Ashara
Building. Trees. Building. Cliff. Trees. Plantation. Building.
Pare-pareho lang ang nakikita ko.
Nakakaantok.
Nakaupo ako sa passenger's seat habang nakatingin sa labas. Mabilis ang takbo ng saksakyan namin. Halos isang oras na rin kaming nasa biyahe. "Kuya, gutom." reklamo ko kay kuya Teban habang hinihimas-himas ang tiyan ko.
Kuya Esteban, a professional doctor, is my cousin sa side ni mama. Siya lang yung close kong pinsan kasi siya lang rin yung kinakausap ako. Nakikita ko naman yung iba kong pinsan kaya lang tamang ngiti-ngiti lang kami sa isa't isa.
Si kuya Teban na rin yung tumayong guardian ko simula nung namatay si mama. He's paying all my expenses, siya na rin ng nagpaaral sakin. I want to find a part-time job to help for my expenses, I don't wanna be a burden, however he doesn't want me too. He's kind and caring to me yet harsh to others. Ganyan yan. Overprotective. Loving. And playful jerk este cousin.
"Kunin mo na yung sandwich d'yan." he said while straight at the road. "'Yan kasi sumama-sama ka pa. I told you to stay at home, right? Tsk. Tsk. Tsk." he added while shaking his head.
Sinermunan na naman ako dahil sa pagiging pasaway ko raw. Ksh.
"Didn't know na kapag sumama pala sayo...magugutom. At kapag nag-stay naman ako sa bahay mabubusog ako, ganoon ba kuya?" I asked him, raising my eyebrow. Binuksan ko ang sandwich na nakuha ko. Gutom na talaga ako.
"I'm being serious here, Ashara!" he said then glare at me.
I sighed. "Nakakabanas naman kasi sa bahay, kuya. Tapos na rin naman akong mag training. Ano pa bang gagawin ko?" sagot ko. Tatlong oras na training na 'yon. Quota na! Grabe naaa!
"HOY! NGA PALA! PWEDE BA?! Bawas-bawasan mo nga ang pagte-training, Ashara. Your body might be compromise. Pwede kang magbreak-down." kuya reminded and shouted me again habang nakatingin lang sa daan. Kailangan talagang sumigaw?
He's always reminding me not abused my body in training yet he's also reminding me to train everyday. Ironic, right?
"Yes, kuya. I know my limits. Ako pa!" sabi ko sabay turo sa sarili ko.
Pabalik na si kuya Teban sa States. Taga-roon naman na talaga sila nina tita. Kuya Teban is a Filipino raised in America. He just planned to take a visit at our residence, but because of the incident happen to my mother...napatagal.
"Ashara..." he called me again pero this time, malambot na pakinggan ang tono ng boses niya.
Sana kung ganyan palagi ang boses mo, edi baka magkasundo pa tayo kuya.
Tinignan ko siya habang siya naman ay sumusulyap lang sakin. "Hindi ka ba talaga sasama?" tanong niya. "I mean, you can migrate there. I can tell mom about it. Wala kang kasama dito, Ash. I'm afraid that something might happen to you."
I smiled at a thought. Kuya Teban really cares for me. He's always asking kung di daw talaga ako sasama at kung final decision ko na daw ba ang mag-stay dito sa Pilipinas.
After what happened to my mother, hindi na niya ako hinahayaan na mag -isa ng matagal. Iniisip niya palagi na baka raw may mangyaring masama sakin. "Kapag sumama ako sayo, walang maiiwan para dalawin buwan-buwan si mama ko." I said with a faint smile. "Kaya ko ang sarili ko, kuya." I said in a confident tone para 'wag na 'to mag alala sakin.
"Kahit bakasyon lang?" kuya Teban said while laughing.
Aba talaga naman!
"Ang kulit mo kuya ano!" I hissed as I chuckle. I will miss this big man.
"Fine. I'm defeated again." he said, surrendering. Huminto ang kotse sa parking ng NAIA. Bumaba siya para kunin yung maleta niya. Bumaba na rin ako para tumulong. Tatlong bagahe lang naman ang dala niya. Puro lang naman 'yan damit nya.
He hugged me tightly na para bang last na pagkikita na namin to. Well, this is the last for this year.
"I'm going." he said habang hinihimas ang buhok ko. He's three years older than me and 3.5 inches higher than me. Tumango lang ako sa kanya. I don't want to bid a goodbye that dramatically. "Drive my baby back home. Ingatan mo yan!" he said caressing his car. Baby. He's refering to his shining red car.
I rolled my eyes and mimic what he said. "Oo na. Iingatan ko yan."
"Drive slowly."
"Psh. Kuya alam ko....di ko naman pangkakarera yan." I said to him. Pero seryoso, ayokong ipangkarera to, ampangit. Mas maganda yung bike ko.
"About that, Ash...bawas-bawasan mo muna ang pagsali sa racing. I'm afraid that you will broke one of your bones or ligaments again." he said, trying to piss me off by stating to me what happened last month. Nagkaroon lang naman ng bali yung paa ko. One week akong nakaupo o kaya nakahiga lang.
Letchugas.
Nagulat pa nga noon si kuya kasi ang bilis gumaling. It should heal after 3 to 4 weeks cause it's a serious injury. But on my case, one week lang gumaling na siya.
"Kuya, di na mangyayari yon. Tsaka..." pinamaywangan ko siya. "nangyari lang yon kasi nandaya yung isa pang racer."
Yup. Sumasali ako sa mga karera. Underground motorbike racing. Cool, right? I know. No one knows my true identity 'there' kaya safe ako pakalabas. I'm Ashara here, while there, I'm Neya, a famous motorbike racer.
I joined the racing for fun. And for money.
"Fine! But please be extra careful." he said, emphasizing the last word. Sudddenly, I can see a glimpse of sadness in his eyes. "Mag-ingat ka palagi, Ashara. Call me when you need me. I'm always here. Your kuya is always here. Okay?" he said.
His words touches my heart. I gave her a soothing smile then nod. Dumiretso na ako sa driver's seat pero di ko pa binuksan ang pinto. I'm now on a legal age kaya pwede na ko magmaneho...at makulong.
"I WILL, KUYA! TAWAGAN MO AKO KAPAG NAKARATING KA NA ROON. BYE BYE!" I winked at him tsaka dumiretso sa pag upo. I looked at him sa salamin ng passenger's seat. I waved a goodbye to him and gave him a flying kiss.
Pinaandar ko na kaagad ang kotse. Baka maisipan pa nung kuya ko na icancel ulit yung flight niya ih. He canceled it thrice kasi daw kukumbinsihin niya pa kong sumama. Pero wala eh mas matigas ko. Kaya yun, umuwi ng mag-isa ngayon.
***
"NEYA, CONGRATS!" Bee, also a racer, congratulate me. Nanalo nanaman kasi ako, kahit nakanam-ang daming nangdadaya.
As Neya, palagi akong nakasuot ng mask and black make-ups. I'm an underground gothic girl. Malayong malayo sa earthly side ko.
"Neya lang talaga malakas!" Fid and other racers tapped my shoulder, a sign of congratulating me. "Tara, inuman na!"
No way! Di ako umiinom ever since, virgin pa lalamunan ko.
"Pass!" I said rejecting them. Hindi lang lalaki ang racers dito, some of us are girls. And well, I'm happy na may gender equality rito. "Una na 'ko!" I said and wave my hand to them.
Pagod na 'ko, may gagamutin pa akong mga sugat which is di maiiwasan ng isang kagaya ko na matunog ang pangalan. Puntiryahin talaga ako ng mga desperadong manalo.
Papunta na ko sa kabayo, i mean motorbike ko nang may tumawag sa'kin.
"NEYA!" tawag ni Turbo sa'kin. Unpleasant name, isn't it? I gave him a nod as a response. "Congrats. You win the game. Again." dagdag niya habang nakalahad ang kamay. May kasama siyang pito pang katao. I can barely recognize their faces.
Why do I have this unusual feeling?
Kinuha ko naman ang kamay niyang nakalahad, offering a handshake. "Salamat."
"Balita ko titigil ka muna na raw?" tanong niya ulit.
Pati pala lalaki, chismoso na?
"Oo. Pahinga muna." Pero ang totoo, magre-review muna ako dahil magpapasukan na naman.
"Ganoon? May huling habilin tuloy si boss!" ani niya. Huling habilin? Doesn't sound good for me.
Pasimple akong tumingin sa paligid.
Crap! Wala na ngang katao-tao, madilim pa.
I tried to look casual and plain, hiding my nervousness inside. Something might happen. To me. Di pa ako nagkakamali sa gut feel ko.
"Sino? Si Locsin?" tanong ko. He smirked.
Locsin. Isa 'yan sa madadayang racer. No scratch that, siya pala ang pinakamaduga. Leader ng isang low-profile mafia. Bayolente pero mahina ang ulo kaya palaging naiisahan ng kalaban. Parang alam ko na kahahantungan ko.
Lord, have mercy on me.
Tinignan ko kung ga'no kalayo ang motorbike ko. More than near but less than far.
Crap!
"Oo, si BOSS Locsin." he said, emphasizing the 'boss' word.
Whatever!
Tumango ako senyales na magpatuloy siya. The good news? They simultaneously get something at their back.
Balisong.
Seriously, balisong!? I'm expecting more, like...uhh...a gun?
"Remembrance for you." sabi niya. Akmang susugod sa'kin, buti na lang nakailag ako.
I position myself. Ready stance. Gamit na gamit talaga ang fighting skills ko kapag nasa underground ako.
Dalawang tauhan ang sumugod sakin. Yumuko ako para makailag sa patalim nung isa sabay sipa sa isa pa.
***
3 down. May 4 pa pero hinihingal na ko.
Masamang damo talaga, ang tagal mamatay.
Dumudura na rin ako ng dugo. Sikmurahan ba naman ako nung mga kumag.
"Aba't tibay mo rin pala, Neya." Turbo said while laughing.
"Relax. Ako lang to 'lul." kalmado kong sagot sa kanya. I saw him frown. His hand form into fist. . I gave him sa subtle smile to make him more piss.
Pikon.
"Balian niyo ng buto!" sigaw niya.
Harsh.
Bigla na lamang sumugod yung tatlo pang natitira. Anak ng buhay na pagong!
Nakaramdam ako ng hapdi matapos madaplisan ng patalim for the third time. I can feel myself already giving up. Wala pa naman si kuya bilang back-up. Napaluhod ako ng sipain ako sa tuhod. Tatlo pa silang natitira. Kasali na d'on si Turbo.
I felt the sharpness of the knife when he placed it on my neck. "Tibay mo rin, ano." he said pressing the knife to my neck. I can feel the blood slowly flowing out. "Let me see the girl behind this mask."
Akmang aalisin niya na ang mask ko ng sumigaw ang isa niyang kasama. I grab the chance to attack him. Kinuha ko ang braso niya at pinilipit ito. Dahilan para mapasigaw siya at mabitawan ang patilim na hawak niya then I released him. Saktong pagharap niya sa'kin ay ang pagsuntok at pagsipa ko sa kanya. Kaya ayun, tulog.
Tumingin ako sa dalawa niya pang kasamahan na nakahandusay na rin sa daan.
And then, I look at the two guys who helped me finishing this brats. They're also wearing a mask. Black jeans, white shirt. Mukhang galing din sila sa loob ng field.
"Neya, ayos ka lang?" One of them come closer to me and asked. The other one is just observing us.
Nag-abot ang kilay ko.
Pa'nong—
"Oh, sorry. You didn't know me but I'm one of your supporters." he said.
Supporters?
Meron pala ako noon. Ba't kaya wala silang pa-tarpaulin sa akin?
"S-salamat. Ah...eh alis na'ko. I'm sure, papunta na rin dito yung iba pang tauhan ni Locsin, yung mga kasama nitong mga gago." sabi ko sabay turo sa pitong nakabulagta sa daan. "So, better hide. Aalis na ko, salamat ulit. Ingat." I said then I ride on my motorbike.
Even I can already feel the tiredness, and blurry na ang vision ko nakaya ko pa rin makauwi.
Another achievement unlocked, Ashara Neya Castro.
Walang hila-hilamos, humilata agad ako sa kama ko. Walang second floor ang bahay namin—which is good thing.
2:00 a.m.
Goodluck sa pagtulog, Ashara Neya.
***
Naalimpungatan ako kaya dumeretso ako sa banyo para maglinis. My face is covered with blood. Pati yung mga daplis eh nilisin ko rin. But to my shock, ni wala akong hapding nararamdaman. When I look at my reflection, all I could see is scars instead of open wound and bruises.
This is horrible. P-panong...
Pero nababalot ako ng dugo kanina, diba?
Mukhang kailangan ko ng tulog.
Ulit.
***
Date finished: March 19, 2021