8 - Missed

1471 Words
Buo ang mag-anak na del Blanco. Kinabukasan kasi nga ay dumating na rin sa wakas si Margarette mula sa travel nito. Nakapagdesisyon ang mga ito na umakyat ng Baguio at may titingnan na ring site doon si Tito Gener para daw sa itatayong hotel. “Why don’t we tag Becca along with us, Mom?” Narinig niyang suhestiyon ni Grant sa ina. Napadaan siya sa sunroom kung saan nagbi-brekfast ang mag-ina. As usual, marinig pa lang ni Margarette ang pangalan na, tila may nagsasayan ng mga demonyo sa utak nito. Nakita niya kung paanong tumaas ang kilay ng babae habang sinisimsim ang brewed coffee nito. “No, it’s a family affair. It’s for the three of us only.” Poised pa ring tanggi ni Miss Margarette ngunit halata naman ang pagbabago ng habas ng anyo. “Besides, I don’t want my vacation ruined.” “Becca is such a nice kid, Mom. You’ll warm up with her. Nakakatuwa lang kasama.” One good reason na nagapangiti sa kanya pero kabaligtaran naman kay Margarette. “Mom-“ “Maybe next time, son,” si Tito Gener nang makita ang tensyon sa mukha ng asawa. Kapapasok lang nito mula sa garden at may kausap sa phone. Ganoon si Tito Gener lagi, laging sinasalo ang galit ng asawa. Para itong seargeant at arms, laging inaawat ang gulo. Ang swerte ni Margarette sa asawa at anak pero kung bakit ang sama pa rin ng ugali nito. “Okay,” si Grant na mas piniling kuamin na lang. Kahit kailan talaga hindi siya magagawang tanggapin ni Margarette. Hanggang ngayon nga ay ni hindi siya nito magawang titigan sa mga mata. Siya lang yata talaga ang nakakasira ng mood nito. Dulo pa lang ng buhok niya, tumataas na ang presyon nito. Tingin nito sa kanya, bacteria. Tinuturing siya nitong basahan o ‘di kaya ay hangin. Pero pasasaan ba at gagaan din ang loob nito sa kanya. Sisikapin niya lang talagang huwag magkamali. Pagkatapos nga ng breakfast ay umalis ang mag-anak na hindi man lang sila nagkausap ni Grant. Ang lungkot niya buong weeknends. Sana umuwi na ito. Masama ba ‘yon? tanong niya sa sarili. Kung pwede niya lang sanang hatakin pabilis ang oras para umuwi na ito. “Becca, makikisuyo naman o.” “Ano ‘yon, Flor?” walang gana niyang tanong habang nakapangalumbaba sa sandalan ng silya sa kusina. Natapos na niya ang paggagayat ng mga isasahog sa ulam at hinihintay na lang ang susunod na iuutos ni Nanay. “Ikaw na nga ang mag-akyat nito sa itaas.” Mga nakatuping damit ang hawak ni Flor. Pawang panlalaki at kay Grant ang mga iyon at ang bango. Kahit may amoy ng fabric conditioner tila naaamoy niya pa rin ang natural na bango ng binatang amo. “Kay Señorito Grant ba lahat ‘yan?” Tumaas kaagad ang level ng sigla niya. Napatayo at kusa nang kinuha ang mga iyon mula ky Flor. “Oo, pakibitbit naman ng mga ‘yan sa loob ng silid ni Sir Grant.” “’Yon lang naman pala, eh.” Tila pumapalakpak ang kanyang puso. Ang bibilis ng mga hakbang niya paakyat ng hagdanan at Excited siyang tinungo ang silid. Ilang buwan na rin siya rito sa mansion pero ni minsan ay hindi pa niya iyon npapaso. ‘Ano kaya ang hitsura ng silid ni Grant?’ Hawak sa kaliwang kamay ang mga damit ay binuksan niya ang silid gamit ang kanan naman. Bumungad sa kanya ang mabangong amoy sa loob. Panlalaking silid pero mabango at maayos ang lahat ng gamit. Iginala niya ang paningin sa paligid. Maayos, malaki at maalwan ang kwarto na napasukan niya. Walang gaanong kalat maliban sa hindi nailigpit na video game console na katabi din lang ng computer. Kahit ang study table ni Grant ay maayos na maayos din. Sa isang sulok ay may basketball ring na may katabing posters ni Kevin Durant. Kapansin-pansin din ang mga librong nasa shelf at maayos na nakasalansan. “Grabe ang dami naman.” Ano pa kayang silbi ng library sa ibaba? Pinasadahan niya ang titulo ng mga libro. Law on Taxation. Economics. Advanced Calculus. Business Mathematics. The Life of Gandhi. Sun Tzu's Art of War. Iilan lang sa mga yon at nahihirapan siyang unawain nang kanyang buklatin. Lalo na ang mga engineering at architectural books. Parang nakakasakit ng sentido. Sa ibabaw ng bed side table ay may tila portfolio. Mga free hand sketches ng mga sasakyan- eroplano, barko, ang nakikita niyang nakaploob nang buklatin iyon. Ang gaganda ng pagkaguhit, parang totoo at buhay na buhay. Sa bawat pinakadulong bahagi ay may initials na GB. Siguro initials ng Grant del Blanco. “Ang galing naman.” Pareho pala sila ni nito na marunong gumuhit. Ang sa kanya nga lang ay mga bulaklak at kung anu-anong free hand sketches. Napatingin siya sa ngayo’y nakaayos nang higaan. Saang side kaya natutulog ang binatang amo? Tuksong nahiga siya sa kama at sinamyo ang isa sa dalawang unan. Siya lang naman ang nandito, walang sisita sa kanya. “Ang bango.” Inilubog pa niyang lalo ang mukha sa ngayo’y yakap na malambot na unan. Ang lambot-lambot. “Becca, tapos ka na ba?” Napabalikwas siya ng bangon sa takot na mapasukan ni Flor sa ‘di kaaya-ayang sitwasyon. Mabilis niyang pinagpag ang bahaging hinigaan niya. Medyo nalukot ang gray bedsheet. Lumubog din bahagya ang gawing inunanan niya. Natatawa siya sa sarili. Para siyang sira nito. Masyado na pala siyang naaliw sa loob kaya minadali niya ang ginagawa. Mamaya mag-isip sina Nanay Rosa ng masama. Palabas na siya ng silid pero napatigil din sa paghakbang at napaatras. Nakadikit sa katawan ng lampshade ang pamilyar na larawan. Binalikan niya iyon at pinatitigan. Hindi niya namalayan, may pumunit na palang ngiti sa mga labi niya. Paano ay larawang kuha nilang dalawa iyon sa arcade na pinuntahan nila. *** Natapos na niya ang mga inutos ni Nanay Rosa, tapos na rin niya ang assignments niya kaya ‘di na nakakahiya pa ang maupo sandali sa hardin, sa lilim ng malagong puno. Ito ang paborito niyang spot. Mula rito ay nasisilip niya ang maliit na bahagi ng pool at kung may mga bisita man, tago ang bahaging ito. Ngayon lang din niya natanto, kapag nag-angat siya ng mukha ay direktang ang kwarto no Grant ang natititigan. Napangiti na naman siya nang wala sa oras. Minu-minuto na lang talaga, ito ang naiisip niya. Binuklat-buklat niya ang dalang sketchpad at pinagkasyang mag-drawing. Na-inspire pa siya lalo sa nakikitang husay ni Grant. ‘Sana naman, mapantayan ko ang husay mo.’ Kung may isang bagay man na masasabing magaling siya, ito na siguro ‘yon liban pa sa pagtatanim. Pero hindi naman niya pwedeng pakialaman ang well-manicured garden ni Margarette kahit natutukso na siyang magtusok ng pananim sa isang paso. May nakatalaga pa ngang hardinero na nagmimentena ng lahat ng mga pananim. Katunayan ay kinukulit niya si Manong kaya may mga dagdag na kaalaman pa siya. Nagsimulang gumalaw ang mga kamay niya gamit ang HB pencil ngunit tila yata tinamad siya ngayon. Kahit ang mapupulang roses ay walang appeal sa kanya. Kaya hinayaan niyang gumalaw ang kanyang kamay. Basta na lang niya ni-locate ang center ng papel at unang iginuhit ang unang pumapasok sa utak. Dalawang pares ng pamilyar na mga mata. Walang kulay ang sketch maliban sa itim na pencil ngunit kuhang-kuhang ang pinagbasehan niya. Parang buhay na buhay na nakatitig sa kanya. Sumikdo ang dibdib niya nang mapagtantong pares ng mga mata iyon ni Grant. Kumabog bigla ang dibdib niya habang nakikipagtitigan doob. Nahihirapan siyang alisin ang mga titig. “Wala naman sigurong masama kung iguhit kita, ‘di ba?” Para na siyang tanga na kasuap sa sarili. Muling gumalaw ang kanyang kamay, hinayaan niya. Iginihut niya ang mukha ni Grant base sa detalyeng naaalala niya sa mukha nito. Buhos na buhos ang buo niyang atensyon sa ginagawa at nang matapos ay hindi niya maiwasang hangaan ang sariling gawa. Nakuha niya ang hugis ng pangahan nitong mukha, ng mga labi, ng matangos na ilong, ng may kakapalang mga kilay. “Ikaw lang talaga ang naiisip kong subject.” Nagtataka na siya sa arili. Sa umaga, ito ang laman ng utak niya, sa gabi naman, ito pa rin maging sa panaginip niya. ‘Hindi ka ba napapagod sa pagtakbo sa utak ko?’ Ang lalim ng inaghugutan niya ng hininga. Niyakap niya ang sariling tuhod at inilubog ang baba roon at panay ang ginagawang pagbubunot ng mga tumutubong damo sa Bermuda. “Miss na miss na kita, Grant.” Para siyang sinilaban ng mainit na kape sa naiisip at kusang namutawi sa bibig. Naiangat niya ang mukha at tuwid na napatitig sa hanay ng berdeng pothos sa gilid ng pader. May naglalarong imahe roon, gwapo at nakangiting mukha. Kasabay niyon ang pagbilis ng t***k ng kanyang puso niya. Hindi kaya…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD