“Aba! Sanay na sanay ka na talaga maglinis ng isda, ha?! Very good ka!” Napatigil ako sa ginagawa para punasan ang pawis na tumulo mula sa noo ko. Ang lansa ko na at napapagod na rin, pero hindi pa ako pwede umuwi since maaga paa! Tsaka okay lang, 3 weeks na rin naman akong sumasama kay Mameng kata nasasanay na rin ako. “Very good talaga ang tisay ko na ‘yan!” Pagpuri naman sa‘kin ni Mameng kaya napangiti ako. “Biruin mo, dati ay hindi niya mahawakan ‘to pero ngayon, marunong na maglinis! Malaki ka na talaga!” Dos laughed because of what she said. “Meng, para ka namang magulang ni Alas niyan, malaki naman na talaga ‘yan nung pumunta rito. Maarte pa nga po, e!” Agad kong sinamaan ng tingin si Dos, bahagya pang inangat ‘yung kutsilyo para biruin siya at effective naman kasi bigla siyang p

