He tried harder to focus his mind on the job. Hangga’t maaari ayaw niyang nababakante siya. His day was full. Halos buong umaga ay may mga personal siyang niri-review na kontrata at proposal. Isa sa mga proposals na binabasa niya ang proposal ng isang maliit na TELCO sa Mindanao na nasa bingit ng bankruptcy. While the board saw it as a risk, he saw some potentials in it kahit ang daming butas niyang nakikita sa binabasa. If they were to branch out into another industry, they must do it right. May ibang industriya nang pinasok ang Summit, kung nagkataon, ito ang pinakauna nila sa larangan ng telecommunications. “Sir,” si Pauline, may bitbit na mga dokumento na pipirmahan niya. Isa-isa niya munang pinasadahan ng basa ang mga papeles. “May I remind you of the board meeting at two, Sir.”

