Never Be Hindi na ako nagsalita at tinalikuran silang lahat upang makakawala pero alam kong hindi ako hahayaan ni Gio na makalayo nang hindi ako nakakausap. Tama nga ako dahil naramdaman ko siyang nakasunod agad sa akin. "Iarra," he called out for me. "Please let me explain." Kahit na ayaw kong makipag-usap ay nagawa ko pa rin siyang lingunin dahil gusto ko siyang bigyan ng tiyansa na ipaliwanag sa akin ang lahat. He's my best friend after all, and I wanted to give him a chance to explain and do the right thing instead of pushing this insanity. Humalukipkip ako habang nakatitig sa kanya na hindi man lang makatingin ng diretso sa akin. "Ano pa ang hinihintay mo, Gio?" malamig kong sabi. "Explain." Alam kong nahihirapan siya pero nagawa niya pa rin akong tingnan ng diretso. Sinubukan n

