“Nako, ang tisay namin! Kumusta ka, anak?” Agad akong niyakap ni Mameng nang makita niya ako papasok ng bahay. Umiyak na naman ako nang yakapin niya ako kaya hinaplos niya ang aking likod para pakalmahin ako. “Jusko, mabuti naman at ligtas ka, hindi ko kakayanin kung may nangyayaring masama sayo,” sabi niya habang nakayakap sa‘kin. Niyakap ko rin siya nang mahigpit habang umiiyak. Bukod sa may nangyaring masama sa‘kin kanina, akala ko‘y hindi na ako makakauwi rito. Binilhan ko pa naman siya ng pangtanggal para sa sakit ng likod. “Takot na takot siguro ang tisay namin...” “Opo,” I sobbed. “I‘m scared po... I'm so so scared po, I thought I'm going to die....” Pag-iyak kong muli. “Nako, kawawa naman ang tisay namin,” malambing na sabi niya habang patuloy hinahaplos ang buhok ko. “Meng,

