakap siya napapikit ako dahil sa inerhiya sa pagitan naming dalawa.
Mira Sam POV
Kakaiba ang pakiramdam ko gumaan ito matapos akong yakapin ni Mlessean.Ilang saglit lamang iyon iminulat ko ang aking mga mata pero ako na lamang, ito na ba ang sinasabi ni Mlessean na magiging isa kami, napansin ko ang muling pag babago ng aking anyo. Ngayon ay puti at itim na dress na at mas lalong humaba ang aking buhok! yellow at brown na wahhh bongga. Nag ienjoy ako sa maganda kong itsura ng maalala ko na susunogin ko nga pala mukha ng bruha na iyon.
"HOY MLESSEAN LABAS! LABAS MUNA GAGANTI PA AKO SAYO MATAPOS MO KO IKULONG DITO, LABAS HOY!"
Parang eng eng na sigaw ko, kanina napakadilim lamang sa lugar na ito nakakatakot pero ngayon ang weird na bakit nasa liwanag at dilim ako ngayon, as in nahahati sya at nasa pagitan ako ng mga ito.
Naaninag ko ang pag ilaw ng nuo ko!
"Whaaaa ano yun? Nag mumukha na akong Angel dito oh!"
"Samantha!"
Napatingin ako sa likuran ko dahil sa boses ng lalaki ang tumawag sa akin.
Laking gulat ko.
"LILIBIEUS!!!"
Napasigaw ako at agad na lumapit sa kanya!
"Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapunta dito? Pero di bali OK na din yun para may kakampi ako sa bruha kong kakambal na brutal Hehe."
PAAKK
"ARAY bakit mo ko bina... Paanong ikaw ay?"
"Gulat ka no? Ako din to blehhh"
Si Mlessean at si Lilibieus, iisa lang!
Nanlalaki ang mata ko, nag pabago bago siya ng anyo sa harap ko, naging bata, ibon, butiki, ipis, baboy, naging si Lilibieu
"WAAAAAAAAAAAAA MALIGNO...."
PAAKK
"ARAY NAKAKADAMI KA NA AHH!"
Sigaw ko sa kanya, batok ng batok pag nawalan ako ng utak dahil sa kanya ipapaambush ko talaga to.
"Samantha! Hindi ito ang oras para sa mga kalokohan mo! Saka mo na yan isipin ngayon kailangan maging buo ang iyong loob dahil nasa panganib ang mga kaibigan mo at ang buong Light Academy kailangan ka nila ngayon na."
Seryosong sabi ni Mlessean.
May topak ata ng isang to nakuha pang mag paka maligno sa harap ko nasa panganib pala ang Light Academy.
Yun lang nah....
"ANO NASA PANGANIB SILA ACER AT. ANG ACADEMY?"
Napasigaw ako at binalot ng kaba ang puso ko.
Black Knight POV
"Ito na ang oras para puksain ang mga pesteng Light runers dahil wala na ang mahalaga nilang itinakda, mga hunghang sila
"WAHAHAHA SIMULAN NA ANG PAG SALAKAY"
Malakas na aking sigaw bilang namumuno sa mga mandirigma ng Black Knight, nag bigay na ako ng hudyat
"Ito na ang katapusan nyo mga Light runer"
BBBOOOOGGGGGSSSSHHHHHH
BBBOOOOGGGGSSSSHHHHHH
BBOOOOOGGGGGGSSSSSHHHHHHH
BBBBLLLAAAAAAGGGSSSSSHHHHH
BBOOOOOOOOMMMMMMMMMM
BBBOOOOOGGGGGGSSHHHHH