Parang tinatarak ng matalim na punyal ang puso ni Rebecca sa nakikita sa screen ng cellphone na hawak niya. Bilang kabilang sa glamorosong mundo ng fashion industry ay hindi maiwasang may showbiz reporters din na dumalo sa anniversary party ng kumpanya. Buong-buo niyang nabasa ang tungkol kay Grant at sa magandang babaeng katabi nito sa larawan. Kilala niya ang babae, anak ng malapit na kaibigan ni Tito Gener. Maganda, elegante, mataas ang pinag-aralan. “The two are inseparable.” Ang nakasulat sa isang online article na nabasa niya. Ang saya-saya ni Grant at ng babae sa larawan. They looked exactly like a beautiful couple. Isang maganda at gwapo. Bagay na bagay. Pati katayuan sa buhay a bagay rin. “I’m sure, botong-boto si Margarette sa’yo.” Habang nakatitig sa dalawang nakangiting m

