CHAPTER 01

2752 Words
They say the red string theory is a red string on their pinky finger that connects people destined to meet. Growing up, I couldn't help but wonder if the red-string theory was true. Is there someone out there who is connected to me by an invisible string and waiting for our paths to cross? But right now, the idea of that has already vanished from my mind. I'm getting married to someone I don't even love. “I‘ll make sure Tito, Ace will be happy with me.” Saad ni Lexter habang nakahawak ang kamay sa aking bewang. Nairita agad ako kaya naman pasimple kong inalis ‘yon at tsaka siya sinamaan ng tingin. “f**k off,” I whispered, smiling. Nakakainis! I f*****g tried my best to keep smiling! “After college is the wedding right? Then, after that, they're going to live in Japan.” Masayang sabi ng tatay ni Lexter kaya naman pati siya ay natawa habang ako rito ay iritang-irita na at gusto na silang sigawan! “Yes Daddy, Ace loves japan. So I'm planning to build our family there.” The asshole laughed. Bahagya rin akong natawa, hindi makapaniwala sa sinasabi niya. Aware naman akong gusto niya ako, but really?! He already planned it? Delulu ba siya or what?! As if papayag akong pakasalan siya! “Mabuti ’yan, may plano ka sa anak ko,” ngumiti si Daddy at tinuro pa ako kaya bahagya akong napairap, naiinis na. “Mana lang sa ama, balae,” tumawa ang Daddy ni Lexter kaya mas lalo akong nainis. “They‘re both engaged now! I'm so happy for the both of you!” Masayang sabi ng Mommy ni Lexter, nakangiti pa siya sa‘kin. “We waited for so long! And now, eto na! Simula bata pa kayo! I'm so happy, anak!” “Excuse me po,” magalang kong sabi bago tumayo at naglakad papunta sa kusina namin. Nakakrus ang dibdib ko sa braso bago yumuko sa countertop, hindi alam ang gagawin. f**k, maglayas kaya ako mamaya?! Ayokong ikasal sa kaniya! Bakit ba plinano pa nila ang walang kwentang bagay na ‘yan?! Inis na inis kong inuha ang cellphone ko mula sa bulsa, I wanted to call my girl friends but I didn't want to bother them with my problem, especially with Archie. [Training ako, why?] He said on the other line. “Drei, itanan mo nga ako,” seryosong sabi ko habang kinakagat ang hinlalaking daliri. [Wait coach!] Sigaw niya mula sa kabilang linya. [What the f**k? Ano nakain mo?] Natatawang tanong niya. “Do you know Lexter right?!” Tanong ko sa kaniya. [Oh, ano meron doon?] He asked. [Pinopormahan ka ‘diba? O, tapos?] “Hindi lang ‘yon,” umupo ako sa sahig at sumandal sa dingding ng countertop, nakayakap sa dalawang tuhod ko. “What should I do, Drei? I'm going to marry him... I'm scared...” I hid my face from my arm as my tears fell. [What the f**k? Are you serious?] He sounded concerned now. [Ano? Kailan kita itatakas? Ready ako, sabihin mo lang!] Sabi niya. “Stop joking, Shandrei Yven! I'm serious, ha!” [Seryoso rin ako, pre] Sagot niya, hindi natatawa kaya mas lalo akong naiyak. [Ano? Sabihin mo lang, itatakas kita. I got you, Dol! Tawagan mo ako kapag g na! Ako bahala sayo!] Buong linggo ko pinag-isipan ‘yon pero parang umatras lahat ng tapang ko kaya hindi ko magawang tawagan ulit si Shandrei. Ayokong maduwag, pero natatakot ako kay Daddy. Pakiramdam ko‘y gagawin niya ang lahat para lang mapakasal ako sa kaniya. “Mommy...” I cried while hugging my pillow. “Mommy, I need you...” I cried again. “I just turned 20, Mom... I don't wanna get married at the young age! Mommy, please...” I missed my mom so much. If she's here, alam kong hindi mangyayari ‘to, ni hindi niya hahayaang mag-isip ng ganoon si Daddy. I know, she loves Tita Betty, but my dad loves mommy so much. Kaya naman kung nandito siya, alam kong hindi rin gagawin ni Daddy ‘to. If only my mother was here, I wouldn't have to suffer like this. Nang makasigurado akong tulog na ang lahat, tsaka lang ako tumakas ng bahay. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayong gabi. I only brought my cellphone and wallet with me. I couldn't use my car because it's too difficult for me to take it out, especially if they might wake up, even the guard! “Whiskey on the rock please,” I said to the bartender. When he handed me a glass, I immediately drank it and asked for more. “One more,” I said, giving him the glass. “Ma‘am, nakakarami na po kayo. Baka po malasing kayo ng sobra.” He told me so I rolled my eyes. “Don‘t worry, I'll pay naman so give me the drink,” I massaged my head, it's masakit na! Matutumba na sana ako sa upuan pero biglang may humawak sa braso ko kaya hindi ako tuluyang natumba. Tinulak ko agad si Lexter nang makita ko siya. What the is he doing here?! Hanggang dito ba naman?! “What are you doing?” He asked. “Kuya, here's the payment, ‘wag mo na siyang bigyan.” Rinig kong sabi niya sa bartender kaya mas lalo ko siyang tinulak dahilan para matumba ‘yung baso. “Ano ba! Don't touch me and mind your own business!” Sigaw ko sa kaniya, lasing na. I feel like everyone is watching us now. “Go away! Stay away from me!” Bumaba ako mula sa kinauupuan ko at inalis ang hawak niya sa‘kin. Dahilan para bahagya akong matumba, hilong-hilo at lasing na. “Ace, come on, uuwi na kita,” he said but I shook my head. “Just stay away from me, please!” Sigaw ko ulit. “f**k!” Inis akong napahawak sa ulo ko at naglakad na paalis. Pero bago pa ako tuluyang makalabas sa bar ay agad na akong natumba dahil sa hilo. Pagkagising ko ay nandito na ako sa kwarto. Suot ko pa rin ang damit ko mula kagabi. Napahawak ako sa ulo ko, habang dahan-dahang umuupo sa kama. I took my phone to check the time. It's already five pm in the afternoon. Napairap na lang ako, alam kong alam na ni Daddy na tumakas ako kagabi kaya naman sigurado akong papagalitan niya ako. Kumuha ako ng damit sa closet bago naligo. Wala sana akong planong lumabas ng kwarto dahil ayoko silang kausaping lahat, pati ang mga kapatid ko kaya pagtapos kong maligo ay humiga lang ako at nag-scroll sa cellphone. Ilang oras pa ay napatingin ako sa pinto ng may kumatok. Bumukas ‘yon at pumasok si Ate Celine. Napaupo ako sa kama para tignan siya. “What now?” I asked. “Daddy‘s here, he's calling you,” she told me. “Alam mo namang papagalitan ka, ‘diba? Bakit ba tumakas ka pa? Pinalala mo lang lalo, Ace. Hindi ka man lang nag-isip kagabi bago mo gawin.” “I don't want to get married,” I raised my brow. “I know, but you still have to obey him. Daddy won't change his mind if you run away!” Galit na sabi niya dahilan para matawa ako nang sarkastiko. “Bakit ‘di mo gawin? Ikaw ate ‘diba?” I asked her, sarcastically. “Bakit kailangan ako?” “Ace! It's for the company!” She exclaimed. “Edi f**k that company,” serysong sabi ko. “Bakit kailangan ako gumawa? Why do I need to be the one who will save that stupid company?” “Ace! Malulugi ang kumpanya if you don't marry their son!” Inis na sabi niya kay mas lalo akong natawa. “You wanted to be the ceo, right? Bakit hindi ikaw gumawa?” Tanong ko. “I don't care if the company goes bankrupt. Never akong magpapakasal sa kaniya.” “Ace!” “For what?! Ikaw naman ‘yung gusto maging ceo diba?! Kayo ni kuya naman ang mag-aagawan diyan! Why don't you guys leave me the f**k alone?!” I yelled. Bago pa siya magsalita ay nakita kong palapit na si Daddy sa‘kin. Nagdilim agad ang paningin ko nang maramdaman ang hapdi sa aking mukha. Napahawak agad ako rito sa sobrang sakit. My vision is blurry. “Sandro, ano ba!” Rinig kong sigaw ni Tita. “You are worthless! Hindi ka nag-iisip! Ang daming pwedeng makakita sayo sa bar, si Lexter pa talaga?! What do you think his family think of us?!” Galit na galit na sigaw niya kaya tuluyan na akong umiyak. I'm worthless? Oh, please mommy... I don't want to be here. Wala akong kakampi rito... Maski ang mga kapatid ko. Ilang beses ko nang paulit-ulit tiniis na huwag sagutin si Daddy, pero ngayon, hindi ko na kinaya. I can't take it anymore. “I‘m worthless?” I laughed, sarcastically. "Then why will you use me for that shitty company?!” Sigaw ko pabalik kaya napatigil siya. “Alam niyo, sana hindi na kayo umuwi! Bakit ba kayo umuwi pa?! Just go back to LA!” Sasampalin niya sana ako ulit pero hindi niya nagawa dahil inaawat siya ni Tita. “You... b***h,” my dad told me. “You‘re ungrateful, wala kang utang na loob!” “Utang na loob?! That's your responsibility! It's not utang na loob, Dad! I'm your f*****g daughter, kaya you are responsible to me!” I shouted. “You know what? I hope si mommy na lang ‘yung nandito. Not you, not Tita Betty.” “Leave,” he pointed the door. “Get out of my house!” He yelled. “Sandro! You can't-” “This is my house, so I will do whatever I want to do!” He shouted to Tita Betty. Hindi ko na hinintay sumagot si Daddy, kinuha ko na lang ang bag ko at nilagay lahat doon ang mga importanteng bagay na kailangan ko. Nakatalikod ako sa kanila kaya ang pagsara ng pinto lang ang narinig ko. When I felt they were gone, I burst out, crying. “Pwede namang ‘wag ka na lang umalis. Kakausapin ko ang daddy mo, Ace.” Naramdaman ko ang paghawak ni Tita sa‘kin pero agad ko ‘yon inalis. “Leave me alone,” I tried to stop myself from crying. Nang mailagay ko na lahat sa bag ko ay tsaka ko siya nilagpasan. I heard her calling my name but I didn't look anymore and I just went straight out of the room until I got out of the house. Ni hindi man lang ako pinigilan ni Kuya. “Of course, Ace... wala ka namang kakampi rito.” Inis kong sabi habang nag-didrive. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon, hindi naman pwedeng pumunta ako sa mga kaibigan ko lalo na’t baka madamay lang sila. Alam ko ng sinabihan na niya na ang magulang ni Archie at Alaina kaya I can't call them for help. Hindi ako pwede tumambay ngayon sa Wabi kaya sa Malib ako pumunta. Bar din ‘yon. Ilang whiskey na ang na-order ko, kaya matinding hilo na rin ang nararamdaman ko ngayon. “Hi, miss,” a guy approached me. “Stay away from me,” hilong sabi ko. Tumayo na ako agad dahil pakiramdam ko ay hindi tama kung magtatagal pa ako rito. “Are you free to-” “I said stay away from me! Can't you understand?!” I yelled at him. “Hey, chill,” he chuckled. “I‘m just asking you, wala ka namang kasama, ‘diba? Come on, let's drink in my condo. Sagot ko.” Umakbay pa siya sa‘kin pero agad ko ‘yong inalis. Fuck, sana lang talaga ay hindi ako mag-passed out ngayon! Maling uminom yata ako rito! Binilisan ko ang lakad ko palabas ng bar hanggang sa makarating ako sa sasakyan ko. Bago ko pa mabuksan ang pinto ay may umakbay na naman sa‘kin. “I was talking to you, you're rude ha...” He whispered. Agad akong kinilabutan kaya lumayo ako sa kaniya. “Stay the f**k away from me!” I yelled at him. “Hel-” Bago pa ako makasigaw ay agad niyang tinakpan ang bibig ko kaya buong lakas akong nagpumiglas para lang maitulak siya. “I said, come on, ang kulit mo ‘no?” He laughed. He f*****g laughed. Pinilit ko pa ring sumigaw kahit nakahawak siya sa bibig ko. I'm scared now. Please, help me. Naramdaman ko na ang pagtulo ng luha mula sa mata ko. “Hoy gago!” Agad akong natumba sa sahig nang mabitawan ako ng lakaki. “Ampota, hoy!” Sigaw ng familiar na boses. “Help...” I called him, crying. “Miss, okay- Teka ikaw-” Napatigil siya nang bigla akong yumakap sa kaniya. “Help me, please... I'm scared, help me...” I cried as I hug him tight. “Please, take me somewhere...” “Anong take you somewhere?! Saan ba bahay mo, ihahatid na kita-” “No! No! They're monster... My dad... He kicked me out... so, please take me somewhere... Somewhere safe... Please...” I begged. “Amputcha,” he muttered. “Saan naman kita dadalhin?” He asked again. “I don't know! Just take me somewhere safe!” Pag-iyak ko. Dahil sa higpit nang yakap ko sa kaniya, dahan-dahan ko nang naramdaman ang hilo at pagod kaya tuluyan na akong nawalan ng malay habang nakayakap sa kaniya. The next day, I woke up with headache... Again! Napahawak ako sa ulo ko habang dahan-dahang minumulat ang mata. Agad nanlamig ang buong katawan ko nang makitang wala ako sa hotel at... at... may old woman and guy na nakatitig sa‘kin! “Dos, apo! Gising na siya!” Sigaw ng matandang babae. Agad akong tumili at napausod sa dulo ng kama. Where the f**k I am?! Bakit wala akong maalala?! “Oh, bakit ganiyan hitsura mo?” Another man entered the room, he was wearing a sando. “I don't know you! Sino kayo?! What am I doing here?!” Sigaw ko ulit kaya lumapit na ‘yung lalaki sa‘kin dahilan para mas lalo akong mausod sa kama. “Don‘t! Who are you?!” “Wow, matapos mo akong yakapin kagabi, tatanungin mo kung sino ako?” He asked sarcastically. Yakapin?! Ako?! Yayakapin siya? Bakit ko naman gagawin ‘yon?! Ni hindi ko nga siya kilala! “What the f**k are you saying?!” “Pst, hoy! Naririnig ka ni Lola!” Suway niya sa‘kin. “I don't care! Where am I?! Ni rape mo ba ako?!” Sigaw ko ulit sa kaniya dahilan para mag-react ang dalawang kasabwat niya. “Ay nako, iha, mabait ‘tong si Dos ko! Anong rape ang sinasabi mo riyan?!” Natatawang tanong ng matanda, nakahawak pa sa braso ng “Apo” niya. “Oo, tama si mameng!” Sabi pa anung isang lakaki. Muli akong tumitig dito kay Dos daw. He looks familiar. Fuck! He's the guy na kumatok sa car ko! “Sabi na! Naniningil ka lang kasi muntik na kitang masagasaan!” Tinuro ko ang lalaki habang nakatayo ako sa kama niya yata. “If you planned to kidnap me to get some money, ‘wagka na umasa! My dad already kicked me out! So paalisin niyo na ako!” Sigaw ko ulit. “Ay nako, kawawa ka naman... Gusto mo dito-” “No way!” Sigaw ko sa Lola niya. “Hoy, masungit na englishera, una sa lahat, hindi kita kinidnapp, pangalawa hindi rin kita ni-rape, at pangatlo, ikaw nagsabi sa‘kin kagabi na “What if just take me to your house?” Ang arte mo pa nga no‘n!” He said, mocking me! Sisigaw sana ulit ako pero hindi ko nagawa noong maalala ko lahat nang nangyari kagabi. Mula sa pagpapalayas sa‘kin, nag-didrive ako papunta sa malib, tapos may lalaking balak akong tangayin and... I hugged this guy and begged for his help! Dahan-dahan akong napaupo sa kama niya, hindi makapaniwalang ginawa ko ‘yon. f**k that alcohol! Never again! “Naalala mo na?” He asked, sarcastically. — Next >
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD