Slippers "Wala ang sasakyan ninyo?" tanong sa akin ni Silver nang makalabas na kami ng campus at wala ang aming sasakyan na laging naghihintay sa aking pag-uwi. Umiling ako at ngumiti. "Hindi ako nagpasundo ngayon. Kung paano ka umuuwi sa inyo, ganoon din ang gusto kong gawin natin." I want to experience his life. Alam kong malaki ang agwat sa pamumuhay naming dalawa at lalo na ang kinagisnan naming buhay. Ito ang isa sa mga naisip kong paraan upang mas magkalapit kaming dalawa sa isa't isa. Para mas makalapit ako sa kanyang mundo. "Sigurado ka ba?" nag-aalangan niyang tanong sa akin. "Okay lang sa'yo na sumakay ng tricycle?" Bahagya akong natawa at marahang pinalo ang kanyang braso. "Ano ka ba? Syempre naman!" sagot ko. "Nakasakay na ako ng tricycle at hindi lang isa o dalawang beses

