Prologue

2045 Words
"Ingrata!" Halos mabali ang leeg ko nang lumagapak ang sampal sa akin ng aking Mama. Sa sobrang lakas ay pakiramdam kong magkakaroon ito ng marka. Ang tunog ng kanyang sampal ay dinaig pa parang isang kulog na umalingawngaw sa aming tahimik na tanggapan. Hinahabol ko ang aking paghinga dahil sa sakit ng paglapat ng palad sa aking pisngi habang namumuo na ang luha sa aking mga mata. My mother's slap didn't just physically hurt me, but also emotionally. Doble-doble ang sakit kapag nanggaling pa mismo sa ina mo ang sakit. Ang sakit kapag ang taong inaakala mong hindi ka sasaktan ay siya pa ang nanakit sa'yo. I know that it's all my fault, though. I deserve her slap for being ungrateful and disobedient. But do I deserve this for pushing what I want? For loving whom I love? "Mama!" rinig ko namang sigaw ni Kuya Diego na humarang sa pagitan namin ni Mama. Mabilis na dumalo sa akin si Ate Ariana. "Dianarra..." she consoled me and hugged me away from our mother. Sa aming tatlong magkakapatid, ako ang pinakawalang kwenta; ako ang wala masyadong maipagmamalaki. Lagi kong nadidismaya si Mama. Simula nang mamatay si Papa ay wala na ang tagapagtanggol ko sa mga pagalit ni Mama. Lalo na noong lumipat sa Maynila si Kuya Diego at Ate Ariana dahil may sarili na silang pamilya at ako na lang ang naiwan dito kasama ni Mama. Mabuti na lang at umuuwi sila rito tuwing bakasyon, kagaya ngayon. "Layuan niyo 'yang ingratang 'yan! Wala iyang ginawa kundi ang suwayin ako!" nanggagalaiting sigaw ni Mama. "Wala man lang ginawang tama para sa ating pamilya!" "Mama!" muling pagsigaw ni Kuya. "You're talking to Dianarra! My sister, and your daughter. Huwag niyo naman siyang pagsalitaan ng ganyan." "Diego, narinig mo ba ang sinabi ng kapatid mo?" Halos maputol na ang litid ni Mama. "Aba'y magpapakasal daw siya!" natatawa niyang sabi. "Kung sana'y sa isang marangal na lalaki siya magpapakasal ay walang kaso. Ang problema ay sa isang hamak na anak ng kapitan lamang ng ating barangay ang kanyang nais na pakasalan. Do you think I will agree to that?" Kayang-kaya kong tanggapin ang mga masasakit na salitang binibitawan niya tungkol sa akin, pero kapag tungkol na sa lalaking mahal ko ay hindi ko mawari ang gusto kong gawin. Ang tanging nagpupumigil nalang sa akin ay ang katotohanang siya ang aking ina; siya ang nagpakahirap na dalhin ako sa kanyang sinapupunan ng siyam na buwan; siya ang nagluwal sa akin sa mundong 'to na dahilan kung bakit ko nakilala ang taong gusto kong pakasalan at makasama habang buhay. Naalala ko pa noong unang pagbisita ni Silver dito sa aming mansyon nang ipinakilala ko siya. Mama's very vocal with how much she dislikes Silver for me because of his state of living. I don't get it. Love and marriage shouldn't be hindered by that kind of viewpoint. Maybe, during ancient times it was significant, but we're already in the modern era. "He's a noble man, Mama," I pointed out to her, still trying to fight for the love of my life. "He can do so many great things. Mahal niya ako." "If he really loves you, he'll be considerate of your future and stop dragging you down to his family's level. You don't belong to their clan, Dianarra. Huwag mong pangarapin ang mababang taong katulad niya," mariin niyang sabi. "Paano niyo po nasasabi 'yan, Mama?" I asked, trying so hard to control myself. Naramdaman naman ni Ate ang aking panginginig sa sobrang galit at mas hinigpitan niya ang kanyang pagkakayakap sa akin. "Kung makapagsalita kayo ay parang hindi kayo nanggaling sa hirap. Parang hindi niyo naranasang maging katulad nila. If you think he's already that low, paano pa kayo noon na isang anak lamang ng magsasaka? Minahal naman kayo ni Papa kahit mababa lang kayo, ah!" I said, wasn't able to filter my words. Umambang lalapit sa akin si Mama upang pagbuhatin ulit ako ng kamay ngunit mabilis siyang napigilan ni Kuya. "Ma, stop it!" pagpigil sa kanya ni Kuya. "You're right! Naranasan kong maging mababa at ayaw kong magaya ka sa akin kaya ako ganito!" namumula at mangiyak-ngiyak niyang sabi. Kinagat ko naman ang aking ibabang labi't nag-iwas ng tingin sa kaniya. Even if she always makes me angry, I still don't want to see her hurting because of me. Mas lalo ko lamang nararamdaman na wala akong kwentang anak. "I want you to have the best dahil alam kong kailangan mo 'yon. Ayokong maghirap ka balang araw. Ayokong maranasan mo ang mga naranasan ko noong isang hamak na anak lamang ako ng magsasaka," she almost cried. "I don't need that, Mama..." sabi ko naman. "I'm ready to go down if it means to marry the man I love. Wala akong pakialam kung maghirap ako basta masaya ako. Aanhin ko ang karangyaan kung hindi ako masaya? I'd rather die than to live that way." "You're only saying that because you're blinded by love! Masyado ka lang nahuhumaling sa lalaking 'yon," giit niya. "Kapag nagtagal kayo ay maiisip mong nagkamali ka. You will live in regret." "I won't ever regret choosing the one I love," I stated firmly. "Then go!" she shouted. "Go and choose him but never come back! Sa oras na pinili mo ang lalaking 'yon ay itatakwil na kita bilang anak ko! I will deprive you of your inheritance from your father. I will take the plantation from you and let one of your siblings manage it," babala niya sa akin. "Mama, tama na 'yan!" pagpigil naman ni Kuya kay Mama at saka ako nilingon. "Dianarra, go back to your room. Samahan mo na siya, Ate Ariana. Ako na ang bahala kay Mama," utos naman sa amin ni Kuya. Tumango naman si Ate at hinila na ako papalayo kay Mama upang makaakyat na kami sa aking silid. "Your father would be very disappointed of you," rinig kong pahabol ni Mama nang papaakyat na kami ni Ate sa hagdanan. No, Mama. You're wrong. Papa wants me to choose everything that will make me happy. Iyon ang lagi niyang paalala sa akin at ang huling bilin niya bago siya namaalam. Nang makapasok kami sa aking silid ay hinarap ako ni Ate. Halatang hindi niya alam ang kanyang gagawin dahil kitang-kita ito sa kanyang ekspresyon. She's worried and concerned, at the same time. "What will you do now, Dianarra?" she asked me matapos ang ilang sandaling pananaig ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. "I will push through marrying Silver, Ate," walang pag-aalinlangan kong sagot. Her forehead creased. "Huwag kang magpadalos-dalos ng desisyon, Dianarra. Pag-isipan mo ng mabuti ang desisyon mo," she asked me to rethink. "Alam mo ang kayang gawin ni Mama kapag ipinagpatuloy mo 'yan." "Akala niyo ba hindi ko 'to pinag-isipan ng mabuti?" tanong ko at nag-angat muli ng tingin kay Ate. "Ilang gabi akong hindi makatulog ng maayos sa kakaisip tungkol dito magmula nang sinagot ko si Silver. Ilang araw ko ring naisip na bawiin ko ang salitang 'oo' sa kanya pero hindi ko kaya. Hindi ko kaya dahil mahal ko siya at alam kong masasaktan ko siya. I don't want to regret letting him go, Ate. Bago ko sabihin kay Mama ang tungkol dito ay buong-buo na ang desisyon ko." Napapikit naman si Ate Ariana na para bang nahihirapan na siya sa dapat sabihin at ipayo sa akin. If she'll try to stop me, I'm just going to defy her at alam kong alam niya na 'yon. "This will be hard..." she suddenly said. "Pakiramdam ko'y kayang totohanin ni Mama ang pagtatakwil sa'yo kapag nagpumilit kang magpakasal kay Silverio. Alam naming pinaghirapan mo ang plantation para bawiin lang sa'yo. Siyempre'y hindi kami makakapayag ni Kuya pero na kay Mama pa rin ang huling desisyon." "Ate, please don't try to stop me... You know I won't," pinangunahan ko na siya dahil alam kong 'yon na ang kanyang sunod na linya. "Alam ko 'yon, Dianarra. Pero hindi mo ako mapipigilang mag-alala para sa'yo. You're my little sister," she said and warmly smiled at me. "Your support will be enough for me, Ate. That's all I ask of you and Kuya," I said. Ngumiti naman lalo si Ate. Nakita kong bumagsak ang kanyang luha habang tumatango sa akin. "Silver's very lucky to have you..." sabi naman niya't lumapit sa akin upang yakapin ako. "You two have my blessing already. I will try my best to cover both of you and I'm sure that Diego will also help. He likes Silver for you." Niyakap ko naman pabalik si Ate. I'm so tired from crying and all I need is some comfort. "Magpahinga ka na at kami na ang bahala ni Diego. Mag-iisip kami ng paraan. Tutulungan ka namin," she ensured me and asked me to sleep already. Naging madali naman para sa akin ang pagtulog dahil nga ilang gabi din akong nanakawan ng tulog nang dahil sa matinding pag-iisip tungkol sa aming dalawa ni Silver. Kinabukasan ay nagising ako sa mahihinang boses na nagbubulungan sa aking tabi. Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata at nakita ang dalawa kong kapatid na seryosong nag-uusap. "She's awake now," anunsyo ni Kuya nang maramdaman ang aking pagkagising at nilingon ako. "How's your sleep?" he smiled at me and caressed my face softly with his hand. "I was able to sleep properly," sabi ko naman. "Nasa El Nido si Mama ngayon, Dianarra. Gusto niya raw munang magpahangin at magpalamig ng ulo," bigla namang sabi ni Ate Ariana. "Hinayaan na namin siya ni Diego dahil alam naming makakabuti iyon sa sitwasyon ngayon." "Nagbabakasali rin siyang pagbalik niya'y nagbago na ang isip mo," dagdag naman ni Kuya. Agad naman akong umiling. "Nothing and no one can change my mind." "We know that, Dianarra..." ngumiti si Kuya sa akin. "And we've also thought of a way para matulungan kayong dalawa ni Silver." Mabilis naman akong napabangon mula sa pagkakahiga upang mas maging alerto sa bawat sasabihin nila Kuya. Natawa naman silang dalawa sa aking naging reaksyon bago naging seryoso at si Ate Ariana na ang nag-umpisang magsalita. "Well... Naisip naming gawing sikreto na lang ang pagpapakasal niyo ni Silver. Itatago natin kay Mama," Ate Ariana said straight to the point at wala nang paligoy-ligoy pa. Napakunot naman ang aking noo sa kanilang suwestyon. We'll hide everything from Mama? "If you really want to marry Silver then you can pero hindi dapat malaman ni Mama ang tungkol sa pagpapakasal na gagawin niyong dalawa," mas klarong sabi ni Kuya. "Ito ang naisip naming paraan ni Ate Ariana upang hindi ka itakwil ni Mama at kuhanin sa'yo ang plantation. Ang mahalaga pa'y maaari na kayong magpakasal ni Silver, 'diba?" "Kuya, hindi ba parang imposible naman ang ninanais niyong mangyari?" nakakunot-noo kong tanong. "Kapag ikinasal kami ni Silver, dapat ay magsasama kami sa isang bubong. Pero sa sinasabi niyong dalawa ay kinakailangan pa rin naming humiwalay sa isa't isa dahil dapat ay nandito lamang ako sa mansyon lalo na nang dahil sa pangangalaga sa plantation. Kapag hindi ako nanatili dito, tiyak na malalaman ni Mama ang tungkol sa amin." "Sasabihin namin kay Mama na sasama ka sa amin sa Maynila. I'm sure Mama will agree to that lalo na't gusto ka niyang malayo kay Silver." sabi naman ni Ate. "Para pwede kayong bumukod ni Silver. Huwag nga lang dito sa Bela Isla. Kahit sa mga kalapit na lungsod ay puwede na kayo." "Paano naman ang plantation?" I asked. "You can work for the plantation while you're away. May nahanap na si Diego'ng on-site manager na maaaring makatulong sa'yo. She'll report everything to you once you're away at babalik ka lang sa mansyon kapag nagkaproblema ang plantation," Ate Ariana explained. "Malalaman at malalaman din ni Mama 'to, Ate, Kuya. We can't hide forever," problemado ko namang sabi. Kuya Diego reached for my hand and gave me a smile. "This is the only plan we can think of, Dianarra. We can't change our mother's mind unless she thinks that Silver's already capable enough to marry you. It'll be Silver's job," sabi naman ni Kuya. "But for now, this is the only plan that we have for you. We can't lose you..." Maybe I just have to live through the plan that they have for me. That's the only way to keep Silver and also, my family.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD