Grant exhausted all means para matagpuan si Rebecca. Nag-hire siya ng imbestigador pero walang makuhang impormasyon ang private investigator. Lahat ng lugar na posibleng puntahan nito ay sinuyod na niya pero wala pa rin. Walang masabi ang mga kapitbahay nito noon sa Iligan. Kahit ang mga high school friends at college batchmates. Ang orphanage na pinaglilingkuran nito ay wala ring maibigay na impormasyon. May mga tauhan siyang nakamanman sa orphanage na pinagtatrabahuhan nito at bente kwatro oras na nagbabantay. Ilang beses na rin niyang pinuntahan si Mariel, madalas siyang simangutan. He tried to explain pero minsan ay tinapunan siya ni Mariel ng tubig sa mukha. “Huwag ka na ulit makapunta-punta rito, hayop ka!” Pabalik-balik din siya sa bahay ni Rebecca sa Sta. Ana, hoping na baka isa

