“Gising na ang prinsesa! Bangon na! Kakain!” Parang tanga niyang bati. Hinila niya pa ako patayo kaya agad akong napadaing nang maramdaman ang sakit sa ibaba ko. What the f**k?! Ginawa niya ba talaga ‘yon?! Agad nag-init ang pisngi ko at nahiya sa nangyari kagabi. Nakakahiya, nakita niya kung paano ako mabaliw sa ginagawa niya! Tapos siya, narito at pinagtitripan pa ako! Bakit parang wala lang sa kaniya ‘yon?! Nakuha niya pa talaga akong biruin at hatakin sa kama! Hindi ba siya aware na ang sakit ng katawan ko dahil sa ginawa niya? “Ay sorry, masakit pa ba?” He laughed. “f**k you, Dos,” agad kong hinampas ang balikat niya dahilan para matawa siya ulit. “Tayo ka na! Dali, kakakain! Aalis tayo!” Pinilit niya akong itayo roon kaya hindi na ako nakaangal. Napangiti na lang ako nung ala

