Muntikan na siyang mapaatras nang marinig ang boses na iyon mula sa kung saan. It was a familiar baritone voice. Awtomatikong hinanap niya ang pinanggalingan ng boses. Tama nga siya. Si Grant nga iyon. Instantly, nagbago kaagad ang sikdo ng puso niya. For quite how long had they been together, alone inside his cabin? ‘Di maipaliwanag na damdamin knowing na si Grant ang kasama sa loob ng maliit na espasyong ito. ‘Yong pakiramdam na tila naiipit at nakakulong siya, bumabalik na naman. Just like the old times. Pilit niyang hinanap ang boses, but her throat dried in an instant. Natutuliro ang utak niya sa kung ano ang dapat sabihin. Baka masamain na naman nito na ini-invade niya ang privacy nito. Ang nagawa niya lang ay ang mapatanga sa mukha nito at indahin ang kakaibang kilabot. His eyes

