Buong akala niya ay aalis din agad si Samantha pero sa bahay pa ito naghapunan. Syempre, kahit may pagngingitngit ng kalooban ay kinailangan niyang tulungan si Nanay Rosa. Tulog na rin naman si Tito Gener. “H’wag ka nang makitulong dito. Madali lang naman itong ginagawa namin.” Crispy Pork Kare-kare ang iniluluto nito. Ang isang katulong naman ay gumagawa ng dessert habang ang isa pa ay nagsi-set ng komedor. Ang tanging nagawa niya lang ay ang gayatin ang mga gulay. “Ayos lang po, Nay. Wala naman po akong ginagawa.” Mas gugustuhin pa niyang dito sa kusina tumambay kaysa sa nasisilip niya mula sa bintana ng silid ni Tito Gener sina Grant at Samantha. First-hand account ang namamalas niyang promiscuousity ng dalawa. Sinimulan na niyang pitpitin ang bawang para san niluluto. Isinunod na

